09/09/2026
๐ฅ๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ง ๐๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐ฅ. ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ ๐๐ฅ.
POBLACION I & POBLACION II
๐
SEPTEMBER 10, 2026
๐ MUNICIPAL GYMNASIUM
Ang rice assistance na ipinamamahagi ay bahagi ng Rice Distribution Project ni President Ferdinand R. Marcos Jr. at hindi ito sariling programa o personal na pamamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Santa Cruz.
Ang LGU Santa Cruz ay katuwang lamang sa pagpapatupad, koordinasyon, validation, at maayos na pagsasagawa ng distribution sa ating mga kababayan.
Para sa kaalaman ng lahat, ang listahan ng mga pre-identified beneficiaries ay ibinaba sa mga Barangay. Hindi po nagmula sa Barangay ang nasabing listahan at hindi rin po ang Barangay ang nagdesisyon kung sino ang maisasama.
Ang mga benepisyaryo ay tinukoy batay sa CBMS Survey noong 2024, alinsunod sa mga itinakdang pamantayan para sa rice distribution.
Kabilang sa mga natukoy na sektor ang:
โข Senior Citizens
โข Persons with Disabilities (PWDs)
โข Solo Parents
โข Drivers
โข Other Indigent Families
Mahalagang Paalala: Ang opisyal na listahan ang siyang susundin para sa kasalukuyang distribution. Hindi maaaring magdagdag o magpalit ng pangalan ang Barangay batay lamang sa sariling pagpapasya.
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐ ๐๐ก๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ฅ๐ฌ๐ข
Para sa mga nakalistang benepisyaryo na pumanaw na, maaaring magtungo ang kanilang malapit na kapamilya o awtorisadong kinatawan upang mag-claim ng rice assistance, subject sa kinakailangang verification.
Ang representative ay kailangang:
1. Magdala ng valid ID ng representative;
2. Magdala ng kopya o anumang patunay ng pagkakakilanlan ng namatay na benepisyaryo, kung mayroon;
3. Magpakita ng patunay ng relasyon sa benepisyaryo, kung kinakailangan; at
4. Sumailalim sa verification bago ma-release ang rice assistance.
Ang pagkakaroon ng pangalan ng namatay na benepisyaryo sa listahan ay hindi nangangahulugang awtomatikong maibibigay ang rice assistance sa representative. Kailangang makumpleto muna ang verification bago ma-release ang 10 kilo ng bigas.
๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐
Mangyaring magdala ng National ID upang ma-verify ang inyong pagkakakilanlan at makumpirma na kayo ang nasa listahan.
Kung walang National ID, maaaring magdala ng anumang valid ID na mayroon.
Hindi kabilang sa programa ang:
โข Mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
โข Farmers at Fisherfolks na nauna nang nakatanggap ng rice assistance mula sa Department of Agriculture (DA)
Layunin nito na maiwasan ang pagdoble ng benepisyo at mas maraming pamilyang nangangailangan ang matulungan.
Para naman po sa mga benepisyaryo mula sa iba pang mga Barangay ng Bayan ng Santa Cruz, ang kani-kanilang iskedyul ng rice distribution ay ipopost sa mga susunod na araw.
Abangan po ang mga opisyal na anunsyo ng LGU Santa Cruz para sa inyong Barangay at sa iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa distribution.
Mangyaring hintayin ang opisyal na post para sa inyong Barangay at iwasang umasa sa mga hindi beripikado o kumakalat na impormasyon sa social media.
Kapag nailabas na ang schedule, pakitiyak na suriin ang Barangay, petsa, lugar ng distribution, at iba pang kinakailangang impormasyon.
Ang validation at verification ay isinasagawa upang matiyak na ang rice assistance ay makararating sa kwalipikado at nararapat na mga benepisyaryo.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, pakikiisa, at kooperasyon.