Municipal Agriculture Office - LGU Mabitac, Laguna

Municipal Agriculture Office - LGU Mabitac, Laguna Municipal Agriculture Office - LGU Mabitac, Laguna
Farmer's Information and Technology Services
(FITS- Mabitac)

24/07/2026

MAKABAGONG DRONE TECHNOLOGY SA PAGSASAKA, IDINEMO SA MABITAC, LAGUNA

Isinagawa sa Mabitac, Laguna ang drone fertilizer application demonstration bilang bahagi ng pagsusulong ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Ayon sa Department of Agriculture CALABARZON, layunin nitong maipakita sa mga magsasaka ang mas mabilis at mas episyenteng paraan ng paglalagay ng pataba upang mapataas ang produktibidad ng kanilang mga taniman.

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž ๐Ÿ“ขAlinsunod sa Executive Order No. 91, Series of 2026, pormal nang ipinatutupad ng Lokal na  Pamahalaang...
24/07/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž ๐Ÿ“ข

Alinsunod sa Executive Order No. 91, Series of 2026, pormal nang ipinatutupad ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mabitac ang 4-Day Workweek Arrangement para sa mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Layunin ng bagong iskedyul na ito na higit pang mapabuti ang kahusayan sa paghahatid ng serbisyo publiko, mapanatili ang mataas na antas ng produktibidad, at maisulong ang mas epektibong balanse sa pagitan ng trabaho at personal na buhay ng mga kawani.

๐Ÿ“… Bagong Iskedyul ng Operasyon:
๐Ÿ•ข Lunes hanggang Huwebes
7:00 AM โ€“ 6:00 PM

Patuloy na titiyakin na ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan ay mananatiling maaayos, episyente, at madaling maabot ng bawat Mabitaqueรฑo.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang ating lokal na pamahalaan.

๐——๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฐ, ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ, ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ||  Nagsagawa ng Drone Fertilizer Application ang   R...
22/07/2026

๐——๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฐ, ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ, ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ || Nagsagawa ng Drone Fertilizer Application ang Rice Program katuwang ang Agridom bilang bahagi ng pagsabay sa makabagong teknolohiya ng pagsasaka sa rehiyon noong ika-10 ng Hulyo sa Mabitac, Laguna

Layunin ng aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng drone-based precision farming sa pagpapataas ng produktibidad ng palay sa pamamagitan ng mas mabilis at tumpak na aplikasyon ng pataba.

Bukod dito, nakatutulong rin ang naturang pamamaraan sa pagbawas ng oras, gastusin sa paggawa, at paggamit ng mga input habang pinagbubuti ang pamamahala sa mga taniman.

Ayon kay G. Manuel M. Oliveros, may-ari ng 5.5 ektaryang palayan sa lugar, malaking pakinabang sa mga magsasaka ang paggamit ng drone na isinagawa ng . Aniya, malaki ang naitutulong nito dahil nababawasan ang kanilang pisikal na paggawa at mas pantay ang pagkalat ng pataba kumpara sa tradisyunal na mano-manong pamamaraan.

JUST IN: Validation of Mabitacueรฑo Farmers for the Gulayan sa Baybay Program โค๏ธ
16/07/2026

JUST IN: Validation of Mabitacueรฑo Farmers for the Gulayan sa Baybay Program โค๏ธ

July 8, 2026 | ANTI-RABIES VACCINATIONMatagumpay na isinagawa ng Agriculture Office of Mabitac, katuwang ang Provincial ...
09/07/2026

July 8, 2026 | ANTI-RABIES VACCINATION

Matagumpay na isinagawa ng Agriculture Office of Mabitac, katuwang ang Provincial Veterinary Office, ang Anti-Rabies Vaccination Program noong Hulyo 8, 2026 sa Brgy. Libis ng Nayon at Brgy. Maligaya bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop at pag-iwas sa rabies.

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Mayor Alberto Reyes at sa pangangasiwa ng ating Municipal Agriculturist, Engr. Johnviefran Patrick Salvador at ng ating Livestock Inspector, Sir. Melvin Ben Dorado

Lubos ang aming pasasalamat sa mga mamamayan ng Brgy. Libis ng Nayon at Brgy. Maligaya sa kanilang aktibong pakikiisa at suporta. Kinikilala rin namin ang mahalagang tulong ng kanilang mga Punong Barangay, Kap. Juancho Recio at Kap. Juan Estrada, kasama ang kanilang mga kagawad, sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa aming mga katuwang mula sa Provincial Veterinary Office sa kanilang dedikasyon at patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan ng hayop sa ating bayan.

Maraming salamat po sa inyong lahat sa inyong pakikiisa sa pagsusulong ng isang ligtas, malusog, at rabies-free na komunidad.


06/07/2026
https://www.facebook.com/share/p/1G2FMYUdM9/
01/07/2026

https://www.facebook.com/share/p/1G2FMYUdM9/

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ก๐—ง๐—ฆ

Young Filipino Farm Leaders Training Program in Japan (YFFLTPJ) 2027.

Are you a young, passionate Filipino farmer ready to level up your skills and gain international experience?

The DA โ€“ Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON is now accepting applications for the Young Filipino Farm Leaders Training Program in Japan (YFFLTPJ) 2027!

Check out the basic qualifications and documentary requirements below.

Download the application forms through this link: https://ati2.da.gov.ph/ati-4a/content/YFFLTPJ2027

For inquiries, contact us at (046) 419-0210 or reach out to your Municipal or Provincial 4-H Coordinators.

Deadline for submission of forms: August 31, 2026

Donโ€™t miss this opportunity to grow, learn, and represent the Philippines in Japan!

24/06/2026
17/06/2026

๐Ÿ“ฃ MAPAGPALANG ARAW PO SA LAHAT!

Ang Tanggapan ng Pambayang Pansakahan ng Mabitac, Laguna ay patuloy na mamamahagi ng LIBRENG dekalidad na binhi (RC 216) mula sa programang RCEF.

๐Ÿ“Œ Dahil sa limitadong supply na dumating, FIRST COME, FIRST SERVE po ang ating gagawin. Ito ay bukas para sa lahat ng Barangay na magsisimula na ng pagtatanim.

๐Ÿ“… Simula ngayon, June 17, 2026 (Myerkules)
Alas 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon maaari na pong kunin ang inyong binhi sa Tanggapan ng Pambayang Pansakahan.

๐Ÿ“ฆ Available na binhi:

RC 216
RC 160

๐Ÿ“Œ Sinisiguro po na ang lahat ay mabibigyan.

Maraming salamat po at mabungang pagtatanim sa lahat! ๐ŸŒพ๐Ÿ’š


Address

Along Manila East Road, Brgy. Nanguma
Mabitac
4020

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agriculture Office - LGU Mabitac, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Agriculture Office - LGU Mabitac, Laguna:

Shortcuts

Share