Janessa Maligaya de Ramayo

Janessa Maligaya de Ramayo Ako po si Janessa Maligaya de Ramayo, isang MAGALLEÑA. Serbisyong may puso. We SHINE, 𝗠𝗮𝗴𝗮𝗹𝗹𝗮𝗻𝗲𝘀! ✨
(1)

🏆 MALUGOD NA PAGBATI, BARANGAY SAN AGUSTIN!Taos-puso po ang aking pagbati sa Lupong Tagapamayapa ng Barangay San Agustin...
04/09/2026

🏆 MALUGOD NA PAGBATI, BARANGAY SAN AGUSTIN!

Taos-puso po ang aking pagbati sa Lupong Tagapamayapa ng Barangay San Agustin, Magallanes, Cavite, sa pangunguna ni Punong Barangay Melissa Bello, sa pagkakamit ng 1st Place Regional Winner sa LTIA – 3rd Class Municipalities Category sa 2026 JUAN Awards ng DILG CALABARZON!

Ang inyong pagkilala ay patunay ng mahusay, maayos, at makabuluhang paglilingkod para sa kapayapaan at pagkakaisa ng ating komunidad.

Congratulations po, Barangay San Agustin! Ipinagmamalaki at ikinararangal po namin kayo. ❤️💙

Patuloy nating itaguyod ang isang mapayapa, nagkakaisa, at maunlad na Magallanes!

03/09/2026

As of 0658H September 4, 2026 Friday, reported by LDRRMO and PNP Magallanes MPS

Passable na po ang Sumandal road sa papasok at palabas na mga motorista ng Bayan ng Magallanes.

Mag-iingat po tayong lahat.

Maraming Salamat po.

Video Credits from PNP Magallanes MPS

Good Morning po. 🤍🤍🤍WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS SA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG ESKWELAHAN SA BAYAN NG MAGALLANES CAVITE.A...
03/09/2026

Good Morning po. 🤍🤍🤍

WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS SA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG ESKWELAHAN SA BAYAN NG MAGALLANES CAVITE.

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4

Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Ilocos Norte
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Tarlac
📍 Pampanga
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Batangas
📍 Occidental Mindoro

The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia.

Localized cancellation or suspension of classes in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives.

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4

Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Ilocos Norte
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Tarlac
📍 Pampanga
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Batangas
📍 Occidental Mindoro

The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia.

Localized cancellation or suspension of classes in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives.

‼️PABATIDAS OF 0315H SEPTEMBER 4, FRIDAY, reported by PNP Magallanes MPSNOT PASSABLE ANG SUMANDAL AREA, MAY NABALAHAW PO...
03/09/2026

‼️PABATID

AS OF 0315H SEPTEMBER 4, FRIDAY, reported by PNP Magallanes MPS

NOT PASSABLE ANG SUMANDAL AREA, MAY NABALAHAW PONG 10-WHEELER TRUCK SA MAY ONGOING CONSTRUCTION NG KALSADA SA NATURANG LUGAR.

KASALUKUYAN PO NATING INAAKSYUNAN NG LGU INCIDENT MANAGEMENT TEAM NA MAIALIS ANG NAKAHAMBALANG NA TRUCK.

MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT.

Isang taos-pusong pagbati sa ating kapwa Magalleño, PSMS ARMANDO A. AYSON JR.! 👏🇵🇭Lubos po nating ipinagmamalaki ang iny...
03/09/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating kapwa Magalleño, PSMS ARMANDO A. AYSON JR.! 👏🇵🇭

Lubos po nating ipinagmamalaki ang inyong kahanga-hangang tagumpay bilang TOP 1 sa PSSLC CL 2026-02 “MASIGASIG”, na may napakagandang average na 95.83%! 🎖️🏆

Ang inyong dedikasyon, disiplina, at pagsusumikap ay tunay na inspirasyon sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kabataang nangangarap na makamit ang kanilang mga mithiin.

Congratulations, PSMS Ayson! Ipinagmamalaki ka namin, Magalleño! ❤️

🌱 TUPAD Orientation: Vegetable Farming | September 1, 2026Hindi lamang trabaho ang nais nating maibigay sa ating mga kab...
03/09/2026

🌱 TUPAD Orientation: Vegetable Farming | September 1, 2026

Hindi lamang trabaho ang nais nating maibigay sa ating mga kababayan—hangad din nating mabigyan sila ng kaalaman at pagkakataong makapagsimula ng sariling kabuhayan.

Sa pamamagitan ng TUPAD Vegetable Farming Program, nabibigyan ang ating mga benepisyaryo ng pansamantalang pagkakakitaan habang natututo ng praktikal na kaalaman sa pagtatanim ng gulay—isang kasanayang maaari nilang ipagpatuloy at gawing dagdag-kabuhayan para sa kanilang pamilya. 🥬🌶️🍆

Ang bawat binhing ating itinatanim ngayon ay maaaring maging simula ng mas matatag na kinabukasan. 🌾✨

Mabuhay ang ating mga Magalleñong Farmers at Cooperatives! 🫡💚

Taos-puso ang ating pasasalamat sa DOLE-Cavite Provincial Office, kay PD Marivic Martinez, at sa lahat ng patuloy na nakikiisa at nagbibigay ng suporta sa mga programang tunay na para sa ating mga kababayan.

Salamat din po sa ating PESO, kay Ms. Alexis Joyce Atienza, at sa buong team sa kanilang sipag, serbisyo, at pakikiisa upang maisakatuparan ang programang ito.

Trabaho ngayon, kabuhayan para sa kinabukasan. Para sa bawat Magalleño.

🌾 September 2, 2026 | Rice Distribution – Day 1Isang makabuluhang araw para sa ating mga kababayang Senior Citizens, Per...
02/09/2026

🌾 September 2, 2026 | Rice Distribution – Day 1

Isang makabuluhang araw para sa ating mga kababayang Senior Citizens, Persons with Disabilities (PWDs), at Solo Parents! 🤍

Ngayong September 2, Wednesday, isinagawa ang unang araw ng pamamahagi ng rice assistance sa iba’t ibang bahagi ng ating bayan:

• Cabulusan
• Ramirez
• San Agustin
• Urdaneta
• Bendita 1
• Bendita 2

Ang rice assistance na ito ay mula sa National Government, sa tulong at pakikipagtulungan ng LGU Magallanes, para maipaabot ang suporta sa ating mga kababayan.

Mayroon pa pong susunod na pamimigay bukas at sa sabado, para sa iba pong mga barangay.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Patuloy po nating sisikaping mailapit ang tulong sa bawat Magalleño. Mula po sa ating LGU Employees, MSWDO, mga volunteers, mga kapitan at kawani ng Barangay.

Para sa ating mga Senior, PWD at Solo Parents—para sa inyo ang serbisyong tunay na may malasakit. ❤️💙

Pagbati po, BM Jas! 🇵🇭✨Binabati po natin si BM Jasmin Maligaya-Bautista sa kanyang pakikilahok sa Executive Education Pr...
02/09/2026

Pagbati po, BM Jas! 🇵🇭✨

Binabati po natin si BM Jasmin Maligaya-Bautista sa kanyang pakikilahok sa Executive Education Program for Young Legislators, isang mahalagang programa na isinagawa sa partnership ng National Movement of Young Legislators (NMYL) at ng Lee Kuan Yew School of Public Policy (LKYSPP) ng National University of Singapore.

Isang karangalan at inspirasyon ang inyong patuloy na pagkatuto at paglilingkod para sa ating mga kababayan. Congratulations, BM Jas! ❤️💙

Munting tulong, malaking ginhawa para sa ating mga Magalleño! ❤️💙Kasama po ang ating Vice Mayor Aina Mari Sisante Maliga...
01/09/2026

Munting tulong, malaking ginhawa para sa ating mga Magalleño! ❤️💙

Kasama po ang ating Vice Mayor Aina Mari Sisante Maligalig at mga SB Members, naghatid po tayo ng mga wheelchair para sa ilan nating mga kababayan na nangangailangan nito.

Hindi man po natin kayang mabigyan ang lahat sa ngayon, patuloy po tayong magsisikap upang sa tamang panahon ay mas marami pa nating mga kababayan ang matulungan at mabigyan ng kinakailangang suporta.

Ang bawat munting tulong ay may malaking halaga, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan. 🤍

Maraming salamat din po kay BM Jasmin Maligaya-Bautista sa inyong malasakit at tulong para sa ating mga Magalleño.

Patuloy po tayong magtutulungan para sa isang mas maalaga, mas makatao at mas maunlad na Magallanes!

Address

Magallanes

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Janessa Maligaya de Ramayo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share