OMSWD Magdalena

Directions

OMSWD Magdalena Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from OMSWD Magdalena, Public & Government Service, Magdalena.

2026 ECCD FAMILY DAY CUM PHYSICAL WELLNESS & SPORTFEST ACTIVITY 💙💛September 30, 2026Municipal Covered Court “Masayang Ba...
30/09/2026

2026 ECCD FAMILY DAY CUM PHYSICAL WELLNESS & SPORTFEST ACTIVITY 💙💛

September 30, 2026
Municipal Covered Court

“Masayang Bata, Malusog na Bata, Masayang Pamilya!” 👨‍👩‍👧‍👦✨

Isang makabuluhan at masayang araw ang naging pagdiriwang ng 2026 ECCD Family Day cm Physical Wellness and Sportfest Activity na ginanap ngayong Setyembre 30, 2026 sa Municipal Covered Court, Magdalena, Laguna.

Pinangunahan ng Municipality of Magdalena – Local Council for the Protection of Children (LCPC) ang aktibidad na naglalayong palakasin ang physical wellness, aktibong pamumuhay, pakikipagkaibigan at higit sa lahat, ang samahan ng pamilya.

Tampok sa programa ang Zumbalilit/Physical Wellness Activity, TikTok Dance Performance, at iba’t ibang Parlor Games na nilahukan ng ating mga ECCD Learners, kanilang mga pamilya at Child Development Workers.

💙 Sa bawat sayaw, laro, tawanan at palakpakan, mas naging makulay ang araw para sa ating mga batang Magdalenaño.

Maraming salamat sa ating mga ECCD Learners, parents, Child Development Workers, mga opisyal ng LGU, LCPC members, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na aktibidad.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad kung saan ang bawat bata ay malusog, masaya, ligtas, minamahal at nabibigyan ng pagkakataong umunlad. 🌟

Mabuhay ang mga batang Magdalenaño! 💙
Mabuhay ang ECCD Family! 👨‍👩‍👧‍👦
WE ARE ONE ECCD FAMILY! 🎉







📢 DSWD UPLIFT ASSISTANCE UPDATE FOR GROUPS 2 & 3 BENEFICIARIESGROUP 2: MANUAL pa rin na isasagawa ang payout ng DSWD UPL...
14/09/2026

📢 DSWD UPLIFT ASSISTANCE UPDATE FOR GROUPS 2 & 3 BENEFICIARIES
GROUP 2: MANUAL pa rin na isasagawa ang payout ng DSWD UPLIFT Assistance mula September 14 hanggang October 16 para sa mga Group 2 household-beneficiaries nationwide.
Ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga benepisyaryo na magkaroon ng National ID at makapag-enroll ng kanilang bank o e-wallet accounts para sa mas mabilis na pagtanggap ng susunod na tulong-pinansyal.

CONGRATULATIONS, LGU MAGDALENA! 🎉HIGHLY-FUNCTIONAL RATING 2026 LCAT-VAWC ASSESSMENT
18/08/2026

CONGRATULATIONS, LGU MAGDALENA! 🎉

HIGHLY-FUNCTIONAL RATING
2026 LCAT-VAWC ASSESSMENT


DSWD SLP Financial Education Training para sa mga SLPAsIsinagawa noong Hulyo 16, 2026 sa Municipal Covered Court ang Fin...
10/08/2026

DSWD SLP Financial Education Training para sa mga SLPAs

Isinagawa noong Hulyo 16, 2026 sa Municipal Covered Court ang Financial Education Training ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Sustainable Livelihood Program (SLP) para sa 12 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) na nakatanggap ng Seed Capital Fund.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo sa wastong pamamahala ng puhunan, pagba-budget, pag-iimpok, pagtatala ng kita at gastusin, at responsableng paggamit ng kanilang kapital upang mas mapalago at mapanatili ang kanilang kabuhayan.

Ang Seed Capital ay hindi lamang puhunan—ito ay simula ng panibagong oportunidad tungo sa mas matatag na kabuhayan at mas magandang kinabukasan.

Patuloy ang pagtutulungan ng DSWD at LGU Magdalena sa pagbibigay ng kaalaman, suporta, at oportunidad upang maging mas produktibo at self-reliant ang ating mga benepisyaryo.

“Mula sa puhunan, tungo sa kaalaman; mula sa kaalaman, tungo sa matatag na kabuhayan.”











40 KILOS NA BIGAS PARA SA ATING MGA SOLO PARENTS! Isinagawa noong Hulyo 15, 2026 sa Municipal Covered Court ang Rice Dis...
10/08/2026

40 KILOS NA BIGAS PARA SA ATING MGA SOLO PARENTS!

Isinagawa noong Hulyo 15, 2026 sa Municipal Covered Court ang Rice Distribution Project ng Provincial Government of Laguna para sa 125 Solo Parents mula sa Bayan ng Magdalena.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 40 kilos ng bigas bilang karagdagang tulong at suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at sa kanilang mga pamilya.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na malasakit ng Provincial Government of Laguna sa ating mga Solo Parents—mga magulang na buong tapang at sipag na ginagampanan ang responsibilidad ng pagpapalaki at pagtataguyod sa kanilang mga anak. ❤️

Taos-pusong pasasalamat sa Provincial Government of Laguna sa patuloy na paghahatid ng mga programang tunay na nakatutulong sa ating mga kababayan.

Patuloy nating isulong ang malasakit, serbisyo, at pagkalinga para sa bawat pamilyang Lagunaense! 🤝










CAPACITY BUILDING ON THE UPDATING AND ENHANCEMENT OF CLJIP & CBJIP 2027–2029 Matagumpay na isinagawa noong Hulyo 8–9, 20...
10/08/2026

CAPACITY BUILDING ON THE UPDATING AND ENHANCEMENT OF CLJIP & CBJIP 2027–2029

Matagumpay na isinagawa noong Hulyo 8–9, 2026 ang Capacity Building on the Updating and Enhancement of Local and Barangay Juvenile Intervention Programs (CLJIP & CBJIP) 2027–2029 na ginanap sa Amazing View Mountain Resort, Mabitac, Laguna.

Dumalo at aktibong nakibahagi sa nasabing capacity building ang mga Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) Members, gayundin ang 24 Barangay Councils for the Protection of Children (BCPC) Members at Barangay Secretaries.

Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalakas ang kaalaman, kakayahan, at koordinasyon ng bawat kinauukulang tanggapan at barangay sa pagbuo, pag-update, at pagpapahusay ng Local at Barangay Juvenile Intervention Programs para sa taong 2027–2029.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at pagtutulungan, patuloy nating isinusulong ang mga programang nakatuon sa proteksyon, rehabilitasyon, reintegrasyon, at kapakanan ng mga batang nangangailangan ng gabay at suporta, partikular na ang mga batang nasa conflict with the law.

🤝 Sama-sama para sa isang Child-Friendly Community!

👧🧒 “Sa bawat bata, may pag-asa. Sa bawat programa, may pagkakataong maituwid ang landas at mabigyan sila ng mas magandang kinabukasan.”












Buong pusong nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Magdalena, sa pamamagitan ng Office of the Municipal Social Welfare an...
18/07/2026

Buong pusong nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Magdalena, sa pamamagitan ng Office of the Municipal Social Welfare and Development (OMSWD) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO), sa pagdiriwang ng Ika-48 National Disability Rights Week.

Ang pagdiriwang na ito ay paalala sa ating lahat na ang bawat taong may kapansanan ay may pantay na karapatan, dignidad, at pagkakataong makilahok sa pag-unlad ng ating lipunan. Bilang isang komunidad, tungkulin nating isulong ang isang inklusibo, ligtas, at makatarungang kapaligiran kung saan ang bawat isa ay may pagkakataong maipamalas ang kanilang kakayahan at potensyal.

Patuloy nating itaguyod ang paggalang, pagtanggap, at pagbibigay ng pantay na oportunidad sa ating mga kababayang may kapansanan. Sama-sama nating buwagin ang mga hadlang sa diskriminasyon at palakasin ang kanilang boses tungo sa isang lipunang tunay na walang naiiwan.

Sa ating pagkakaisa, nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng malasakit, pagkakapantay-pantay, at inklusibong pag-unlad para sa lahat.

Maligayang Ika-48 National Disability Rights Week!

“Karapatan ng Taong May Kapansanan, Ipaglaban at Igalang; Inklusibong Lipunan, Sama-samang Isulong.”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Child Development Workers’ Week, nagsagawa ang mga Child Development Workers (CDWs)...
13/07/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Child Development Workers’ Week, nagsagawa ang mga Child Development Workers (CDWs) at OMSWD Staff ng Bayan ng Magdalena ng isang Gift-Giving Activity para sa mga bata ng Still Waters Kids Home, Inc. sa Majayjay, Laguna noong ika-3 ng Hulyo 2026.

Sa pamamagitan ng munting handog at taos-pusong pakikisalamuha, naiparamdam sa mga bata ang pagmamahal, pag-aaruga, at pag-asang hatid ng isang komunidad na nagmamalasakit. Ang mga simpleng ngiti at masasayang sandali ay nagsilbing paalala na ang tunay na diwa ng paglilingkod ay ang pagbabahagi ng oras, pagmamahal, at malasakit sa kapwa.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Child Development Workers at OMSWD Staff na naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Nawa’y patuloy nating isulong ang kapakanan at karapatan ng bawat bata at maging inspirasyon sa iba na magbahagi ng kabutihan.

Ang bawat munting regalo ay may dalang malaking pag-asa at pagmamahal. ❤️











Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tig-10 kilo ng bigas sa 2,083 benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ng Bayan...
12/07/2026

Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tig-10 kilo ng bigas sa 2,083 benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ng Bayan ng Magdalena, Laguna sa ilalim ng Rice Distribution Project na pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU).

Isinagawa ang distribusyon noong ika-26 at 27 ng Hunyo 2026 sa Municipal Covered Court at Municipal Evacuation Center, na naging daan upang maihatid ang agarang tulong sa mga mamamayang higit na nangangailangan.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng inisyatibo ng Punong Bayan, Kgg. Dario A. Lapada, Jr., katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ng Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Ron Vincent Zaguirre, bilang patunay ng kanilang patuloy na malasakit at dedikasyon sa kapakanan ng bawat pamilyang Magdalenyo.

Maraming salamat sa lahat ng mga kawani, volunteers, at katuwang na naging bahagi ng matagumpay na implementasyon ng programang ito. Patuloy nating isulong ang serbisyong tapat, maagap, at may tunay na malasakit para sa bawat mamamayan.










Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Educational Assistance para sa 102 mag-aaral ng College at Senior High School ...
12/07/2026

Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Educational Assistance para sa 102 mag-aaral ng College at Senior High School Learners noong ika-25 ng Hunyo 2026 sa Municipal Covered Court ng Magdalena, Laguna.

Layunin ng programang ito na makatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral at mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon upang makamit ang kanilang mga pangarap. Ang edukasyon ay isang mahalagang puhunan tungo sa mas magandang kinabukasan ng bawat kabataang Magdalenyo.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating mga kabataan na magsikap, magtiyaga, at patuloy na mangarap.

Ang bawat tulong sa edukasyon ay hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.









Address

Magdalena
4007

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OMSWD Magdalena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share