29/11/2025
Matagumpay na naisagawa ng Macalamcam Elementary School ang pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month Celebration na may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata Ipaglaban.” Sa iba’t ibang aktibidad na isinagawa, higit na naipakita ang kahalagahan ng pangangalaga sa karapatan ng bawat bata at ang pagtutulungan ng pamayanan upang wakasan ang anumang uri ng pang-aabuso.
📖 Orientasyon batay sa tema
Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang orientasyon na nakabatay sa tema “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata Ipaglaban.” Dito ipinaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pangangalaga laban sa anumang uri ng pang-aabuso, lalo na sa online platforms, upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at karapatan.
🙋♂️ Recitation ng Panatang Makabata
Kasunod ng orientasyon ay ang sabayang pagbigkas ng Panatang Makabata. Sa aktibidad na ito, pinagtibay ng mga mag-aaral ang kanilang pangako na maging mabuting mamamayan at ipaglaban ang karapatan ng bawat bata.
💙 BlueKadaBiyernes
Isang makabuluhang programa ang isinagawa sa ilalim ng BlueKadaBiyernes. Layunin nitong ipakita ang pagkakaisa ng mga mag-aaral at g**o, at bigyang-diin ang kahalagahan ng ligtas na kapaligiran para sa kabataan.
🎨 Classroom-Based Drawing/Poster Making Contest
Nagpakitang-gilas naman ang mga mag-aaral sa kanilang malikhaing talento sa pamamagitan ng Drawing at Poster Making Contest. Sa kanilang mga obra, naipahayag nila ang kahalagahan ng kaligtasan at karapatan ng bata, na siyang sentro ng tema ng pagdiriwang.
👔 Parada ng mga Pangarap (Career Attire)
Pinakamasaya at makulay na bahagi ng selebrasyon ang Parada ng mga Pangarap. Suot ng mga bata ang kanilang career attire bilang simbolo ng kanilang mga pangarap at karapatang magtagumpay sa hinaharap.
🙏 Pasasalamat
Lubos ang pasasalamat ng Macalamcam Elementary School sa pamumuno ni Gng. Estelita P. Oliveros, punong-g**o ng paaralan, sa kanyang walang sawang suporta. Gayundin, taos-pusong pasasalamat kay Hon. Elpidia D. Mina, Committee on Education Chairman, na nagbigay ng inspiradong mensahe, at kay Gng. Angelita Montealto, isa sa mga PTA officers, na nagbahagi ng makabuluhang pahayag para sa lahat ng dumalo. Maraming salamat din po sa suporta na ipinakita ng mga magulang,