15/05/2026
Tingnan Noong May 11-15, 2026 ay
Matagumpay na nakibahagi ang Magsaysay Rural Health Unit sa isinagawang Training on Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition para sa Health Care Providers’ Network (HCPN) ng Cuyo, Agutaya, at Magsaysay (CAM), na ginanap sa La Primera Lodge and Restaurant, Brgy. Tenga-tenga, Cuyo, Palawan.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Department of Health (DOH) Center for Health Development MIMAROPA – Family Health Cluster: Nutrition, Responsible Parenthood, Immunization, and Child Health, sa pangunguna ni Dr. Matthew R. Mendrano, katuwang ang CAM HCPN at DOH Representative na si Mr. Jose Mari Esguerra, RN, MAN.
Sa isinagawang training, mas napalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok pagdating sa tamang assessment, management, at monitoring ng mga batang may Moderate at Severe Acute Malnutrition. Tinalakay rin ang mga makabagong pamamaraan upang mas mapabuti ang nutrisyon at kalusugan ng mga kabataan sa komunidad.
Sa dulong bahagi ng programa, matagumpay ding naisagawa ang Local Health System Strengthening Capacity Development sa pangunguna ni Mr. Jose Mari Esguerra, RN, MAN, kung saan natalakay ang iba’t ibang hamon na kinakaharap ng bawat munisipyo, kasama ang mga posibleng solusyon at hakbang upang lalo pang mapalakas ang health services sa CAM area.
Layunin ng training na higit pang mapatatag ang kakayahan ng ating healthcare workers sa maagang pagtukoy at agarang pagtugon sa acute malnutrition upang maiwasan ang komplikasyon at mabigyan ng mas maayos at malusog na kinabukasan ang bawat bata.
Patuloy ang Magsaysay Rural Health Unit sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat pamilyang Magsaysayanos.
Para sa Malusog na Magsaysay, Bawat Buhay Ay Maysaysay.