22/09/2026
Agad na nagsagawa ng clearing operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) of Malabang matapos ang isang puno na malapit ng matumba sa kalsada sa Barangay BPS Village, na nagdulot ng pansamantalang pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Mabilis na inalis ng MDRRMO responders ang mga sanga at bahagi ng puno na nakaharang sa daanan upang muling maging maayos at ligtas ang pagdaan ng mga motorista at residente.
Patuloy ang MDRRMO Malabang sa maagap na pagtugon sa mga insidente at road obstructions upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at accessibility ng mga pangunahing daanan sa ating bayan.