06/09/2026
PASASALAMAT SA MATAGUMPAY NA DISTRICT MEET 2026
Matagumpay pong naisagawa ang Rosario East Sub- Office District Meet noong Setyembre 3โ4, 2026, na ginanap sa ating paaralan para sa mga paligsahan sa Jumping Events, Chess, Badminton, at Basketball.
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Rosario East Sub-Office sa tiwalang ipinagkaloob sa ating paaralan upang maging venue ng District Meet 2026. Isang malaking karangalan po para sa aming paaralan na mapagkatiwalaan at maging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating PTA Officers at BOD Officers sa kanilang oras, lakas, at pagtutulungan sa paghahanda at pagsasaayos ng mga playing venues at iba pang kinakailangang pasilidad para sa paligsahan.
Maraming salamat din po sa Sangguniang Barangay ng Macalamcam A, sa pangunguna ni Kap. Edwin H. Sarmiento, lalo na sa pagpapagamit ng Basketball Court bilang venue ng Basketball event. Maraming salamat din po sa ating mga Barangay Tanod, BNS, at BHW sa kanilang suporta at pagtulong sa kaayusan at kaligtasan ng mga kalahok.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga g**o, sa pangunguna ni Mam Marivic D. De Castro, gayundin sa ating mga coaches, sa kanilang dedikasyon, paggabay, at suporta sa ating mga mag-aaral.
Sa ating pong mga magulang, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at paghikayat sa ating mga anak. โค๏ธ
๐
MGA NAGKAMIT NG KARANGALAN
๐ฅ Andrei D. Pepillo โ 2nd Place, High Jump
๐ฅ Mathew Alcaide โ 3rd Place, High Jump
๐ฅ Shienna Mharyss D. Porillo โ 3rd Place, Badminton
Congratulations, Andrei, Mathew, at Shienna! Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay at dedikasyon!
PARTICIPANTS
Running
โข John Marco Papio
โข Mikaela Camille A. Egar
Taos-pusong pasasalamat sa 2 batang ito na kumatawan sa ating paaralan bilang ating muse at es**rt. Tunay na ipinagmamalaki namin ang inyong pakikiisa at dedikasyon.
Badminton โ Boys
โข Mark Nathan Jr. Cauzon
โข Calex Mikhael Rosales
โข Ezequiel Gabriel Javines
Badminton โ Girls
โข Dhenize G. Fabella
โข Tyra Margarethe V. Umali
Bagama't hindi man nakamit ang inaasam na medalya, kayo ay mga panalo pa rin sa tapang, pagsisikap, disiplina, at karanasang inyong natamo. Ang inyong paglahok at pagbibigay ng buong makakaya ay karapat-dapat na ipagmalaki.
Mabuhay ang ating mga atleta, coaches, g**o, magulang, PTA, BOD, at lahat ng stakeholders na naging bahagi ng matagumpay na District Meet 2026!