09/09/2023
๐จ๐๐ ๐๐๐ ๐ช๐๐ฉ๐ฌ๐น ๐ณ๐ฐ๐ฉ๐ฌ๐ณ?
Ang pagmumura, pagpopost, pagbibintang o pamamahiya sa kapwa tao gamit ang computer system, text messaging o social media (facebook, twitter o iba pang social networking sites) kahit na ang kasiraan na ibinibintang ay totoo man o hindi basta ito ay nakakasira sa imahe at pagkatao ay maaaring makasuhan ng CYBER LIBEL ayon sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA No. 10175).
PARUSA: Pagkakakulong ng hanggang walong (8) taon at multa na hindi bababa sa P40,000 hanggang 1.2 milyon (1,200,000).
*************************************************
Walang karapatan ang sinumang mamahiya o manira ng kapwa gamit ang social media.
Hindi ito matatawag na "FREEDOM OF SPEECH".
Ang kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag ay may limitasyon na may kaugnayan sa libelo, paninirang-puri, kalaswaan,sedisyon, pag-uudyok, pakikipaglaban ng mga salita, impormasyon sa classified, paglabag sa karapatang-kopya, mga lihim ng kalakalan, pagkain pag-label, kasunduan sa hindi pagsisiwalat, karapatan sa privacy, karapatan na malimutan, seguridad sa publiko, at pagsisinungaling.
Siniraan ang puri mo sa Facebook post nya, ano gagawin mo? Ito ang step-by-step process para makakuha ng evidence at makasuhan mo sya ng criminal case na Cyberlibel at maipakulong:
1. I-screenshot ang buong Facebook post nya na may paninira sayo.
2. Isama ang kanyang FB profile picture para malinaw ang evidence na sya ang nag post;
3. Dapat isama din ang URL kung computer ang gamit mo sa pag screenshot;
4. Dapat mag screenshot ka rin ng kanyang FB profile account
5. Huwag i-edit o lagyan ng anumang words or mark ang screenshot;
6. Kumuha ng common friends nyo sa Facebook para mag testify at mag identify na sya talaga ang may-ari ng FB account na nagpost ng paninira sayo;
7. Kung wala common friends o anonymous account o hindi mo maidentify ang owner, go to Anti-Cybercrime Division ng NBI or PNP-CIDG para ma-identify ng computer forensic experts nila;
Now, meron ka na evidence para kasuhan siya, pwede mo na ito isampa bilang isang criminal case.
8.Gamit ang mga evidence mo, gumawa ng Complaint Affidavit o Sinumpaang Salaysay kung saan dapat ikwento ang buong pangyayari before, during at after ng posting ng paninira sa FB at elemento ng krimen. Para makasiguro, huminging tulong sa lawyer sa paggawa nito;
9.Hindi mo kailangan na ipa-barangay ang kalaban mo dahil exempted ang Cyberlibel sa requirement g barangay hearing.
10.I-file ang Complaint Affidavit o Sinumpaang Salaysay sa Prosecutor's Office o Fiscal's Office.
11.Hintayin ang Subpoena ng Prosecutor's Office o Fiscal's Office para sa hearing ng preliminary investigation.
12.Maglalabas ng resolution ang investigating prosecutor at kung ang decision ng Prosecutor's Office o Fiscal's Office ay iakyat sa korte, ang criminal information ay isasampa sa Regional Trial Court;
13.Mag-issue ang korte ng warrant of arrest sa akusado para sya ay panagutin sa hukuman at doon magpresenta ng evidence ang complainant;
14.Ang cyberlibel ay kailangan maisampa sa prosecutor office within one year mula ng ipost sa Facebook ang paninirang puri. If more than one year na, hindi na pwede.
Kung kumpleto ka ng evidence, madali mo lang maipakulong ang nanirang puri sa iyo sa Facebook. Maraming maimbentong depensa ang kalaban mo pero kung matibay evidence mo, wala silang lusot sa korte.
Paano kung deleted nila?
Ok lang a i-delete nila ang post as long as meron ka na screenshot nito dahil ito ang electronic evidence mo laban sa ka.
CTTO.
๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ฏ๐ฌ๐จ๐น๐ป: ๐๐ฏ๐ช๐ง๐ช๐ฆ๐ฅ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐ฆ ๐๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ, ๐๐ถ๐ฎ๐ฃ๐ญ๐ฆ, ๐๐ช๐ด๐ค๐ช๐ฑ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฅ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ณ๐ฐ๐ง๐ฆ๐ด๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ.
โค๏ธ
Philippine National Police
PGEN BENJAMIN ACORDA JR
PNP DPCR
Area Police Command-Western Mindanao
Police Regional Office 12
Police Regional Office 12 - Public Information Office
PCADG Region 12
PRO12 North Cotabato PNP
Magpet Pnp