21/08/2023
Isang maganda, at matagumpay na gabi, mga kasangga!!
Isang karangalan po sa amin ang makapagbigay gaan sa inyong mga bulsa gayoon na rin ang kaginhawaan sa ulo ng ating mga kabataan bago ang pasukan maging na rin sa ating mga tatay, at lolo na nagpunta rin sa ating aktibidad. Nais naming magpasalamat sa ating Kapitan Aurora Arguiñoso ng Poblacion dahil pinayagan niya tayo na ganapin ang aktibidad na ito sa tapat mismo ng ating barangay hall. Nais din naming magpasalamat sa mga talentado, at walang reklamo na ating mga manggugupit kahit pa inabot na tayo ng gabi. Kina Kuya Albert Ferreras Buenaceda, Ian Solano, at Mamang Nanding, maraming salamat po. Simula 1PM hanggang 7PM ay nanatili po kayo upang magserbisyo sa kabataan. At sana ay nariyan pa po kayo upang tulungan ang Team Criste sa mga susunod pa na proyekto na kakailanganin ang inyong mga galing. Samahan niyo pa rin po nawa kami sa pagbibigay kaginhawaan, hindi lamang sa ating mga ka-barangay ngunit maging na rin sa iba pang barangay ng Magdalena.
Mula sa Team Criste, maraming-maraming salamat po sa suporta, tulong, at pagpunta upang mapagtagumpayan ang proyekto na ito. Para sa kabataan; ako, ikaw, tayo na mismo!!