01/06/2026
Sa pagdiriwang ng ika-356 na Araw ng Barangay at kapistahan nina San Pedro, San Pablo at Virgen de la Rosa de Macati, hatid po sa inyo ng Sangguniang Barangay ng Poblacion sa pamumuno ni Punong Barangay Miko Villena, sa pamamagitan ng inyong lingkod at ng Cleanliness & Beautification Committee, ang POBLACION ECO-RUN: TAKBO PARA SA KALIKASAN, na gaganapin sa ika-20 ng Hunyo 2026, sa ganap na ika-5 ng umaga sa Poblacion Park.
Para sa mga nais lumahok sa nasabing proyekto, mag-rehistro lamang gamit ang link na ito: https://forms.gle/Xp5HRoRCXGm75zqJ7 at magdala ng 10 PET BOTTLES sa mismong araw ng aktibidad. Mangayaring basahin din ang mga alituntuning napapaloob dito at i-LIKE, i-SHARE, at mag-COMMENT ng sa post na ito.
Narito ang mga premyo na maaaring matanggap ng mga mananalong kalahok mula sa Category A (18-65 y/old) at Category B (66 y/old & above):
1st place: 10,000 in cash and medal
2nd place: 7,000 in cash and medal
3rd place: 5,000 in cash and medal
❗️MAHALAGANG PAALALA
- Ito ay bukas sa lahat ng residente ng Poblacion edad 18 pataas lamang.
- Ang mga itinanghal na KAMPEON noong nakaraang taon ay maaari pa ring makilahok sa pagtakbo ngayong taon ngunit HINDI na maaaring tanghalin bilang panalo upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang mga kalahok.
Huwag palampasin ang pagkakataon na makiisa at maging bahagi ng ating hangaring higit na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran. Sumali na’t sama-sama tayong tumakbo!