14/08/2026
MALABUEÑO, GAANO KALALIM ANG FILIPINO MO?
Mula sa mga kuwentuhan sa tahanan at barangay hanggang sa mga kuwentong bumubuo sa ating kultura at kasaysayan, bahagi ng araw-araw nating buhay ang wikang Filipino.
Ngayong Buwan ng Wika, subukan naman natin kung gaano kalawak ang bokabularyo ng mga Malabueño! 📖
Kaya mo bang hulaan ang kahulugan ng limang salitang ito?
🔹 alimúom
🔹 marahuyò
🔹 pagsamò
🔹 marilág
🔹 gunitâ
Tingnan ang mga pagpipilian sa larawan at i-comment ang inyong sagot.
Abangan sa susunod nating post ang tamang sagot at kilalanin pa natin ang kuwento at kahulugan sa likod ng bawat salita.