Municipal Agriculture Office-LGU Mahaplag

Municipal Agriculture Office-LGU Mahaplag Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Agriculture Office-LGU Mahaplag, Government Organization, Poblacion, Mahaplag.

SESSION 3: Matagumpay na isinagawa ng SIPAG Project ngayong araw! Ang mga participants ay hands-on na nagtrabaho sa:1. H...
21/05/2026

SESSION 3: Matagumpay na isinagawa ng SIPAG Project ngayong araw!

Ang mga participants ay hands-on na nagtrabaho sa:
1. Harvesting ng Fermented Fruit Juice (FFJ) at Fermented Plant Juice (FPJ), Fish Amino Acid (FAA)
2. Paghahanda ng Organic Fertilizer
3. Paggawa ng Carbonized Rice Hull (CRH)
4. Fermentation ng Seaweeds

Layunin nito na turuan ang mga magsasaka at kabataan na gumawa ng mababang gastos pero epektibong organic inputs gamit ang mga materyales na madaling mahanap sa paligid.

Mas healthy ang lupa, mas matibay ang tanim, at mas mababa ang gastos sa produksyon — yan ang SIPAG way! 💪

Salamat sa lahat ng dumalo at nakilahok. Patuloy tayong mag-aral, magtanim, at magtulungan para sa mas sustainable na agrikultura sa Mahaplag.

SALAMAT, DARFU 8! 🐔❤️Malaking pasasalamat sa DARFU 8 Livestock Program sa pagbibigay ng 250 na Free Range Native Chicken...
20/05/2026

SALAMAT, DARFU 8! 🐔❤️

Malaking pasasalamat sa DARFU 8 Livestock Program sa pagbibigay ng 250 na Free Range Native Chicken para sa mga magsasaka ng Mahaplag na layunin ang Genetic Improvement Para sa mga native manok.

Ang mga manok na ito ay makakatulong para mapaganda ang lahi ng native chicken sa ating bayan, mapalago ang produksyon, at magkaroon ng karagdagang kabuhayan ang ating mga magsasaka.

Sa ganitong programa, hindi lang hayop ang pinamimigay pag-asa at oportunidad din para sa mas matatag na kabuhayan sa barangay.

Mabuhay ang DARFU 8 at ang mga magsasaka ng Mahaplag!
Sama-sama tayo sa pagpapalago ng agrikultura at livestock sector ng bayan. 🌱🐔

73 SA 92 BENEFICIARIES, NAKATANGGAP NA! 🌿💵Matagumpay na isinagawa ang Payout ng Philippine Fiber Industry Development Au...
20/05/2026

73 SA 92 BENEFICIARIES, NAKATANGGAP NA! 🌿💵

Matagumpay na isinagawa ang Payout ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Regional Office 8 para sa mga benepisyaryo ng Abaca Rehabilitation Project dito sa bayan ng Mahaplag.

Sa kabuuang 92 benepisyaryo, 73 ang dumalo at nakatanggap ng kanilang assistance para sa rehabilitasyon at pagpapaunlad ng abaca farming sa ating bayan.

Layunin ng programang ito na tulungan ang mga abaca farmers na makabangon, mapalago muli ang kanilang taniman, at mapanatili ang kabuhayan na nagmumula sa “Queen of Philippine Fibers.”

Maraming salamat sa PhilFIDA RO8 sa tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka ng Mahaplag!
Sa ating mga benepisyaryo, gamitin ang tulong na ito para mas mapalakas ang abaca industry ng bayan. 💪

ENDING THE DAY WITH A BANG! 🎉🥬 Hindi matatapos ang araw na walang natutunan!  Ngayong hapon, 16 na kabataan ng Brgy. Pal...
14/05/2026

ENDING THE DAY WITH A BANG! 🎉🥬

Hindi matatapos ang araw na walang natutunan!

Ngayong hapon, 16 na kabataan ng Brgy. Palanogan ang nakiisa sa Container Gardening: Hydroponics Lettuce Production training ng Municipal Agriculture Office – LGU Mahaplag.

Mula sa paghahalo ng nutrient solution hanggang sa tamang pagtatanim ng lettuce sa containers, kitang-kita ang sipag at excitement ng mga kabataan. Patunay na ang agrikultura, hindi lang para sa bukid — pwede rin sa bakuran at barangay!

Salamat, Brgy. Palanogan youth! Kayo ang patunay na ang kinabukasan ng agri, nasa kabataan.🌱💚

12 KABATAANG YOUTH LEADERS, NAG-ARAL NG HYDROPONICS! 🥬💧Matagumpay na dumalo ang 12 na kabataang youth leaders sa trainin...
14/05/2026

12 KABATAANG YOUTH LEADERS, NAG-ARAL NG HYDROPONICS! 🥬💧

Matagumpay na dumalo ang 12 na kabataang youth leaders sa training sa Container Gardening: Hydroponics Lettuce Production na isinagawa ng Municipal Agriculture Office – LGU Mahaplag.

Sa container gardening lecture na ito, natutunan nila ang basic setup ng hydroponics, tamang paghahanda ng nutrient solution, at paano magtanim ng lettuce gamit ang limitadong espasyo. Layunin nito na mabigyan ang kabataan ng practical skills sa modernong pagtatanim na pwede nilang dalhin sa barangay at pamilya.

Mabuhay ang kabataang handang matuto at magtanim para sa kinabukasan!🌱

13/05/2026
SIPAG HINDI LANG SALITA — GAWA SA CAMPIN! 🌱💪SIPAG Project 2nd Session: Communal Garden Establishment📍 Brgy. Campin, Maha...
13/05/2026

SIPAG HINDI LANG SALITA — GAWA SA CAMPIN! 🌱💪

SIPAG Project 2nd Session: Communal Garden Establishment
📍 Brgy. Campin, Mahaplag, Leyte
📅 May 13, 2026

SIPAG:Sa pagtatanim Isip at Puso linangin, Ating palawakin, Gintong butil pagyamanin_

Matagumpay na isinagawa ang Pangalawang Sesyon ng SIPAG Project para sa Campin Women’s Association!

Ang focus: Pagtatatag ng Communal Vegetable Garden gamit ang 100% Organikong Pamamaraan.
Anchored on Organic Agriculture, ipinakita ng kababaihan ng Campin na ang tunay na SIPAG ay nagsisimula sa lupa, sa kaalaman, at sa pagkakaisa.

ANO ANG NANGYARI?
✅ Lecture on Organic Agriculture Technologies
- Paggawa ng Bokashi
- Paghanap ng tamang materials para sa JADAM
- Paghahanda ng Organikong Pataba
- Paggawa ng Vermitea
- Paggawa ng Natural na Pestisidyo

✅ Action Planning
- Pagpaplano sa paggawa ng CRH (Carbonized Rice Hull)
- Pag-collect ng kakawate at rice hull
- Paglista ng mga materyales at tools na kailangan para masimulan ang taniman .


LAKBAY KAALAMAN: PAG-AARAL NG HYDROPONICS SA BAYBAY! 🥬🌱Upang mapalawak ang kaalaman at mapabuti ang Hydroponics Program ...
12/05/2026

LAKBAY KAALAMAN: PAG-AARAL NG HYDROPONICS SA BAYBAY! 🥬🌱

Upang mapalawak ang kaalaman at mapabuti ang Hydroponics Program ng LGU-Mahaplag, nagsagawa ang Municipal Agriculture Office ng Lakbay Kaalaman tungkol sa Hydroponics Lettuce Production sa GreenVest, ng Brgy. San Isidro, City of Baybay.

Naging resource person natin si Mrs. Melody A. Arayan, may-ari ng GreenVest, na nagbahagi ng kanyang expertise sa, System design at setup ng hydroponics, Nutrient management para sa mas malusog na lettuce, Pest at disease control sa soilless farming, Harvest at post-harvest handling, at Marketing strategies para sa sustainable na produksyon.

Layunin ng aktibidad na ito na i-upgrade ang kasalukuyang hydroponics facility ng LGU-Mahaplag upang mas mapakinabangan ng ating mga magsasaka, kababaihan, kabataan at iba pang sektor sa bayan.

Tuloy-tuloy ang pagkatuto para sa mas maunlad na agrikultura sa Mahaplag!

Taos-pusong pasasalamat kay Mrs. Melody A. Arayan at sa GreenVest sa mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng kaalaman.

PASASALAMAT ng Municipal Agriculture Office-LGU Mahaplag Taos-pusong pasasalamat sa 358 delegates mula sa iba’t ibang ka...
11/05/2026

PASASALAMAT ng Municipal Agriculture Office-LGU Mahaplag

Taos-pusong pasasalamat sa 358 delegates mula sa iba’t ibang kapilya at mga staff at facilitators na dumalo sa 15th Parochial Summer Youth Camp 2026 noong Mayo 7-10, 2026 sa Brgy. Palanogan, Mahaplag, Leyte.

Ikinagagalak naming naging bahagi ang Municipal Agriculture Office sa paghubog ng kabataang may temang "Take Courage, I have overcome the world" (John 16:33) sa pamamagitan ng OAlevelUp Orientation: Kababaihan at Kabataan para sa Kalusogan, Kalikasan, at Kabuhayan – 5Ks noong Mayo 9, 2026 Araw ng Sabado.

Mabuhay ang kabataang Mahaplaganon — matatapang, maka-Diyos, at maka-kalikasan!



📷 Youth Ministry of Saint Michael the Archangel FB page and Mr. Joel Minguito

UGNAYAN SA BARANGAY  BRGY. MABUNGALGU Mahaplag Naghatid ng Serbisyo sa KomunidadMAHAPLAG, LEYTE – Mayo 07, 2026Nakiisa a...
07/05/2026

UGNAYAN SA BARANGAY BRGY. MABUNGA
LGU Mahaplag Naghatid ng Serbisyo sa Komunidad

MAHAPLAG, LEYTE – Mayo 07, 2026

Nakiisa ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng LGU Mahaplag sa isinagawang Ugnayan sa Barangay sa pamumuno ni Hon. Mayor Ronaldo T. Lleve noong Mayo 07, 2026 sa Brgy. Mabunga, Mahaplag, Leyte.

Layunin ng programang ito na ilapit at direktang ihatid ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa ating mga kababayan sa kanayunan.

Mga Serbisyong Naihatid ng MAO Mahaplag:
1.Libreng Punla ng Gulay Para sa pagpapaunlad ng backyard vegetable gardening at food security ng bawat pamilya
2. Vitamins para sa Alagang Baboy– Suporta sa mga backyard hog raisers para sa malusog na pag-aalaga
3. Pampurga (Dewormer) – Para sa mga alagang hayop upang masiguro ang kanilang kalusugan
4. Rabies Vaccine– Libreng bakuna kontra rabies para sa mga alagang a*o, bilang bahagi ng Responsible Pet Ownership Program.

Isang matagumpay na araw ng paglilingkod ang naisagawa sa Brgy. Mabunga. Bakas sa mga mukha ng ating mga kabarangay ang tuwa at pasasalamat sa mga natanggap na ayuda mula sa LGU.

Ang Ugnayan sa Barangay ay patunay ng tapat na pangako ng administrasyon ni Mayor Ronaldo T. Lleve na “Walang maiiwan sa pag-unlad ng Mahaplag”. Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan, mas mabilis nating natutugunan ang pangangailangan ng ating mga magsasaka, mangingisda, at buong komunidad.

Maraming salamat, Brgy. Mabunga, sa mainit na pagtanggap! Mas aasahan nyong patuloy ang pag-ikot ng LGU Mahaplag para ihatid ang serbisyo sa bawat barangay.

* -aalaga

Address

Poblacion
Mahaplag
6512

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agriculture Office-LGU Mahaplag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share