04/09/2026
DOH: TANDAAN ANG MGA DAPAT GAWIN KONTRA LEPTOSPIROSIS
Ang sintomas ng Leptospirosis ay maaaring lumabas hanggang 14 na araw pagkatapos lumusong sa baha. Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na ospital o YAKAP Clinic.
Tandaan ang mga sumusunod para maprotektahan ang sarili laban sa sakit:
๐ดLumusong sa baha (may sugat man o wala): Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o YAKAP Clinic para sa pagpapa-reseta at tamang gabay sa pag-inom ng antibiotic.
๐ก Hindi lumusong pero may sugat: Iwasan ang paglusong sa baha at takpan ang sugat ng waterproof bandage.
๐ข Hindi lumusong at walang sugat: Iwasan ang pagsulong sa baha hanggaโt maaari. Kung hindi maiiwasan, magsuot ng bota.
โ ๏ธ Mahalagang paalala: Kailangan ang tamang reseta ng doktor upang makakuha ng gamot para sa Leptospirosis.
Patuloy na mag-ingat ngayong tag-ulan.
DOH: TANDAAN ANG MGA DAPAT GAWIN KONTRA LEPTOSPIROSIS
Detalye sa comment section.