11/10/2022
TINGNAN:
October 11, 2022
Project Visitation at Monitoring patuloy na isinasagawa sa mga benepisyaryo ng SLP Livelihood Assistance Grant (LAG) sa Brgy. Sta teresa,Alibog,Caguray Magsaysay, Occidental Mindoro.
Layunin ng aktibidad na ito na patuloy na bigyan ng atensyon ang mga benepisyaryo at matulungan sila sa mga aspetong lubos silang nahihirapan na may kinalaman sa pagpapatakbo ng kanilang napiling pangkabuhayan.
Ito ay pinangunahan ng Project Development Officer II Ms. Hat Tie Florence T. Quintero kasama ang Municipal Social Welfare And Development Officer Maxima A. Obligar, at LGU Livelihood Workers ayon sa mandato ng ating Punong Bayan Cesar M. Tria Jr. upang masigurong hindi napapabayaan ang mga programang inilunsad ng DSWD katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay.
Kasabay nito nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong at puhunan na natanggap nila mula sa Programa ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.