BNS BNC Bungkol

BNS BNC Bungkol Announcements and Activities of BNS BUNGKOL

๐ŸŒฑ๐Ÿฅ— NUTRI-CLASS SA DAY CARE CENTER NG BUNGKOL ๐Ÿ‘ง๐Ÿง’๐Ÿ’šIsang masaya at makabuluhang pagkatuto para sa ating mga munting chikiti...
13/08/2026

๐ŸŒฑ๐Ÿฅ— NUTRI-CLASS SA DAY CARE CENTER NG BUNGKOL ๐Ÿ‘ง๐Ÿง’๐Ÿ’š

Isang masaya at makabuluhang pagkatuto para sa ating mga munting chikiting! ๐ŸŒŸ

Sa pamamagitan ng Nutri-Class, natututo ang ating mga batang Day Care tungkol sa kahalagahan ng pagkain ng masustansya, pagpili ng tamang pagkain, at pagpapanatili ng malusog at aktibong pangangatawan. ๐ŸŽ๐Ÿฅฆ๐Ÿฅ›

Sama-sama nating hubugin ang mga bata upang maging malusog, masigla, matalino at masayang kabataan! ๐Ÿ’ชโœจ

๐Ÿ’š Malusog na bata, masayang bata, magandang kinabukasan! ๐ŸŒˆ

๐Ÿ’™ LIGTAS TIGDAS, PARA SA LIGTAS NA KINABUKASAN! ๐Ÿ’‰โœจMatagumpay na naisagawa ngayong August 11, 2026 ang Ligtas Tigdas โ€“ Me...
11/08/2026

๐Ÿ’™ LIGTAS TIGDAS, PARA SA LIGTAS NA KINABUKASAN! ๐Ÿ’‰โœจ

Matagumpay na naisagawa ngayong August 11, 2026 ang Ligtas Tigdas โ€“ Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) with Vitamin A Supplementation sa Barangay Bungkol. ๐Ÿง’๐Ÿ’™

Lubos po ang aming pasasalamat sa RHU Magdalena at Department of Health (DOH) sa kanilang patuloy na suporta at serbisyo para maprotektahan ang kalusugan ng ating mga chikiting. Maraming salamat din sa Sangguniang Barangay ng Bungkol, BHW, BNS, Committee on Health Kagawad Bunz Rance at sa lahat ng tumulong upang maging maayos at matagumpay ang aktibidad. ๐Ÿ‘

Isang espesyal na pasasalamat din kina Ate Jo, Ate Len at Ate Arme sa masarap na pagkaing inihanda para sa ating mga naging bahagi ng programa. โค๏ธ๐Ÿฑ

At higit sa lahat, maraming-maraming salamat sa ating mga magulang na naglaan ng oras at nagdala sa kanilang mga anak upang mabakunahan. ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ๐Ÿ’‰ Ang inyong pagtitiwala at pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito. Sa inyong desisyong pabakunahan ang inyong mga anak, nakakatulong kayong bigyan sila ng dagdag na proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. ๐Ÿ’™

๐Ÿ’‰ BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPABAKUNA?
Ang bakuna laban sa tigdas at rubella ay mahalagang proteksyon para sa mga bata. Nakakatulong itong maiwasan ang malulubhang komplikasyon ng mga sakit, mapababa ang pagkalat ng impeksiyon, at maprotektahan hindi lamang ang ating mga anak kundi pati ang buong komunidad.

Ang pagpapabakuna ay proteksyon, pagmamahal, at responsibilidad. ๐Ÿ’™
Sama-sama nating gawing LIGTAS SA TIGDAS ang bawat batang Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‘ถ







CLUSTER 8 - BAANAN, BUNGKOL AT BURLONGAN๐ŸŒฟ๐Ÿ“šโ€œPABASA SA NUTRISYON 2026โ€๐Ÿ“š๐ŸŒฟTaos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tum...
07/08/2026

CLUSTER 8 - BAANAN, BUNGKOL AT BURLONGAN
๐ŸŒฟ๐Ÿ“šโ€œPABASA SA NUTRISYON 2026โ€๐Ÿ“š๐ŸŒฟ

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang ating โ€œPabasa sa Nutrisyonโ€ โ€” isang maikling seminar at talakayan para sa piling participants mula sa 3 Barangay, na naglalayong magbahagi ng kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon, malusog na pamumuhay, at pangangalaga sa kalikasan. ๐Ÿ’š๐Ÿฅ—๐ŸŒฑ

Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga Kapitan, Kap Wilfredo T Rance ( Bungkol), Kap Enrique Gutierrez (Baanan) at Kap. Raulito Bano (Burlongan)
Sa mga miyembro ng Committee on Health, Kagawad Adela Rance, Kag. Rizzi Laycano at Kag. Ervin Merle at sa lahat ng bumubuo ng Sanguniang Barangay ng Baanan, Bungkol at Burlongan.

Ang aktibidad na ito ay inisyalisa at inorganisa ng ating MNAO bilang bahagi ng mga gawaing pang-Nutrition Month sa ating komunidad. ๐Ÿ’š Salamat po Sir Salvador Fernandez Espinosa at OBNS Sec Ivy Glady Alcantara Garcia-Cordial para sa inyong pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman sa nutrisyon.

Maraming salamat din sa aming mga generous sponsors na naging bahagi ng aktibidad na ito.
Kay Engr Cesar Articona, sa pagbibigay sa amin ng 25kgs na bigas at โ‚ฑ500. Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay malaking tulong upang maisakatuparan ang gawaing naglalayong magbigay-kaalaman at magtaguyod ng mas malusog na pamayanan. โค๏ธ

Sa lahat ng dumalo, nakinig, nakibahagi, at naglaan ng orasโ€”maraming, maraming salamat! ๐Ÿซถ

Sama-sama nating isabuhay ang mensahe ng Nutrition Month:

๐ŸŒฑ โ€œKalikasan at Nutrisyon, Ating Pangalagaanโ€ ๐ŸŒฑ

Dahil ang malusog na pamayanan ay nagsisimula sa kaalaman, wastong nutrisyon, at sama-samang pagkilos. ๐Ÿ’š

Pabasa sa Nutrisyon 2026
Cluster 8 โ€“ Baanan, Bungkol at Burlongan







31/07/2026
31/07/2026

Cluster 8 - 3B
Baanan, Bungkol at Burlongan.

๐Ÿ’š Brgy. Bungkol, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Nutrition Month 2026! ๐ŸŽ๐ŸŒพBuong pusong nakiisa ang Barangay Bungkol sa pagdiriw...
31/07/2026

๐Ÿ’š Brgy. Bungkol, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Nutrition Month 2026! ๐ŸŽ๐ŸŒพ

Buong pusong nakiisa ang Barangay Bungkol sa pagdiriwang ng Nutrition Month na pinangunahan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO).

Isa sa mga ipinagmamalaki ng ating barangay ay ang paglahok ng ating Day Care student na Maxxine Castillo sa Nutri Kid Competition. Bagamaโ€™t hindi man naiuwi ang titulo, tunay namang napahanga ang lahat sa kanyang pagiging cute, confident, at bibong-bibo bilang ating munting โ€œLittle Kalabasa.โ€ ๐Ÿ‘๐ŸŽƒ Ipinagmamalaki ka namin, Maxxine!

Nakibahagi rin ang Cluster 8โ€“3B (Baanan, Bungkol, at Burlongan) sa Nutri Booth Competition, kung saan buong pagmamalaking naiuwi ang:
๐Ÿ† 1st Place โ€“ Nutri Booth Competition
๐Ÿ† Best in Nutrition Education Booth

Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagtutulungan, dedikasyon, at suporta ng bawat isa sa ating komunidad. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na selebrasyon ng Nutrition Month.
Special Thanks sa aming Kapitan Wilfredo Rance, para sa inyong buong suporta. At sa mga Kagawad ng Bungkol, Kagawad Adela Rance, Kag. Luisito Sakbayana, Jr at Kag. Nestor Castillo sa suporta sa paggawa ng booth. Salamat din po Ate Jo at Ate Len para sa inyong tulong.

Patuloy nating isulong ang wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at sama-samang pagkilos tungo sa isang mas malusog at mas maunlad na pamayanan.

๐Ÿ’š Congratulations sa lahat ng mga kalahok at mga nanalo! Patuloy tayong maging inspirasyon sa ating komunidad.

12/03/2026

PABATID SA PUBLIKO๐Ÿ“ฃ

Simula Abril 1, 2026, ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ang kikilalaning pangunahing ID ng DSWD sa payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Ang mga benepisyaryong wala pang National ID ay hinihikayat na magparehistro sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA). Magkakaroon din ng PhilSys registration tuwing payout para mapadali ang pagpaparehistro ng ating mga senior citizens.

Pupuntahan naman ng PSA ang mga bedridden na benepisyaryo para sila ay irehistro.

Para sa iba pang katanungan o reklamo, tumawag sa:
๐Ÿ“ฒ GLOBE: 09171105686 at 09178272543
๐Ÿ“ฒ SMART: 09199116200

o magpadala ng mensahe sa Integrated Grievance Redress Management System (IGRMS) ng DSWD sa https://i-grs.dswd.gov.ph at sagutan ang form.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Social Pension for Indigent Senior Citizens, panoorin ang video na ito: https://www.facebook.com/share/v/14YUkUzGcXk/

โค๏ธ

Address

Bungkol
Magdalena
4007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BNS BNC Bungkol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share