Konsehala Sonia Lim

Directions Contact the organization

Konsehala Sonia Lim Serbisyong Lim �
Lungsod ng Malabon

Tuloy-tuloy ang serbisyo para sa kapakanan ng Kabataang Malabueño 💙Ang inyo pong lingkod ay lubos na sumusuporta sa laha...
10/09/2026

Tuloy-tuloy ang serbisyo para sa kapakanan ng Kabataang Malabueño 💙

Ang inyo pong lingkod ay lubos na sumusuporta sa lahat ng magagandang program ng ating pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayora Jeannie Sandoval na mas matutukan ang ating kabataan lalo na sa usapin ng Mental Health Awareness, pangangalaga sa kanilang kalusugan, safety and security pati ang tungkol sa teenage pregnancy.

Mga bagay na hindi gaanong natatalakay ngunit importanteng mabigyan ng pansin dahil sa pang kasalukuyang mga nagaganap sa lipunan. Nawa'y maraming natutunang mahahalagang bagay ang ating kabataan sa nangyaring online lectures and talks. Salamat po sa masisipag na Principals, Teachers, Faculty and City Health Staffs and Lecturers sa puso at tiyaga sa pagseserbisyo.



Isang maligayang pagbati sa Gabay Kapansanan Malabon City Federation, Inc. para sa inyong ika-20  Anibersayo 🎉 Kami po m...
06/09/2026

Isang maligayang pagbati sa Gabay Kapansanan Malabon City Federation, Inc. para sa inyong ika-20 Anibersayo 🎉

Kami po mula sa konseho at pamahalaang Lungsod ng Malabon ay lubos na sumusuporta sa lahat ng inyong magagandang gawain at programa. Nawa'y mas lalo pa po kayong gabayan sa inyong hangarin at mas marami pang kababayan nating Person with Disability ang inyong maabot at matulungan 💙


Pag-alala sa ating Lokal na Bayaning Malabueño,  Epifanio Delos Santos 💙🫡Gamit ang kanyang talino at kakayahan ay ipinam...
31/08/2026

Pag-alala sa ating Lokal na Bayaning Malabueño, Epifanio Delos Santos 💙🫡

Gamit ang kanyang talino at kakayahan ay ipinamalas nya sa kanyang mga likha sa literature at publication ang pagnanais na makamit ang reporma sa edukasyon, kalayaan at pag-unlad ng ating komunidad. Salamat po sa inyong puso at dedikasyon para sa bayan!

Salamat po sa Knights of Columbus and Daughters of Mary Immaculate- Sacred Heart Tugatog sa pag oorganisa ng ganitong programa.


National Heroes Day 🫡💙Paggunita at pag-alala sa ating mga bayaning nagbuwis ng oras, talino at buhay para ipaglaban ang ...
31/08/2026

National Heroes Day 🫡💙

Paggunita at pag-alala sa ating mga bayaning nagbuwis ng oras, talino at buhay para ipaglaban ang ating bansa. Patuloy po naming aalalahanin ang inyong ngalan at mga ginawa upang magbigay inspirasyon at lakas para sa pang araw araw na laban sa buhay.

Saludo po kami sa Inyo!


Maligayang Kapistahan Apostol San Bartolome 🎉☺️
24/08/2026

Maligayang Kapistahan Apostol San Bartolome 🎉☺️

⛪️ 412 TAON NG PANANAMPALATAYA AT DEBOSYON KAY APOSTOL SAN BARTOLOME

Ngayong Agosto 24, ipinagdiriwang ng Malabon ang ika-412 taong Kapistahan ni Apostol San Bartolome, patron ng lungsod at isa sa Labindalawang Apostol ni Hesukristo.

Sa kanyang buhay bilang Apostol, ipinamalas ni San Bartolome ang katatagan sa pananampalataya, katapatan sa kanyang misyon, at kababaang-loob sa paglilingkod. Buong tapang niyang ipinahayag ang Ebanghelyo at nanatiling tapat kay Kristo hanggang sa kanyang pagiging martir.

Ito ang diwang binibigyang-buhay ng pagdiriwang ngayong taon sa temang “Apostol San Bartolome: Biyaya ng Katatagan, Katapatan, at Kababaang-loob.”

Sa mahigit apat na siglong debosyon, patuloy nawa itong maging paalala sa bawat Malabueño na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng matatag na paninindigan, tapat na paglilingkod, at pusong marunong magpakumbaba at kumalinga sa kapwa.

Viva San Bartolome! Maligayang ika-412 Kapistahan, Malabueños! 🙏💙

🏘📜 BARITAN DAHIL SA DAMONG “BARET”? TINAJEROS DAHIL SA MGA TAPAYAN? ALAMIN ANG KUWENTO SA PANGALAN NG ATING MGA BARANGAY...
24/08/2026

🏘📜 BARITAN DAHIL SA DAMONG “BARET”? TINAJEROS DAHIL SA MGA TAPAYAN? ALAMIN ANG KUWENTO SA PANGALAN NG ATING MGA BARANGAY!

Bawat pangalan ng barangay sa Malabon ay may kuwentong nag-uugnay sa atin sa nakaraan. May mga pangalang nagmula sa halaman at puno, mayroon sa anyo at lokasyon ng lugar, habang ang iba naman ay may kaugnayan sa kabuhayan, pananampalataya, at mga kuwentong ipinasa ng mga naunang Malabueño.

Halimbawa, ang Baritan ay iniuugnay sa baret, isang uri ng damong dating sagana sa lugar at ginagamit na pagkain ng mga kabayo. Ang Tinajeros naman ay nagmula sa tinajas o mga tapayan na dating ginagawa sa lugar. Samantala, ang Tugatog ay tumutukoy sa mataas o nakaangat na lugar, na angkop sa lokasyon nitong mas mataas kumpara sa maraming bahagi ng Malabon.

At hindi lang sila ang may kuwento.

Ngayong Buwan ng Kasaysayan, balikan natin ang pinagmulan ng mga pangalan ng 21 barangay ng Malabon at tuklasin kung paano naitala sa mga pangalang ginagamit natin hanggang ngayon ang dating anyo, pamumuhay, kultura, at kasaysayan ng ating lungsod.

Dahil ang kasaysayan ng Malabon ay hindi lamang matatagpuan sa mga lumang larawan at dokumento. Nasa mga pangalan din ito ng mga lugar na tinatawag nating tahanan.

SOCA 2026 | Lungsod ng Malabon Isang progresibo at hitik na pag-uulat ng mga nagawa, ginagawa at gagawin pa para sa laha...
30/07/2026

SOCA 2026 | Lungsod ng Malabon

Isang progresibo at hitik na pag-uulat ng mga nagawa, ginagawa at gagawin pa para sa lahat ng kapwa Malabueño. Salamat Mayor Jeannie Sandoval sa Isang komprehensibong pag-uulat sa bayan ng Malabon at nawa'y patuloy tayong umusbong at magtulong- tulong sa mas pinatatag pang bukas! 💙☺️




Isang taos-pusong pagbati sa Iglesia ni Cristo sa kanilang pagdiriwang ng ika-112 taong Anibersaryo ng pagkakatatag nito...
26/07/2026

Isang taos-pusong pagbati sa Iglesia ni Cristo sa kanilang pagdiriwang ng ika-112 taong Anibersaryo ng pagkakatatag nito. ☺️💙

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng karunungan, lakas, at pagkakaisa sa pagpapatuloy ng inyong mga adhikain at paglilingkod. Hangad namin ang patuloy na kapayapaan, kaunlaran, at tagumpay ng inyong samahan, gayundin ang mas marami pang taon ng paglilingkod at mabuting impluwensya sa lipunan.☺️



Happy Fiesta - St. Peter and St. John Parish 🎉Brgy. Potrero MalabonKami po ay patuloy nyong gabayan at palakasin sa araw...
27/06/2026

Happy Fiesta - St. Peter and St. John Parish 🎉
Brgy. Potrero Malabon

Kami po ay patuloy nyong gabayan at palakasin sa araw-araw na hamon ng buhay. Salamat po sa patuloy na pagpapala at biyaya. 💙



Happy Father's Day po 😊💙Salamat po sa mga ama ng tahanan na walang sawang tumataguyod sa kanilang pamilya at buong puso ...
21/06/2026

Happy Father's Day po 😊💙

Salamat po sa mga ama ng tahanan na walang sawang tumataguyod sa kanilang pamilya at buong puso na nagbibigay ng kalinga at pagmamahal. Saludo po kami sa inyong tatag upang magbigay ng magandang bukas para sa inyong mga pamilya.

Sa aking asawa at anak, Happy Father's Day at mahal ko kayo 😊


Address

District 2
Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehala Sonia Lim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Konsehala Sonia Lim:

Shortcuts

Share

Category