DILG Magdalena - MLGOO Jnysz Montejo

DILG Magdalena - MLGOO Jnysz Montejo Welcome to the official page of DILG Magdalena

01/05/2026

Sa ika-124 na paggunita sa Araw ng mga Manggagawa, nakikiisa ang DILG Laguna sa pagbibigay-pugay sa lakas at mahalagang ambag ng uring manggagawang Pilipino—ang puwersang nagpapaandar sa ekonomiya, sumusuporta sa bawat pamilya, at nagpapatatag sa pundasyon ng lipunan.

Kaakibat ng temang “Disenteng Trabaho para sa Lahat: Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas, Sama-samang Kikilos,” higit na pinagtitibay ang paninindigan para sa makatarungang sahod, ligtas at maayos na kalagayan sa paggawa, at patuloy na paggalang sa dignidad ng bawat manggagawa. Sa iba’t ibang larangan—mula agrikultura at industriya hanggang serbisyo at pamahalaan—ang kanilang sipag at sakripisyo ang nagbubukas ng landas tungo sa pag-unlad at pagbabago ng bansa.

Isang taos-pusong pagpupugay sa inyong walang sawang paglilingkod—kayo ang tunay na haligi ng pag-asa at kinabukasan ng bayan.

13/04/2026
12/04/2026

📢 ANUNSYO MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG MAGDALENA

Upang maibsan ang kakulangan ng byahe sa darating na Abril 13, 14, at 15, 2026, ang Pamahalaang Bayan ng Magdalena ay maglalaan ng LIBRENG SAKAY para sa mga biyaheng:
🚌 Magdalena ⇄ Sta. Cruz
🕕 Mula Magdalena papuntang Sta. Cruz
📍 Pick-up: Harapan ng Municipal Hall
• 6:00 AM
• 7:00 AM
• 8:00 AM
🕓 Mula Sta. Cruz pabalik ng Magdalena
📍 Pick-up: harapan ng Unisan kung saan regular na ikot ng byahe ng jeep ng Magdalena
• 4:00 PM
• 5:00 PM
• 6:00 PM
✅ Ang mga sasakyang bumibiyahe sa pagitan ng mga nasabing oras ay maaari ring magsakay ng mga pasahero nang LIBRE, papunta at pabalik sa ating mga itinakdang pick-up point.
Maraming salamat at inaasan po ang maayos na pila para sa kaligtasan ng lahat.

#𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧𝘿𝙖𝙧𝙞𝙤𝙇𝙖𝙥𝙖𝙙𝙖𝙅𝙧
#𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜𝙈𝙖𝙜𝙙𝙖𝙡𝙚𝙣𝙖𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜𝙋𝙖𝙜𝙖𝙨𝙖
#𝘿𝙖𝙢𝙖𝘼𝙣𝙜𝙋𝙖𝙜𝙪𝙣𝙇𝙖𝙙

10/04/2026
Nakikiisa ang DILG Magdalena Field Office sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw, ika-9 ng Abril 2026. Nag-alay...
09/04/2026

Nakikiisa ang DILG Magdalena Field Office sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw, ika-9 ng Abril 2026.

Nag-alay ng bulaklak, panalangin at pagpupugay ang mga halal na opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Magdalena bilang paggunita sa mga bayaning naglaan ng buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa pagtatapos ng Buwan ng Marso, aming ikinagagalak na iulat ang 100% Compliance ng mga barangay ng Bayan ng Magdalena s...
31/03/2026

Sa pagtatapos ng Buwan ng Marso, aming ikinagagalak na iulat ang 100% Compliance ng mga barangay ng Bayan ng Magdalena sa pagsasagawa ng 1st Semester 2026 Barangay Assembly Day. Ito ay isang magandang senyales na ang mga barangay, kasama na ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan, ay tungo sa pamamahalang hayag, may pananagutan, at bukas sa partisipasyon.




Lights off. Action on. 🌏💡This Earth Hour 2026, the DILG Magdalena Field Office, joins the global movement in taking a st...
28/03/2026

Lights off. Action on. 🌏💡

This Earth Hour 2026, the DILG Magdalena Field Office, joins the global movement in taking a stand for our planet. By simply switching off our lights for one hour, we send a powerful message: every small act counts in protecting our environment.

Let us go beyond the hour—commit to sustainable choices, conserve energy, and care for our natural resources every day.

Together, let’s create a brighter future by turning the lights off today.





📢 PUBLIC ADVISORYThe DILG Magdalena Field Office informs the public that we are temporarily implementing Compressed Work...
12/03/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

The DILG Magdalena Field Office informs the public that we are temporarily implementing Compressed Working Hours in compliance with Memorandum Circular No. 114, Series of 2026.

🗓 New Work Schedule:
Monday – Thursday: 7:30 AM–6:30 PM
Friday – Sunday: Non-Working Days

We encourage everyone to schedule their transactions within the new office hours.

Thank you for your continued cooperation and understanding.

02/03/2026
🚨 Para sa Lahat ng Barangay! 🚨Sa Marso 2026, isasagawa na ang Barangay Assembly Day sa anumang Sabado o Linggo. Halina’t...
26/02/2026

🚨 Para sa Lahat ng Barangay! 🚨

Sa Marso 2026, isasagawa na ang Barangay Assembly Day sa anumang Sabado o Linggo. Halina’t makilahok at maging bahagi ng ating “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.” 🌿✨

📂 Para sa mga templates, forms, at guides:
🔗 https://tinyurl.com/BAD1stSemFY2026

Tiyakin natin na lahat ng barangay ay sumusunod at maayos na nadodokumento ang mga iuulat.💪🏽




Address

E. Jacinto Street
Magdalena

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG Magdalena - MLGOO Jnysz Montejo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share