27/03/2026
π£ππ§ππ¬ππ‘ ππ‘π ππππͺ, π£πππ‘πππ₯ππ‘ ππ‘π π πππ¨π§ππ‘π π‘ππππ¦ππ‘ππ¬ππ‘! π‘π
Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Mabini na makiisa sa pandaigdigang selebrasyon ng Earth Hour ngayong Marso 28, 2026, ganap na 8:30 ng gabi.
Sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo nito, hinihikayat tayo na hindi lamang magpatay ng ilaw sa loob ng 60 minuto, kundi gawing pang-araw-araw na gawain ang pagtitipid ng enerhiya.
Ang simpleng hakbang tulad ng pagpatay ng ilaw kapag hindi ginagamit, pag-unplug ng appliances, at pagiging responsable sa konsumo ng kuryente ay malaking ambag sa isang ligtas, matatag, at sustenableng kinabukasan.
Sama-sama nating ipakita ang malasakit sa kalikasan. Ang maliliit na hakbang ngayon ay magbibigay-liwanag sa mas maliwanag na bukas.