29/08/2026
β οΈ LA MESA DAM, UMABOT NA SA 80.15-METER SPILLING LEVEL | MAGING HANDA SA PAGLIKAS
Umabot na sa 80.15 meters ang water level ng La Mesa Dam as of 1:50 PM ngayong Agosto 29, 2026, katumbas ng spilling level nito.
Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, hinihikayat ang mga MalabueΓ±o, lalo na ang mga nasa mabababang lugar, malapit sa mga ilog at daluyan ng tubig, at mga lugar na mabilis nang tinataasan ng baha, na manatiling alerto at lumikas patungo sa mas ligtas na lugar habang ligtas pang makalabas kung patuloy ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar.
Huwag nang hintaying maging mas malalim o mas malakas ang agos ng baha bago kumilos. Unahing mailikas ang mga bata, senior citizen, buntis, PWD, bedridden at mga may karamdaman.
Kung kinakailangang lumikas, dalhin ang mahahalagang gamot, IDs at dokumento, pagkain, tubig, damit, cellphone at charger.
Patuloy na mino-monitor ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang sitwasyon. Manatiling nakatutok lamang sa mga opisyal na abiso.
π Malabon City DRRMO Command Center: 8-921-6009 8-921-6029 0942-372-9891 0919-062-5588
π± TXTMJS: 0917-889-8657 / 225687
Unahin ang kaligtasan, MalabueΓ±o. Kung mabilis nang tumataas ang tubig sa inyong lugar, lumikas habang ligtas pang makalabas.