City Budget Department

City Budget Department Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Budget Department, Public & Government Service, F. Sevilla Boulevard, San Agustin, Malabon City, Malabon.

01/06/2026

🌧️ WEATHER UPDATE | Tropical Cyclone | June 1, 2026

Asahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila, Kabilang ang Lungsod ng Malabon.

Batay sa inilabas na Impact-Based Warning No. 2 ng PAGASA, inaasahan ang patuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat (Southwest Monsoon) ng Tropical Cyclone β€œDOMENG” mula Hunyo 1 hanggang 3, 2026 (Lunes hanggang Miyerkules). Nasa ilalim ng β€œMinor Impact” risk level ang Metro Manila, kabilang ang Malabon. Gayunpaman, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto dahil maaari pa ring makaranas ng mga pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon.

πŸ’‘ Patuloy na makibalita sa susunod na tropical cyclone bulletin ng PAGASA.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan.

Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:

πŸ“ž Malabon Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588
πŸ“ž TXT MJS
0917-689-8657/225687


01/06/2026
01/06/2026
31/05/2026

PAALALA | PUBLIC HEARING BUKAS NA

Bukas na gaganapin ang Joint Public Hearing ukol sa panukalang ordinansa laban sa paggamit ng pekeng, falsified, tampered, at expired na PWD ID sa Lungsod ng Malabon.

Inaanyayahan ang publiko na dumalo at makibahagi sa talakayan.

πŸ“… Hunyo 1, 2026
πŸ• 1:00 PM
πŸ“ Session Hall, 6th Floor, Malabon City Hall

Ang inyong opinyon at mungkahi ay mahalagang bahagi sa pagbuo ng makatarungan at epektibong ordinansa para sa mga lehitimong Persons with Disability sa ating lungsod.

31/05/2026

MGA KASAPI NG HEALTH SECTOR AT MEDICAL COMMUNITY, MAKILAHOK SA PAGDINIG PAMBAYAN UKOL SA REGULASYON NG PWD ID

Bilang bahagi ng sektor na tumutulong sa Persons with Disability, mahalaga ang inyong pananaw sa panukalang ordinansa laban sa paggamit ng:

β€’ Pekeng PWD ID
β€’ Pinalsipikang ID
β€’ Tampered ID
β€’ Expired na PWD ID

Layunin ng ordinansa na mapanatili ang integridad ng mga benepisyong nakalaan para sa mga lehitimong PWD at maiwasan ang pang-aabuso sa sistema.

Inaanyayahan ang mga healthcare workers, clinics, hospitals, pharmacies, at iba pang bahagi ng medical community na magbahagi ng kanilang rekomendasyon at karanasan upang makatulong sa pagbuo ng mas epektibong polisiya para sa lungsod.

πŸ“… Hunyo 1, 2026
πŸ• 1:00 PM
πŸ“ Session Hall, 6th Floor, Malabon City Hall

31/05/2026

Address

F. Sevilla Boulevard, San Agustin, Malabon City
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Budget Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share