Malabon City Accounting Department

Malabon City Accounting Department The Official page of the Malabon City Accounting Department.

05/09/2026
05/09/2026

BAKASYON? MAG-INGAT SA MGA PINO-POST ONLINE!

Masaya magbahagi ng travel photos at videos online, pero ang real-time na pagpo-post ng iyong bakasyon ay maaaring magbigay ng impormasyon sa mga masasamang loob.

🔴 BAKIT DELIKADO ANG REAL-TIME POSTING?

📍 “Nandito kami!” = Maaaring walang tao sa bahay
Kapag ipinakita mong nasa labas ka ng lungsod o bansa, maaaring malaman ng iba na walang tao sa inyong bahay.

📅 Iwasang ibahagi ang eksaktong petsa ng alis at balik.
Kapag alam ng iba kung kailan kayo aalis at uuwi, mas madali nilang matutukoy kung kailan maaaring walang tao sa inyong tahanan.

📌 Mag-ingat sa geotagging.
Ang paglalagay ng eksaktong lokasyon sa iyong post ay maaaring magbigay ng impormasyon kung nasaan ka—at nagpapahiwatig na malayo ka sa iyong bahay.

☑ MAS LIGTAS NA PARAAN NG PAGBABAHAGI

⏳ POST PAGKABALIK NA SA BAHAY
I-share ang photos, videos at travel stories pagkatapos ng inyong biyahe.

🔒 AYUSIN ANG PRIVACY SETTINGS
Kung kailangang magbahagi habang nasa biyahe, limitahan ang makakakita sa mga taong pinagkakatiwalaan.

📍 PATAYIN ANG LOCATION/GEOTAGGING
I-disable ang location services sa camera at social media apps bago bumiyahe.

🛡️ TANDAAN:

Hindi kailangang ipakita online kung nasaan ka ngayon.
Ang pag-iingat sa impormasyong ibinabahagi natin online ay isang simpleng paraan upang makatulong na maprotektahan ang ating tahanan at pamilya laban sa krimen.

MAG-INGAT ONLINE. MAGING MAPANURI. PROTEKTAHAN ANG TAHANAN.

05/09/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon bukas, Sabado, Setyembre 5, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 225687 o 0917-889-8657.

05/09/2026
05/09/2026

📚💙 NGAYONG BUWAN, G**O NAMAN ANG BIDA!

Araw-araw, sila ang nasa likod ng bawat aral na natutuhan, pangarap na nabuo, at batang natutong maniwala sa sarili.

Kaya ngayong National Teachers’ Month, na ipinagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, tayo naman ang magbigay-pugay sa mga g**ong walang sawang nagtuturo, gumagabay, nakikinig, at nagmamalasakit sa kanilang mga mag-aaral.

Sa temang “Teacher, Ikaw Naman! (Teacher, It’s Your Turn!)”, panahon naman upang sila ang ating kilalanin, pasalamatan, at pahalagahan, hindi lamang bilang mga g**o, kundi bilang mga katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng bawat kabataang Malabueño.

Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga programang sumusuporta sa kapakanan, kakayahan, at patuloy na pag-unlad ng ating mga g**o.

Ngayong buwan, simpleng mensahe man, pasasalamat, o pagkilala, iparamdam natin sa kanila na ang bawat oras, pagod, at malasakit na kanilang ibinibigay ay nakikita at pinahahalagahan.

Mula sa buong Pamahalaang Lungsod ng Malabon, maligayang National Teachers’ Month sa lahat ng ating mga g**o! 👩‍🏫👨‍🏫💙

05/09/2026

🏥💙 MAS MALAWAK NA SERBISYO, MAS MALAPIT NA PAG-AALAGA SA MGA PASYENTE

Para kay OSMAL Chief of Hospital Dr. Jennifer Lim, ang bagong OSMAL Extension Building ay magbibigay ng mas maraming oportunidad upang matugunan sa Malabon mismo ang iba’t ibang pangangailangang medikal ng mga pasyente.

“Malaking tulong ang bagong OSMAL Extension dahil madaragdagan ang ating serbisyo, kabilang ang rehabilitation medicine at neurodevelopmental care, nang hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo ang mga pasyente.”

Kasabay ng pagbubukas ng bagong pasilidad, patuloy ding inihahanda ang iba pang pagpapahusay sa ospital upang mas marami pang serbisyo ang maihatid sa mga Malabueño.

“Parte pa lamang ito ng mga nakaplano nating dagdag na serbisyo para sa Ospital ng Malabon. Patuloy pa nating pagbubutihin at palalawakin ang ating serbisyo.”

Para kay Dr. Jennifer Lim, bawat dagdag na serbisyo sa OSMAL ay isang hakbang upang mas mailapit sa mga Malabueño ang pangangalagang kailangan nila.

Address

4th Flr. Malabon City Hall Bldg. , F. Sevilla Boulevard
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City Accounting Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Malabon City Accounting Department:

Shortcuts

Share