07/06/2026
π’ MAHALAGANG PAALALA SA PAGBUBUKAS NG KLASE BUKAS!!!
Magandang araw, mahal naming mga magulang, tagapag-alaga, at mag-aaral ng Makilala Central Elementary School!
Bukas, Lunes, June 8, 2026, ay ang opisyal na pagbubukas ng klase para sa School Year 2026β2027.
Alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026 o ang Guidelines on the Implementation of the Three-Term School Calendar in Basic Education, ang unang linggo ng klase ay bahagi ng Opening Block. Ito ay ilalaan para sa mahahalagang gawain sa pagsisimula ng taon-panuruan tulad ng:
β
Oryentasyon ng mga mag-aaral at magulang;
β
Learner profiling at pagsasaayos ng mga talaan ng mag-aaral;
β
Initial assessment/screening ng mga mag-aaral;
β
Pagpapakilala sa mga g**o, silid-aralan, at mga tuntunin sa paaralan;
β
Mga paalala sa kaligtasan, kalusugan, disiplina, at maayos na pagpasok sa paaralan.
Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na makiisa at sundin ang mga sumusunod na paalala:
π 1. Pumasok nang maaga.
Dumating sa paaralan bago ang itinakdang oras upang maiwasan ang pagmamadali at siksikan sa gate.
π 2. Magsuot ng maayos at angkop na kasuotan.
Maaaring magsuot ng uniporme kung mayroon na. Kung wala pa, magsuot ng malinis, disente, at angkop na damit para sa paaralan.
π 3. Dalhin ang pangunahing gamit sa pag-aaral.
Magdala ng bag, notebook, lapis/ballpen, papel, tubig, at sariling pagkain o baon kung kinakailangan.
π 4. Makinig at makiisa sa orientation at iba pang gawain.
Mahalaga ang unang linggo upang malaman ng mga bata at magulang ang mga patakaran, iskedyul, at inaasahang gawain sa paaralan.
π 5. Panatilihin ang kalinisan at kaayusan.
Itapon ang basura sa tamang lalagyan at pangalagaan ang kapaligiran ng paaralan.
π 6. Paalala sa mga magulang at tagapaghatid.
Ihatid at sunduin ang mga bata sa tamang lugar na itatalaga ng paaralan. Iwasan ang matagal na pagtigil sa gate upang mapanatili ang maayos na daloy ng pagpasok at paglabas.
Ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang maging maayos, ligtas, at makabuluhan ang unang linggo ng klase.
Malugod naming sasalubungin ang lahat ng mag-aaral ng Makilala Central Elementary School!
Welcome back to school, Batang MCES! ππ