LGU Macalelon

Call Directions

LGU Macalelon π™π™π™žπ™¨ π™žπ™¨ π™©π™π™š π™Šπ™›π™›π™žπ™˜π™žπ™–π™‘ π™π™–π™˜π™šπ™—π™€π™€π™  π™‹π™–π™œπ™š 𝙀𝙛 π™©π™π™š π™‡π™€π™˜π™–π™‘ π™‚π™€π™«π™šπ™§π™£π™’π™šπ™£π™© π™π™£π™žπ™© 𝙀𝙛 π™ˆπ™–π™˜π™–π™‘π™šπ™‘π™€π™£, π™Œπ™ͺπ™šπ™―π™€π™£. PUBLIC INFORMATION OFFICER:
[email protected]

25/09/2026

PabatidπŸ‘‡

Pansamantalang ipinagpapaliban ng tanggapan ng Komisyon ng Halalan, Macalelon ang lahat ng nakatakdang gawain na may kinalaman sa November 2, 2026 BSKE. Maraming salamat po!

25/09/2026

π‘π„ππ”ππ‹πˆπ‚ 𝐀𝐂𝐓 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ‘πŸπŸ”, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

An Act Fixing the Term of Office of Barangay Officials and Members of the Sangguniang Kabataan to Five (5) Years, Amending Republic Act No. 12232 or β€œAn Act Setting the Term of Office of Barangay Officials and Members of the Sangguniang Kabataan, and for Other Purposes"

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/JYK7tY

Nagkaroon ng 3rd Quarter of 2026 Joint Meeting sa pagitan ng MPOC-MADAC-MDRRMC Members kahapon, September 24, 2026 sa AB...
25/09/2026

Nagkaroon ng 3rd Quarter of 2026 Joint Meeting sa pagitan ng MPOC-MADAC-MDRRMC Members kahapon, September 24, 2026 sa ABC Hall, Municipal Building. Pinangunahan ni Municipal Councilor Hon. Ksy Avila – Formaran bilang naatasan na Presiding Officer, katuwang ang tanggapan ng Office of the Municipal Local Government Officer, MLGOO Jose Maria Nino Revadavia. Dinaluhan din ng ating Punong Bayan, Hon. Artemio A. Mamburao ang nasabing pagpupulong kasama ang bawat kawani, Department heads at mga representatives kasama din natin ang mga National Agencies katulad ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.

Dumaloy ang pagpupulong sa mga sumusunod na agenda; 1. Pagbabasa ng nakaraang Minutes at Approvals 2. Accomplishment Report for 2nd Quarter 2026 of Stakeholders 3. Accomplishment of Anti-Drugs Campaign ng PNP at iba pang mga usapin. Naging matiwasay ang naging meeting dahilan lamang na nagkaroon ng maayos na report ang mga stakeholders.

Patuloy naman ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Macalelon sa pangunguna ng ating Punong Bayan. Hon. Artemio A. Mamburao sa mga ganitong Gawain, upang sa ganoon ay patuloy at patuloy na mapapanatili ang serbisyo ng bawat isa lalo na sa usaping kaligtasan ng bawat mamayan.

Nagkaroon ng Courtesy Call ang Macalelon Pickleball Club (MPC) sa pangunguna ng Presidente ng Club, Mr. Wilson Petalcori...
25/09/2026

Nagkaroon ng Courtesy Call ang Macalelon Pickleball Club (MPC) sa pangunguna ng Presidente ng Club, Mr. Wilson Petalcorin sa ating Punong Bayan, Hon. Artemio A. Mamburao. Kaugnay ito ng darating na Quezon Pickleball Tournament sa kapitolyo na gaganapin bukas, September 26, 2026.

Ang ilan sa miyembro nito ang magrerepresenta hindi lang ng ating bayan pati na rin ang buong Ikatlong Distrito (Bondoc Peninsula) ito ang mga sumusunod;

50+ Male Category: Perry Bague and Jun Baltazar
35-49 Male Category: Wilson Petalcorin and Gerard Tan
35-49 Female Category: Jaja Marasigan and Janna Enriquez

Pagbati at Good Luck, Macalelon Pickleball Club!

Dinaluhan ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Macalelon ang Imbistasyon ng KALAHI – CIDSS Para sa kanilang Final Inspecti...
24/09/2026

Dinaluhan ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Macalelon ang Imbistasyon ng KALAHI – CIDSS Para sa kanilang Final Inspection ng Kalahi Sub Project sa Brgy. Mambog Macalelon, Quezon ito ang Construction of Community Health Center, kasama ang Local Project Monitoring Committee, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng Pangalawang Punong Bayan. Hon. Danilo P. Ilao at Bureau of Fire Protection. Umikot ang naging pagpupulong sa pagtalakay ng iba’t-ibang aspeto mapa pisikal na kalagayan at pangangalagang pinansyal. Itinakda namang ituturn-over na ng KALAHI ang nasabing proyekto sa Brgy. Mambog sa darating na ika – 8 ng Oktubre taong 2026 upang sa ganoon ay magamit at mautilize na ng Brgy. Ang pagawain.

Ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Artemio A. Mamburao ay lubos ang suporta sa mga ganitong aktibidad upang sa ganoon ay lubos na mabantayan at masuri ang bawat proyekto upang sa ganoon ay lubos na mapakinabangan ng mamayan ng ating bayan ng Macalelon.

Ayon sa Proclamation No. 60 (s. 1992), ang huling linggo ng Setyembre kada taon ay idineklara bilang β€œFamily Week.” Idin...
24/09/2026

Ayon sa Proclamation No. 60 (s. 1992), ang huling linggo ng Setyembre kada taon ay idineklara bilang β€œFamily Week.” Idineklara rin sa ilalim ng Proclamation No. 326 (s. 2012) ang ika-apat na Lunes ng buwan ng Setyembre bilang β€œπŠπšπ’π§πšπ§π  𝐏𝐚𝐦𝐒π₯𝐲𝐚 𝐌𝐚𝐑𝐚π₯𝐚𝐠𝐚 πƒπšπ².”

Bilang pakikiisa sa paggunita nito, ang pasok sa Setyembre 28, 2026 (Lunes) ay suspendido simula ika-1:00 ng hapon sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Macalelon, sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Hon. Artemio A. Mamburao, ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang na ito upang mas lalong mapatibay at mapalalim ang pagsasamahan ng bawat pamilya sa kani-kanilang tahanan.

Nananatili namang bukas at tuloy ang operasyon ng mga pangunahing departamento at yunit na nagbibigay ng basic at health services, preparedness/response sa disasters at calamities, pati na rin ang iba pang mahahalagang serbisyo.

Isang maligayang ika-34 na National Family Week sa ating lahat!

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ 𝐈 πŸπŸπŸ”π“π‡ π‚πˆπ•πˆπ‹ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜!Matagumpay na naidaos ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Macalelon...
22/09/2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ 𝐈 πŸπŸπŸ”π“π‡ π‚πˆπ•πˆπ‹ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜!

Matagumpay na naidaos ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Macalelon sa Pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Artemio A. Mamburao ang ARAW NG PASASALAMAT bilang kabahagi padin ng pagdiriwang ng ika – 126th Civil Service Anniversary. Pinangunahan ng tanggapan ng Human Resource Officer, Ms. Myla Akiko Gimenez ang nasabing programa, napakaloob dito ang pagbibigay ng pagkilala at apreseyasyon sa mga naging katuwang na Opisina para sa mas Maganda at mabilis na pagpapagana ng isang programa. Kasabay din ang paggagawad ng mga natamong karangalan ng bawat laro at maging ang kalidad ng Serbisyo ng mga natatanging Empleyado na binigyan ng pagkilala ng araw ding iyon.

Patuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga ganitong pagdiriwang para sa ating mga empleyado ng upang sa ganoon ay lubos at agresibo ang serbisyo ng bawat isa para sa ating mamayan ng bayan ng Macalelon.

PabatidπŸ‘‡ Para sa lahat ng mga kakandidato sa darating na November 2, 2026 BSKE, kayo po ay inaanyayahang dumalo sa isasa...
22/09/2026

PabatidπŸ‘‡
Para sa lahat ng mga kakandidato sa darating na November 2, 2026 BSKE, kayo po ay inaanyayahang dumalo sa isasagawang orientation sa September 26, 2026
9:00am @ Macalelon Covered Court.

PabatidπŸ‘‡

Para sa lahat ng mga kakandidato sa darating na November 2, 2026 BSKE, kayo po ay inaanyayahang dumalo sa isasagawang orientation sa September 26, 2026
9:00am @ Macalelon Covered Court.


Magandang Hapon po sa ating lahat, pinapaalam po ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Macalelon sa pangunguna ng Municipal...
21/09/2026

Magandang Hapon po sa ating lahat, pinapaalam po ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Macalelon sa pangunguna ng Municipal Health Office ay magkakaroon ng malawakang Free Chest X-Ray upang sa ganoon ay malaman at mapigilan ang pagkalat ng Tuberculosis (TB) dito sa ating bayan. Ito ang mga sumusunod na date at lugar;

September 22 - Brgy. San Nicolas
September 23 - Tubigan Ilaya Elementary School
September 24 - Brgy. Pag-asa

Address

Macalelon
4309

Telephone

+639394843001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU Macalelon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share