13/02/2026
๐๐๐-๐๐๐๐, ๐๐๐-๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
Isang mapagmahal at makulay na Valentineโs Day sa inyong lahat!
Sa pagpasok ko sa aking huling termino bilang inyong lingkod-bayan, isa sa mga pinaka-pinahahalagahan ko ay ang pagkakataong tunay na makaugnay sa inyo. Kaya naman, nais kong magpasalamat nang buong puso sa lahat ng lumahok sa ating Valentineโs Pick-Up Line Challenge. Talagag pagalingan sa pangangampanya ng pagpapa puso sa kanilang mga entry.
Personal kong binasa ang inyong mga entries at hindi ko mapigilang humanga. Naramdaman ko ang emosyon ng bawat isaโmula sa mga nakakatuwang hirit hanggang sa mga malalalim na hugot. May mga entries na nagdulot ng saya, pero mayroon ding mga linyang bakas ang sobrang sakit. Sa totoo lang, maging ako man ay tinamaan; para bang pati ako ay may pinagdadaanan dahil sa lalim ng inyong mga salita. Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong puso; isang karangalan na mapagkatiwalaan ninyo ng inyong mga kwento.
Sa espesyal na araw na ito, nais kong mag-iwan ng ilang paalala:
Para sa mga may magagandang relasyon: Nawaโy patuloy pang tumibay ang inyong pagsasama. Kayo ang buhay na patunay na ang pag-ibig ay isang matibay na pundasyon ng ating pamayanan. Ingatan at alagaan ninyo ang biyayang iyan.
Para sa mga nag-iisa o may pinagdadaanang sakit: Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung pakiramdam niyo ay hindi niyo na kontrolado ang sakit, tandaan ang katagang "Jesus, take the wheel"โmatutong magpaubaya at magtiwala sa plano ng Maykapal. Tandaan na ang Valentineโs ay hindi lang para sa mga magkapareha. Nandiyan ang ating mga tunay na kaibigan na handang makinig, dumamay, at sumama sa atin sa anumang laban.
Para sa ating lahat: Ang pag-ibig ay darating sa TOMANG PANAHON. Samantala, yakapin natin ang pagmamahal na ibinibigay ng ating pamilya at mga tapat na kaibigan.
Maraming salamat sa mahabang panahon ng tiwala at pagmamahal. Hanggang sa huling sandali ng aking termino, asahan ninyong ang aking serbisyo ay laging magmumula sa puso.
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ข๐ง๐โ๐ฌ ๐๐๐ฒ, ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐ญ๐๐!
Councilor Tomang Romar Merano Konsifull