Aksyon Kabataan

Aksyon Kabataan AKSYON KABATAAN

We support Serbisyong Buong Puso ❤️
07/10/2024

We support Serbisyong Buong Puso ❤️

Serbisyong May Puso ❤️❤️❤️
07/10/2024

Serbisyong May Puso ❤️❤️❤️

I dream big for Malabon City...

At itong pangarap na ito pushed me to run for MAYOR. Ngayong araw, opisyal na po tayong naghain ng kandidatura bilang MAYOR sa Lungsod ng Malabon.

Maraming proyekto, programa, at serbisyo na nararapat matanggap ng Malabon na will surely lead us sa pag-unlad. Tulad ng aking sinabi, malaki ang pangarap ko sa Malabon at dahil diyan, malinaw ang bawat hakbang na nais nating gawin kasama ang Team para sa progresong nararapat sa Malabon kabilang po diyan ay ang hangarin ko na maging maginhawa ang inyong mga buhay.

Kaya naman, we pledge to continue our na puno ng katapatan sa tungkulin at puso para sa ating Lungsod at higit sa lahat sa inyo. Handa kaming magsilbi nang buong puso, at walang pag-aalinlangan para sa iyo, mahal kong Malabon!

Maraming salamat sa supporters, friends, & family for joining us today. ❤️

Happy Filipino Youth Day!! ❤️❤️❤️
19/06/2024

Happy Filipino Youth Day!! ❤️❤️❤️

Mabuhay ang mga Kabataang Pilipino! 🇵🇭❤️

Ngayon po ay at kaarawan ng ating National Hero na si Dr. Jose Rizal, mahal kong Malabon.

Ika nga ni Dr. Jose Rizal, 'Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan', at naniniwala po tayo diyan kaya patuloy nating mahalin, hubugin, gabayan, at i-inspire ang young generations para sa kanilang magandang kinabukasan at ng ating mahal na bayan. 😊 ❤️

Maligayang KaarawanSK Kagawad April Joy Sauza!ang iyong kasipagan sa pag aaral  at dedikasyon sa iyong tungkulin ay isan...
01/04/2024

Maligayang Kaarawan
SK Kagawad April Joy Sauza!
ang iyong kasipagan sa pag aaral at dedikasyon sa iyong tungkulin ay isang inspirasyon para sa kabataan.

Nawa'y bigyan kapa ng magandang kalusugan upang maipagpatuloy mo ang iyong adhikain sa kabataan.

Happy Birthday! From your Aksyon Family

BIRTHDAY Christian Miguel "ian" Ferrer Maligayang Kaarawan sa ating bagong SK Kagawad  Ian Ferrer pagpatuloy mo lang ang...
07/01/2024

BIRTHDAY Christian Miguel "ian" Ferrer

Maligayang Kaarawan sa ating bagong SK Kagawad Ian Ferrer pagpatuloy mo lang ang pagiging inspirasyon sa bawat kabataan hangad namin ang iyong kaligayahan at malusog na kalusugan.

May we all have a prosperous Christmas 😊Merry Christmas everyone! 🌲🎁🧧
25/12/2023

May we all have a prosperous Christmas 😊

Merry Christmas everyone! 🌲🎁🧧

Having a quality time with our best ones.💛
27/11/2023

Having a quality time with our best ones.💛

Isang Maganda at pinagpalang araw po sa bawat isa!✨ Ang halalan ito ay isang magandang karanasan sa bawat isa, na punong...
07/11/2023

Isang Maganda at pinagpalang araw po sa bawat isa!✨

Ang halalan ito ay isang magandang karanasan sa bawat isa, na punong puno ng mga aral at masasayang alaala. May mga nabuong pagkakaibigan, at samahan na hindi inaasahan. May mga pangarap at hangaring nabuo, at may mga tinig na napakinggan.

Hindi naging madali ang halalan na ito sa bawat isa, may napagod, nasaktan, nasugatan, naging masaya, nalungkot, kinabahan may mga tensyon at 'di pagkakaunawaan at marahil mayroon din saatin ang nahirapan sa pagpili kung sino ba ang dapat na iboto. Iba't iba at halo halo man ang emosyon na ating naramdaman ito ay patunay lamang na mayroon tayong hangarin at magandang mithiin para sa ating barangay.

Kami po ng AKSYON KABATAAN ay lubos na nagpapasalamat sa suporta, tiwala, sa mga ngiti at sa pagmamahal ng bawat isa, salamat po sa pagsama saamin mula day 1 ng aming campaign hanggang sa mag bilangan ng mga boto ay hindi nyo po kami iniwan.

Una po sa lahat ay nais naming magpasalamat sa ating manlilikha na nagbigay ng lakas, biyaya, pangarap at ng mga taong makakasama namin sa lakbaying ito. Salamat po Lord, Ikaw po ang Siyang Higit sa lahat.✨

Sa ating butihing kapitan Jun Claro, lubos po ang aming pasasalamat sa inyong kabutihan. Salamat po sainyong tiwala, suporta at mga payo ito po ay aming babaunin sa bawat laban na aming gagawin.

Saaming mga magulang, kapatid at kaibigan, Salamat po sainyong pagmamahal at walang katapusang suporta, kayo ang aming naging takbuhan at sandalan sa bawat araw na nag daan, salamat po sainyo.

Sa aming mimi mhina at ate mcdo, Salamat po sa pag bibigay ng inyong 101% na tiwala, suporta, at pagmamahal. Salamat po sa pagbibigay ng inyo oras, sa pakikinig at sa mga pangaral.

At sa mga taong aming nakakasama hindi man po namin mabanggit ang mga pangalan nyo isa isa ay lubos po kaming nagpapasalamat sainyo, sa walang sawang pagsama nyo po sa aming kampanya, sa inyong lakas, boses at sa mga nilaang oras at panahon upang kami ay samahan.

At sainyo pong lahat, baranggay Ibaba. Mahal po namin kayo! Salamat po sa pag tanggap ninyo saamin, sa mga ngiti na inyong ipinakita at sa mga pangarap na inyong ibinahagi saamin.

Ang salitang Salamat po ay hindi sapat, upang ipadama sainyo kung gaano kaming pinagpala dahil sa mga buhay nyo po. Wala po kaming kakayahaan upang ibalik ang kabutihan ng bawat isa po sainyo ngunit naniniwala po kami na ang Lord ang Siyang magbabalik ng biyaya at pagpapala sainyo pong lahat.

Hindi man po kami pinalad ay asahan nyo parin po ang aming aksyon, at ang aming serbisyo para sa kabataan at sa barangay ibaba dahil na niniwala po kami na hindi hadlang ang posisyon upang maglingkod. Asahan nyo parin po ang aming tapat na serbisyo at ang aming hakbang para tumulong at upang sama sama tayong magtagumpay!

Congratulations sa ating bagong halal na Sk Chairman Vien Martin At sa mga Sk Kagawad, masaya kami para sainyo! Asahan ninyo ang aming suporta, gamitin nating oportunidad ito upang ibalik ang tiwalang ibinigay nila saatin, pagsilbihan natin ang bawat isa ng may pagmamahal, gaya ng kung paano nila tayo tinanggap. Pagpapala at dalangin namin ang inyong tagumpay!

Congratulations sa aking mga kagawad Ian Ferrer & Aj Sauza nawa'y ipagpatuloy nyo ang inyong mabuting hangarin para sa ating Kabataan naniniwala kami sainyong kakayahan, proud kami sainyo!

Muli, Kami po ang Aksyon Kabataan. Maraming maraming Salamat po sa inyong lahat!✨

Salamat sa napaka sayang gabi Happy Fiesta! Barangay ibaba 💚💛TaRANA! VON VON RANA
28/10/2023

Salamat sa napaka sayang gabi
Happy Fiesta! Barangay ibaba 💚💛

TaRANA! VON VON RANA

Maraming Salamat sa napaka init na supporta kabataang Ibaba. Maligayang Kapistahan sa ating Mahal na Patron, SAN JUDAS T...
28/10/2023

Maraming Salamat sa napaka init na supporta kabataang Ibaba.

Maligayang Kapistahan sa ating Mahal na Patron, SAN JUDAS TADEO.

TaRANA!



27/10/2023

Ipagpapatuloy natin ang magandang hangarin para sa kabataan. Magiging lakas tayo ng bawat isa upang maging isang kabataan tayong nag kakaisa.

Maraming Salamat Kabataang Ibaba.

TaRANA!

Address

BARANGAY IBABA
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aksyon Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share