10/08/2026
Courtesy Call sa BFAR MIMAROPA Regional Director
AGOSTO 10, 2026- Isang makabuluhang courtesy call ng MAO Magsaysay at SB member Jose S. Norella, Jr. kay BFAR Regional Director Roberto R. Abrera, RFP, MPA upang talakayin ang mga mahahalagang usapin at kahilingan para sa ating mga mangingisda at komunidad.
Kabilang sa mga tinalakay ang Salt Park Project at iba pang mga kahilingan at programa na makatutulong sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan at kabuhayan ng ating mga kababayan.
Maraming salamat sa BFAR sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta. Sama-sama nating isusulong ang mga programang makapagbibigay ng mas maraming oportunidad at mas maunlad na kabuhayan.