02/07/2026
📢 PAALALA SA LAHAT NG MGA MAY-ARI NG LUPA AT REAL PROPERTY SA MACALELON, QUEZON.
🏛️ TAX AMNESTY SA ILALIM NG REPUBLIC ACT NO. 12001 (RPVARA).
Huwag palampasin ang pagkakataong mabawasan ang inyong obligasyon sa buwis!
✅ Hanggang HULYO 5, 2026 lamang ang bisa ng Tax Amnesty.
Ano ang sakop ng Tax Amnesty? ✔️ 100% WAIVED ang penalties, surcharges, at interest ng mga hindi nabayarang:
Real Property Tax (RPT)
Special Education Fund (SEF)
Idle Land Tax
Iba pang special levies
📌 Sakop nito ang mga pagkakautang na naipon bago ang Hulyo 5, 2024.
💰 Ang babayaran na lamang ay ang pangunahing (basic) buwis, na maaaring bayaran nang isang beses o sa installment sa loob ng amnesty period.
Sino ang maaaring makinabang? 🏠 Residential 🏢 Commercial 🏭 Industrial 🌾 Agricultural properties na may hindi nabayarang Real Property Tax.
Hindi kabilang sa Tax Amnesty ang:
❌ Mga property na naibenta na sa public auction. ❌ Mga property na may compromise agreement. ❌ Mga property na may nakabinbing kaso sa hukuman kaugnay ng delinquent Real Property Tax.
📍 Magtungo sa Office of the Municipal Treasurer, Macalelon, Quezon sa regular na oras ng opisina (Lunes hanggang Biyernes) upang malaman ang inyong outstanding balance at ma-avail ang Tax Amnesty.
⏳ Huwag nang maghintay sa huling araw! Samantalahin ang pagkakataong mabayaran ang inyong obligasyon sa mas mababang halaga at maging updated sa inyong Real Property Tax.