Malabon City Gender and Development - GAD Office

Malabon City Gender and Development - GAD Office This is the official page of the
Gender and Development Office
of the City Government of Malabon GAD MISSION:
Malabon, Ahon! GAD GOALS:
1.

GAD VISION:

Lungsod na kumikilala, kumakalinga, at rumi-respeto sa pantay-pantay na karapatan at kakayahan ng bawat Malabueño, ano man ang kanilang kasarian. Alisin ang diskriminasyon para sa tuloy-tuloy na pagsulong! Equitable, gender-sensitive healthcare, and social services for all Malabueños

2. Strengthened programs and policies that will improve the well-being of every Malabueño

3. Increased participation of women and the LGBT+ community.

4. Increased gender awareness and sensitivity.

30/08/2026

ANUNSIYO | Alinsunod sa Proclamation No. 1006 s. 2006, idineklarang regular holiday ng Malacañang ang Agosto 31, 2026, Lunes bilang paggunita sa National Heroes Day (Araw ng mga Bayani).

Kaugnay nito, walang pasok sa lahat ng paaralan at maging sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan. Samantala, mananatili namang operational ang mga opisinang kabilang sa health, emergency at disaster response.



29/08/2026
29/08/2026
26/08/2026
26/08/2026

MAYNILAD ADVISORY | Magkakaroon ng scheduled water service interruption ang Maynilad mula Agosto 25 (Martes) ika-10 ng gabi hanggang Agosto 26 (Miyerkules), ika-5 ng umaga sa Barangay Acacia, Baritan, Bayan-bayan, Catmon, Concepcion, Dampalit, Flores, Hulong Duhat, Ibaba, Maysilo, Muzon, Niugan, Panghulo, Potrero, San Agustin, Santulan, Tañong, Tinajeros, Tonsuya, Tugatog.

Ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ay dulot ng network maintenance activity ng Maynilad sa Gov. Pascual mula Pinagtipunan hanggang M.H. Del Pilar, Malabon City.

Pinapayuhan ang lahat ng residente na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig upang maiwasan ang abala habang isinasagawa ang mga naturang gawain.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.


25/08/2026

🫁MATAGAL NA UBO? HUWAG IPAGWALANG-BAHALA, MAGPA-CHECK NA!

Samantalahin ang LIBRENG CHEST X-RAY at TUBERCULIN SKIN TEST (PPD TEST) bilang bahagi ng Tuberculosis Active Case Finding ng Malabon City Health Department.

📅 Kailan: Agosto 26, 2026 (Miyerkules)
🕗 Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Saan: Robinsons Malabon MH Del Pilar Parking Area, malapit sa Greenwich Entrance

👥 Para kanino?
Para sa mga 15 taong gulang pataas, lalo na sa mga nakararanas ng:
• Ubo na tumatagal nang higit 2 linggo
• Pagpapawis sa gabi
• Panghihina
• Pagbaba ng timbang

🎯 Layunin ng programang ito na maagang matukoy ang posibleng TB, makatulong na maiwasan ang pagkalat nito, at mabigyan ng tamang gabay at pangangalaga ang mga nangangailangan.

📌 PAALALA: Magdala ng isang (1) valid ID.

💙 Malabueño, huwag hintayin na lumala bago magpasuri! Ang maagap na pagpapatingin ay isang mahalagang hakbang para maprotektahan ang sarili, pamilya, at buong komunidad.


25/08/2026

♻️💙 Plastic na Basura, Gawing Dagdag Kita!

Mga Malabueño, ihanda na ang inyong mga PET bottles! Muling ilalapit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pangunguna ng CENRO, ang programang “Sa Plastic na Basura, May Kita Ka!” sa inyong komunidad.

📅 Agosto 27, 2026 (Huwebes)
📍 Dampalit Barangay Hall
🕗 8:00 AM – 12:00 NN

Halaga kada kilo ng PET bottles:
• Clear PET Bottles – ₱21.00
• Blue PET Bottles – ₱10.00
• Green PET Bottles – ₱10.00
• PET Bottle Ring/Cap – ₱20.00
• PET Bottle Label – ₱7.50

Bukas ang koleksyon para sa lahat ng 21 barangays ng Malabon! Kaya kahit hindi taga-Dampalit, maaari kayong makiisa sa programa.

Huwag nang itapon ang mga plastik na bote. Ipunin, dalhin, at gawing kita! Sama-sama nating bawasan ang plastic waste at panatilihing mas malinis at mas luntian ang Malabon.💙🌿

May kita na, nakatulong pa sa kalikasan!



Address

Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City Gender and Development - GAD Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share