Liberal Youth

Call Directions Website Contact the organization

Liberal Youth Join us in creating a society where everyone is free from poverty, free from fear, and free to dream!

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝟰𝟬𝘁𝗵 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆, 𝗗𝗣𝗣! The Liberal Youth of the Philippines joins our friends in the Democratic Progressive Party ...
28/09/2026

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝟰𝟬𝘁𝗵 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆, 𝗗𝗣𝗣!

The Liberal Youth of the Philippines joins our friends in the Democratic Progressive Party of Taiwan as they celebrate four decades of continously championing the values of freedom and democracy that paved the way for Taiwan’s success and contributed to its place as a vibrant democracy in Asia.

As fellow liberals in the region, we look forward to deepening our partnership with the youth of DPP and working together to advance democratic values, human rights, and liberalism across Asia. May our shared commitment to freedom continue to bring young people together in building a more open, democratic, and peaceful region.

Here’s to many more years of advancing freedom and democracy together! 💛💚

27/09/2026

The Council of Asian Liberals and Democrats (CALD) expresses deep concern over the disappearance of Nguyen Duc Thuan, a Vietnamese-Norwegian national, and Tran Hiep, a Vietnamese-Australian national, while traveling in Cambodia. Both are long-time human rights advocates who support grassroots movements in Vietnam, and both are members of Việt Tân, a full member party of CALD.

Read the full statement here: https://cald.org/cald-statement-no-3-s-2026/

Pero Kap, aminin mo... 🫣🤑
26/09/2026

Pero Kap, aminin mo... 🫣🤑

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗔𝗙𝗙𝗢𝗥𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡!Mariing tinututulan at kinokondena ng Liberal Youth ang paglagda ni Pangul...
25/09/2026

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗔𝗙𝗙𝗢𝗥𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡!

Mariing tinututulan at kinokondena ng Liberal Youth ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa batas na muling nagpapaliban sa Barangay at SK Elections. Malinaw na ito ay tahasang pag labag hindi lamang sa konstitusyon kundi pati na rin sa demokratikong proseso at sa karapatang pumili ng mga Pilipino.

Malinaw rin na pagsasayang ito ng ₱8 Bilyong pinaghirapang pera ng bayan na nagamit na sa mga balota, at pagdadamot sa atin ng kalayaang magkaroon ng bagong lideratong tutuon sa ginhawa ng bawat purok at pamilya sa gitna ng krisis sa bilihin at gastusin.

Hindi na natin afford ang ganitong klaseng pagpapaikot-ikot sa atin ng pamahalaan.


𝗟𝗜𝗕𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗣𝗛 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗘𝗠𝗡𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗢𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗔𝗡 𝗢𝗡 𝗙𝗔𝗖𝗘𝗕𝗢𝗢𝗞, 𝗥𝗘𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗥𝗘𝗗𝗗𝗜𝗧, 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗢𝗥𝗗The answer to online harms canno...
24/09/2026

𝗟𝗜𝗕𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗣𝗛 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗘𝗠𝗡𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗢𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗔𝗡 𝗢𝗡 𝗙𝗔𝗖𝗘𝗕𝗢𝗢𝗞, 𝗥𝗘𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗥𝗘𝗗𝗗𝗜𝗧, 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗢𝗥𝗗

The answer to online harms cannot simply be to ban the platforms where they occur.

The Liberal Youth strongly condemns the proposed blocking of Facebook and the threatened restrictions against Reddit and Discord, including the ongoing reports of an access disruption by Globe to the Discord website. While we recognize the legitimate responsibility of government and technology companies to address online exploitation, violent content, and threats to public safety, blanket restrictions are not a sustainable solution.

Banning one platform does not make these problems disappear. People will simply move to another platform, and the same harmful content and communities can follow them there. We risk creating a cycle where every new platform becomes the next target for restriction, without ever addressing the underlying problems.

Instead, the Government should propose long-term and rights-respecting digital regulatory policies that provides stronger platform accountability, stricter enforcement of child-safety and age-assurance measures, better digital and media literacy programs, and clear channels for government and platforms to respond to genuine threats across the digital space. 

We should regulate responsibly, not reactively. We should hold platforms accountable without unnecessarily restricting the millions of Filipinos who rely on them to communicate, learn, work, organize, and participate in public life. The goal should not be to make the internet smaller. It should be to make it safer, freer, and more accountable.

'𝗪𝗔𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗦𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡. 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗬 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡!Ngayong araw, nagsumite sa Malacañang ang Liberal Youth kasama ang...
22/09/2026

'𝗪𝗔𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗦𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡. 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗬 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡!

Ngayong araw, nagsumite sa Malacañang ang Liberal Youth kasama ang Kilos Ko Youth, KASAPI coalition, Akbayan Youth, Build Youth, Kaya Natin Youth, Model SK Network, GoodGovPH, National Anti-Poverty Commission —Youth and Students Sectoral Council, at Student Council Alliance of the Philippines ng isang liham sa presidente na kumokontra sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang halalan ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo. Ito ay pangunahing paraan upang maipahayag ng mamamayan ang kanilang demokratikong pasya at mabigyan ng mandato ang mga pinunong magsisilbi sa kanila. Ang mandato ng isang lingkod-bayan ay nagmumula sa taumbayan, walang sino man ang may karapatan na ipagkait sa mamamayan ang pagkakataong pumili kung sino ang kanilang pagkakatiwalaan ng mandatong ito

Para sa kabataan, ang SK ay isang mahalagang oportunidad upang marinig ang ating mga boses, maisulong ang ating mga adhikain, at magkaroon ng pagkakataong pumili ng mga lider na tunay na kumakatawan sa ating mga komunidad.

Nananawagan at hinihimok ng Liberal Youth ang gobyerno ni Marcos Jr. na makinig sa boses ng kabataan. Huwag ipagkait sa mga Pilipino ang karapatang pumili!

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗠𝗢𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢Limampu’t apat na taon na ang nakalipas mula nang ideklara ni Ferdinand Marcos...
21/09/2026

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗠𝗢𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢

Limampu’t apat na taon na ang nakalipas mula nang ideklara ni Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar, ngunit ang bigat nito ay pasan-pasan pa rin ng sambayanang Pilipino hanggang ngayon.

Habang pinag-aawayan ng mga nasa itaas kung sino ang mas makapangyarihan, ang taumbayan ang patuloy na naiipit. Hindi kathang-isip ang diktadura. Sa ilalim ng Batas Militar, pinaslang ang mga lider-manggagawang humihingi ng nakabubuhay na sahod. Minasaker ang mga magsasakang naggigiit ng sariling lupa. Kinulong ang mga kabataang nanindigan para sa kinabukasan. Ninakawan ng bilyun-bilyon ang kaban ng bayan habang kumakalam ang sikmura ng mga maralita.

Ngayon, pilit tayong pinapipili sa isang pekeng labanan: Marcos o Duterte. Pero para sa ating mga manggagawa, tsuper, magsasaka, at maralita, iisa lang ang mukha ng dalawang pamilyang ito: ang mukha ng pang-aabuso, panlilinlang, at kawalan ng pananagutan.

Habang nagbabanggaan sila para sa pwesto at pondo, walang apelyidong sumasagot sa daing ng tsuper na nalulunod sa presyo ng krudo, sa manggagawang naka-kontrata at kulang ang sweldo, at sa pamilyang walang mabili dahil sa taas ng presyo ng bigas at bilihin. Walang sinuman sa kanila ang tunay na kakampi ng masa.

Hindi natin kailangang pumili kung aling panginoon ang ating yuyukuran. Hindi kailanman naging bayani si Marcos Sr., at ang anumang pag-absuwelto sa korte ay hindi makapagbubura sa katotohanang may limpak-limpak na yamang ninakaw mula sa dugo at pawis ng taumbayan.

Sa kabilang banda, hindi rin dapat palusutin ang mga Duterte. Dapat silang humarap sa buong bigat ng batas. Bayaran ang mga buhay na inutang ng kanilang rehimen, at ipaliwanag ang bawat sentimong ginastos nang walang kalakip na resibo. Walang nakatataas sa batas.

Kapag hinayaan nating maghari ang mga pamilyang sanay sa dahas at nakaw na kapangyarihan, ang mga batayang sektor ang palaging nagbabayad.

Ang laban ngayon ay hindi Marcos laban sa Duterte. Ang laban ngayon ay ang nagkakaisang taumbayan laban sa mga mapang-abuso at mapagsamantala.

Ibalik ang ninakaw na yaman sa taumbayan! Never Forget. Never again.

Pwede ho bang magtanong???
21/09/2026

Pwede ho bang magtanong???



𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡! 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡! 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗙𝗢𝗥𝗚𝗘𝗧!Nagtipon sa EDSA Shrine ang Liberal Youth kasama ang iba’t iba...
20/09/2026

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡! 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡! 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗙𝗢𝗥𝗚𝗘𝗧!

Nagtipon sa EDSA Shrine ang Liberal Youth kasama ang iba’t ibang organisasyon at grupo: Akbayan Youth, Kaya Natin Youth, KASAPI Coalition, ATOM, PM Kabataan, at iba pa upang sama-samang gunitain ang kasaysayan at muling igiit ang mga panawagang hindi dapat malunod sa limot ng kahapon.

Iba-iba man ang bitbit na panawagan, iisa pa rin ang diwa: hindi mababaha ang katotohanan. Hindi dapat makalimutan ang diktadurya, korapsyon, at mga dinastiyang patuloy na kumakapit sa kapangyarihan.

Never Again, Never Forget. Ituloy ang BSKE 2026. Dapat may halalan.

Hindi tayo makakalimot. Hindi tayo tatahimik. Hindi mababaha ang katotohanan.




𝘼𝙁𝙁𝙊𝙍𝘿 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙍𝙈𝙈 𝘼𝙉𝙂 𝘿𝙀𝙈𝙊𝙆𝙍𝘼𝙎𝙔𝘼 𝘼𝙏 𝙆𝘼𝙋𝘼𝙔𝘼𝙋𝘼𝘼𝙉Ngayong International Day of Democracy, ipinagdiriwang natin ang matagumpay ...
15/09/2026

𝘼𝙁𝙁𝙊𝙍𝘿 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙍𝙈𝙈 𝘼𝙉𝙂 𝘿𝙀𝙈𝙊𝙆𝙍𝘼𝙎𝙔𝘼 𝘼𝙏 𝙆𝘼𝙋𝘼𝙔𝘼𝙋𝘼𝘼𝙉

Ngayong International Day of Democracy, ipinagdiriwang natin ang matagumpay na halalan para sa unang Parliamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na isang mahalagang hakbang sa patuloy na paghubog ng isang mas inklusibo, kinatawan, at demokratikong Bangsamoro.

Nasa kamay na ng mga bagong halal na kinatawan ang pagkakataong bumuo hindi lamang ng isang matatag na Parliamento, kundi ng mga tulay sa pagitan ng iba't ibang partido, sektor, at komunidad sa rehiyon, gamit ang mapayapang diyalogo upang maitaguyod sa BARMM ang isang pamahalaang inklusibo at naka angkla sa mithiin ng demokrasya, kalayaan, at kaunlaran ng mga Moro, Lumad, at iba pang Mindanawon.

Nawa'y maging simula ang bagong kabanatang ito ng mas matatag na demokratikong pamamahala, mas malawak na partisipasyon, at isang pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.

Address

Makati

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liberal Youth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Liberal Youth:

Shortcuts

Share