06/01/2024
MAHALAGANG ANUNISYO!
Sa ikalawang pagkakataon ay magkakaroon po muli ng KASALANG BAYAN ang Lokal na Pamahalaan ng Magdalena handog ni Mayor Pedro Peter Bucal sa pangunguna ng Tanggapan ng Municipal Civil Registry sa katauhan ni G. Kim Licong, OIC-MCR, katuwang si Gng. Hegina S. Dela Cruz, Municipal Gender & Development Focal Person para sa FIRST 25 COUPLES na makakapag-parehistro na gaganapin sa PEBRERO 14, 2024.
At isa po sa mga pangunahing requirements ay ang mga Couples na nagsasama na ng 5 TAON at higit pa. Mangyari lamang na magtungo sa Tanggapan Ng Punong Bayan upang kumuha ng Article 34. At ang dalawa pa pong kinakailangang dokumento ay PSA Birth Certificate at CENOMAR.
Para sa mga karagdagang impormasyon magtungo lamang po sa Municipal Civil Registry Office, LGU- Magdalena Municipal Hall.
Maraming Salamat po!