16/07/2025
Narito ang bagong page ng Lipunang Akademya mangyari lamang na i-like at i-follow ito upang maging updated sa mga bago nitong anunsyo, programa at mga gawain.
Panahon na naman ng halalan, mga Bosconian! ๐
Ito na ang pagkakataon ninyong tumindig, magsilbi, at mamuno bilang kinatawan ng Baitang 7!
Hindi ito tungkol sa titulo, ito ay tungkol sa tunay na pamumuno, paglilingkod, at pagbabago.
๐ก Bakit ka dapat sumali?
Sa pagiging kinatawan, maririnig ang iyong tinig, matututo kang makiisa sa kapwa, at magiging bahagi ka ng paghubog ng isang mas makulay at makabuluhang buhay-paaralan.
๐ Interesado?
Kumuha ng application requirements kay Bb. Hillary Faith Sanchez tuwing recess o pananghalian. Kumpletuhin ang mga kinakailangan at isumite ang iyong Sertipiko ng Kandidatura mula Hulyo 16-18, 2025.
Maging tinig ng pagbabago. Maging huwaran ng pamumuno.