SMNI Foundation Inc.

SMNI Foundation Inc. Building resilience through every challenge.

15/04/2026

Every partnership has a purpose—and this one is for the health of every Filipino.

SMNI Foundation Inc. teams up with Go2Meds Pharmacy to roll out medical missions and provide free medicines to underserved communities.

A step closer to accessible healthcare for every FilipinoSMNI Foundation Inc. and Go2Meds Pharmacy have officially joine...
15/04/2026

A step closer to accessible healthcare for every Filipino

SMNI Foundation Inc. and Go2Meds Pharmacy have officially joined forces to bring free medical missions and medicines closer to Filipino communities.

As the first organization chosen by Founder & CEO Julius Llanera, this partnership carries a deeper mission: to reach farther, help more, and make healthcare accessible for all.

Bilang bahagi ng patuloy na misyon na maglingkod at magbigay ng pag-asa, nagsagawa ang SMNI Foundation Inc. ng isang “Di...
25/12/2025

Bilang bahagi ng patuloy na misyon na maglingkod at magbigay ng pag-asa, nagsagawa ang SMNI Foundation Inc. ng isang “Dinner for a Cause” nitong Disyembre 14, araw ng Linggo.

Sa tulong at suporta ng mga miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ang SMNIFI ay nakalikom ng pondo para sa year-end gift-giving activity na maghahatid ng tulong at ngiti sa mga pamilyang nangangailangan sa isang komunidad na pinili ng SMNIFI.

23/12/2025

Sa gitna ng mahal na bilihin at mabigat na gastusin ngayong kapaskuhan, naging liwanag ng pag-asa ang regalong hatid ng malasakit. Dalawang araw bago ang Pasko, daan-daang pamilya sa Barangay Sauyo, Quezon City ang napangiti at napagaan ang loob matapos makatanggap ng tulong mula sa SMNI Foundation Inc.

Dalawang araw bago ang Pasko, nitong Disyembre 23, naghatid ng liwanag at pag-asa ang SMNI Foundation, Inc. sa daan-daan...
23/12/2025

Dalawang araw bago ang Pasko, nitong Disyembre 23, naghatid ng liwanag at pag-asa ang SMNI Foundation, Inc. sa daan-daang pamilya sa Brgy. Sauyo, Quezon City sa pamamagitan ng pamamahagi ng Noche Buena packs. Higit pa sa tulong sa hapag-kainan, ito ay mensahe ng pagdamay—na sa gitna ng hirap, may mga pusong handang umalalay.

Sa panahong ramdam ng bawat pamilya ang bigat ng gastusin at patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, pinatunayan na hindi kailanman nawawala ang diwa ng Pasko kapag may malasakit at sama-samang pagkilos.

Sa bawat ngiting nasilayan at pasasalamat na narinig, muling nabigyang-kahulugan ang Pasko. Patuloy na isinasabuhay ng SMNI Foundation, Inc. ang tunay na diwa ng paglilingkod: ang magbahagi, magbigay-lakas ng loob, at maghatid ng pag-asa sa komunidad—lalo na sa mga panahong ito ang higit na kailangan.

Pinangunahan ng SMNI Foundation Inc. ang Disaster Preparedness Seminar na dinaluhan ng daan-daang mag-aaral ng Jose T. Q...
16/12/2025

Pinangunahan ng SMNI Foundation Inc. ang Disaster Preparedness Seminar na dinaluhan ng daan-daang mag-aaral ng Jose T. Quiboloy Sr. High School sa Tamayong, Davao City nitong Disyembre 16, 2025, bilang bahagi ng patuloy nitong adbokasiya para sa kaligtasan at kahandaan ng kabataan.

Tinalakay sa seminar ang wastong paghahanda laban sa lindol, bagyo, baha, at iba pang sakuna—na layong bigyang-lakas ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kaalaman at tamang pagkilos bago pa man dumating ang anumang kalamidad.

Bago ito, unang naglunsad din ang SMNI Foundation Inc. ng kaparehong seminar sa Cebu kahapon, Disyembre 15, 2025, na dinaluhan din ng daan-daang Senior High School students ng Pajo National High School sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Matagumpay na naisagawa ng SMNI Foundation Inc. Cebu Chapter ang Smart & Safe Communities program sa Pajo National High ...
15/12/2025

Matagumpay na naisagawa ng SMNI Foundation Inc. Cebu Chapter ang Smart & Safe Communities program sa Pajo National High School – Senior High School, na dinaluhan ng mga mag-aaral, g**o, at katuwang sa komunidad para sa isang makabuluhang araw na puno ng kahandaan, kaalaman at katatagan sa panahon ng mga kalamidad.

Nakatuon ang aktibidad sa kahandaan sa sakuna, kaligtasan, at makabagong solusyon para sa katatagan ng komunidad—bahagi ng misyon at adhikain ng SMNI Foundation Inc. na palakasin ang mga komunidad sa pamamagitan ng edukasyon, kahandaan, at inobasyon. Lumahok ang humigit-kumulang 300 Senior High School students, kasama ang mga resource speaker mula sa PDEA Region VII, Office of Civil Defense Region VII, SimplifAi, at Americares Philippines.

28/11/2025

Mas pinalakas ang pangangalaga sa kalusugan ng Brgy. Addition Hills sa pag-abot-serbisyo ng SMNI Foundation Inc. at 1Life Inc. sa kanilang Health and Wellness Medical Mission. Isang hakbang tungo sa mas matatag at mas malusog na pamayanan.

Address

ACQ Tower, Sta. Rita Street , Guadalupe Nuevo
Makati
1212

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMNI Foundation Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category