29/06/2026
π’ BARANGAY STA. LUCIA | ANTI-CRIMINALITY AND ANTI-DRUG ABUSE ADVOCACY CAMPAIGN
Noong Hunyo 25, 2026, matagumpay na isinagawa ng Barangay Government of Sta. Lucia, Magarao ang Anti-Criminality and Anti-Drug Abuse Advocacy Campaign sa Barangay Hall ng Sta. Lucia, na dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), Barangay Peace and Order Committee (BPOC), Barangay Council for the Protection of Children (BCPC), at Lupon Tagapamayapa.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026, isinagawa ang Anti-Drug Abuse Advocacy Campaign na naglalayong palakasin ang kamalayan ng komunidad laban sa ilegal na droga at kriminalidad. Nagkaroon din ng Signing of the Pledge of Commitment ng mga miyembro ng BADAC bilang pagpapakita ng kanilang matibay na suporta at paninindigan sa pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na barangay.
Tinalakay rin sa programa ang mahahalagang usapin hinggil sa Peace and Order Situation, Violence Against Women and Children (VAWC), Children at Risk (CAR), Children in Conflict with the Law (CICL), at ang Anti-Bastos Law. Kasunod nito ay ang Reorientation on the Procedures of Amicable Settlement of Disputes para sa mga miyembro ng Lupon Tagapamayapa.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga resource speakers:
LGOO VI Maria Teresa D. Olos
ACOP PCPT Mark N SpaΓ±a
PMSg Leah T Carascal
PMSg Salve A Sanico
PSSg Diana R Aguirre
Maraming salamat din sa lahat ng mga kalahok at sa patuloy na pakikiisa sa mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating barangay.
Sa pangunguna ni Hon. Elmer F. Rivera, Punong Barangay, patuloy nating pagtitibayin ang pagkakaisa ng komunidad tungo sa isang mas ligtas, mapayapa, at drug-free na Barangay Sta. Lucia.