Sangguniang Kabataan ng Palanan

Sangguniang Kabataan ng Palanan Official page of Sangguniang Kabataan ng Barangay Palanan.

03/08/2026

PROTEKSYON PARA SA BARANGAY HEALTH WORKERS

Sa botong 20-0, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers.

Layon nitong mabigyan ng minimum monthly honorarium at iba pang benepisyo ang barangay health workers.

✨ Calling Makati City Youth! ✨The IACADEMY Senior High School LGU Scholarship (SY 2026–2027) is now seeking endorsements...
28/07/2026

✨ Calling Makati City Youth! ✨
The IACADEMY Senior High School LGU Scholarship (SY 2026–2027) is now seeking endorsements for 8 qualified students from Makati City! 📚💡

If you are a student from Makati City pursuing or interested in Animation, Multimedia Arts, or Software Development, this opportunity is for you!

Help us empower the youth of Makati City through education!
Tag someone who should know about this and submit your endorsements today! 👇
Google form link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfHVaV_KDuyGzvlPoj-XI94fSL5F9aOJvkBCmu_ZpzsrhxLyA/viewform?usp=header

28/07/2026

Sa pagdiriwang ng Linggo ng Musikang Pilipino, kinikilala natin ang Original Pilipino Music (OPM) at ang mga musikero, kompositor, at mang-aawit na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating mga kuwento sa pamamagitan ng musika.

Bilang lungsod na naniniwala sa kapangyarihan ng sining, patuloy na binibigyang pagkakataon ng Makati ang mga residente na mahasa ang kanilang talento—sa pamamagitan ng Makati City Employees Chorale, Makati Symphony Youth Orchestra, at mga scholar ng Classical Music Training Program, na nagbubukas ng mas maraming oportunidad.

Kasabay nito, patuloy ring itinatampok ng Makati Museum and Cultural Affairs Office ang musika sa iba't ibang programa at pagtatanghal sa lungsod.

Tangkilikin at ipagmalaki natin ang ating sariling musika dahil sa bawat himig, mas tumitibay ang ating kultura at pagmamalaki bilang Pilipino.

18/07/2026

ATTENTION, BRACKET A PLAYERS!

Patuloy pa rin ang Jersey Fitting para sa Bracket A sa SK Office, 3rd Floor – Barangay Hall.

Hanggang bukas (Sunday) na lamang ang fitting upang maihanda na natin ang opening date ngayong darating na linggo at tuluyan nang masimulan ang United Palanan Sportsfest Basketball Tournament!

Kaya ano pang hinihintay mo, Batang Palanan? Pumunta na sa SK Office, magpasukat ng jersey, at maghanda nang ipakita ang galing mo sa court!

📍SK Office, 3rd Floor – Barangay Hall

Today (Saturday): 03:00 PM onwards
Tomorrow (Sunday): 01:00 PM onwards

Huwag magpaiwan! Kitakits! 🏀

Inaanyayahan po kayo ni Mayora Ate Nancy na pumunta sa Legal Aid Clinic na gaganapin sa 2nd floor, Function Room, Palana...
14/07/2026

Inaanyayahan po kayo ni Mayora Ate Nancy na pumunta sa Legal Aid Clinic na gaganapin sa 2nd floor, Function Room, Palanan Sports Complex sa darating na July 18, 2026, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM.

Handog ng City Government of Makati, sa pakikipagtulungan sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Makati Chapter, bukas ang programang ito para sa mga nangangailangan ng libreng legal consultation at pagbalangkas ng mga simpleng affidavit.

Ito ay isang pagkakataon upang malinawan at mabigyan ng tamang impormasyon ang bawat isa tungkol sa kanilang mga karapatan, mga legal na proseso, at iba pang mahahalagang usaping may kaugnayan sa batas.

13/07/2026

May mga laban na hindi lang sinusukat sa medalya, kundi sa tapang, puso, at kwentong binubuo sa bawat taon.

Noong 2024, nagsimula tayong lumaban bilang Palanan Warriors, bitbit ang pangarap na maipakita ang galing at pagkakaisa ng ating barangay.

Noong 2025, hindi tayo umurong. Pinatunayan natin kung sino tayo at iniuwi ang Overall Championship. Hindi iyon swerte. Bunga iyon ng pawis, sakripisyo, at pusong hindi marunong sumuko.

Ngayon, 2026. Hindi na tayo lumalaban para patunayan ang sarili. Lumalaban tayo para ipagtanggol ang koronang pinaghirapan nating angkinin.

Ito ang panibagong kabanata ng ating kwento. Mas matinding apoy. Mas mabigat na hamon. Mas matinding laban.

Hindi lang tayo basta koponan.
Tayo ang Palanan Warriors.

At ang mga tunay na mandirigma…
hindi basta sumusuko.
Ipinaglalaban nila ang titulong kanila. ❤️‍🔥

Good news, students! The application for the Makati City Revitalized Scholarship Program is extended until July 30, 2026...
13/07/2026

Good news, students!

The application for the Makati City Revitalized Scholarship Program is extended until July 30, 2026! ✨

Senior high school graduates from public or private schools are welcome to apply. Basic requirements include:
- Residency in Makati City for at least five (5) years prior to application;
- Ranking in the top 10% of the senior high school graduating class;
- Willingness to serve the City of Makati for at least two (2) years after graduation.

Interested applicants may register through this link [https://bit.ly/MCRSP_2026-2027] until July 30, 2026, 6:00 PM.

Printed requirements may be submitted to the Education Department, 8th Floor, Makati City Hall, Building I.

For questions and concerns, you may contact the Makati Education Department at 8870-1620 or 8870-1618.

Malapit na tayo sa exciting part, Batang Palanan! 👀✨Isang malaking hakbang ang ating naabot! Ang Comprehensive Barangay ...
13/07/2026

Malapit na tayo sa exciting part, Batang Palanan! 👀✨

Isang malaking hakbang ang ating naabot! Ang Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP) C.Y. 2026–2030 at Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP) C.Y. 2026 ng SK Palanan ay opisyal nang naaprubahan sa ikalawa at pinal na pagbasa.

Maraming salamat sa ating SK Chairman JV Caguioa, SK Secretary Serafin Emmanuel Catangay at SK Kagawad Joshua Caballa Halili sa kanilang dedikasyon at pagsisikap sa pagbuo ng mga planong ito. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta ng ating SK Chairman JV Caguioa at ng buong SK Council. 🫂❤️‍🩹

Sunod na nating aabangan ang pag-apruba ng Annual Budget—isang mahalagang hakbang upang tuluyan nang maisakatuparan ang mga programang nakapaloob sa ating CBYDP at ABYIP.

Ito pa lamang ang simula. Abangan ang mga makabuluhan, masaya, at makabagong programa at proyektong nakalaan para sa bawat Batang Palanan.

Mula sa Kabataan; Para sa Kabataan! Lagi’t lagi, para sa Batang Palanan! 💜🩵💚🩷

CALLING ALL YOUNG ARTISTS OF BARANGAY PALANAN! Represent Barangay Palanan in Guhit Kalikasan 2026!We are looking for 2 p...
11/07/2026

CALLING ALL YOUNG ARTISTS OF BARANGAY PALANAN!

Represent Barangay Palanan in Guhit Kalikasan 2026!

We are looking for 2 participants only. Open to Palanan residents aged 18–30 years old.

If you're interested, message SK Kagawad Joshua Halili to register and secure your slot.

Limited slots available, register now!

Address

Casino, Palanan
Makati
1235

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Palanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Palanan:

Shortcuts

Share