Kap. Alma Buenaventura

Kap. Alma Buenaventura Tañong, Level Up!

NATIONWIDE SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL • ACTIVE ATTACK INCIDENTSNgayong Setyembre 3, 2026, nakiisa ang Pamahalaang ...
03/09/2026

NATIONWIDE SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL • ACTIVE ATTACK INCIDENTS

Ngayong Setyembre 3, 2026, nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Tañong, sa pakikipagtulungan ng Tañong Integrated School, sa isinagawang Nationwide Simultaneous School Safety Drill (NSSSD) na nakatuon sa paghahanda at wastong pagtugon sa mga posibleng Active Attack Incidents sa loob o paligid ng paaralan.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, school personnel, at mga katuwang na responders sakaling magkaroon ng insidenteng nagbabanta sa buhay at kaligtasan ng mga nasa paaralan. Binigyang-diin sa pagsasanay ang kahalagahan ng pagiging alerto, pagpapanatili ng kalmado, pagsunod sa mga itinalagang safety protocols, at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Sa panahon ng drill, isinagawa ng school community ang mga itinakdang emergency response procedures, kabilang ang agarang pagpunta sa ligtas na lugar, pagsunod sa mga tagubilin ng school authorities, maayos na paglikas kung ito ay ligtas at ipinag-utos, at pagpapanatili ng disiplina upang maiwasan ang panic at kalituhan.

Naging mahalaga rin ang pakikilahok ng Pamahalaang Barangay ng Tañong sa pamamagitan ng koordinasyon at suporta sa paaralan upang masig**o ang maayos na pagsasagawa ng drill. Ang aktibidad ay nagsilbing pagkakataon upang masukat ang kahandaan, koordinasyon, komunikasyon, at pagtutulungan ng paaralan at barangay sa panahon ng isang emergency situation.

Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents. Nakatulong ito upang higit na mapalawak ang kamalayan ng school community tungkol sa kahalagahan ng kahandaan at wastong pagtugon sa mga emergency. Pinagtibay rin ng aktibidad ang ugnayan ng Tañong Integrated School at Pamahalaang Barangay ng Tañong tungo sa paglikha ng isang mas ligtas, handa, at responsableng komunidad ng paaralan.

“Maging Handa, Manatiling Kalmado, at Unahin ang Kaligtasan.”

Pamahalaang Barangay ng Tañong
Lungsod ng Malabon

Healing Out Loud ✨🤍Hindi man naging maayos at tama ang kanilang mga naging desisyon sa nakalipas na panahon ng kanilang ...
02/09/2026

Healing Out Loud ✨🤍

Hindi man naging maayos at tama ang kanilang mga naging desisyon sa nakalipas na panahon ng kanilang buhay, posible pa rin ang mangarap na mabago at maisaayos para sa susunod na bukas. Yan ang pinatutunayan ng ating mga surrenderies na PWUD o Person Who Used Drug matapos ang kanilang counselling kasama si Pastor Ejayson Cauba nitong Miyerkules, September 2, 2026. Ang counselling na ito ay isa sa mga hakbang upang matulungan ang mga PWUD na tuluyang maialis sa kanilang sistema ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at maisaayos muli ang kanilang buhay.

Kaya sa ating mga surrenderies, Fighting! Nandito lang kami sa inyong likuran upang kayo ay suportahan. 💛❤️

Dulot ng biglaang pagkawala ng supply ng tubig ngayong araw, Martes, September 1, 2026, ang Maynilad Water Tank kasama  ...
01/09/2026

Dulot ng biglaang pagkawala ng supply ng tubig ngayong araw, Martes, September 1, 2026, ang Maynilad Water Tank kasama ang ating Fire truck ay nag-ikot sa ating barangay upang magbigay ng rasyon ng tubig. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin pong kinukumpuni ang nasirang tubo sa San Agustin.

Salamat sa mga bayani ng kahapon at ngayon. 🇵🇭✨May kani-kanyang anyo man ang kabayanihan, iisa ang ating hangarin: ang m...
31/08/2026

Salamat sa mga bayani ng kahapon at ngayon. 🇵🇭✨

May kani-kanyang anyo man ang kabayanihan, iisa ang ating hangarin: ang maglingkod, magmalasakit, at maging liwanag sa ating kapwa. Nawa’y maging inspirasyon ang kanilang tapang at sakripisyo upang patuloy nating ipaglaban ang mas maliwanag at makatarungang kinabukasan para sa ating bayan.

Maligayang Araw ng mga Bayani!

WEATHER ADVISORY ⛈️Nakataas pa rin po sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila. Pinapayuhan po ang lahat na maging al...
29/08/2026

WEATHER ADVISORY ⛈️

Nakataas pa rin po sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila. Pinapayuhan po ang lahat na maging alerto anumang oras. Para sa ating mga ka-barangay na nakatira malapit sa ilog, agad po tayonglumikas kung kinakailangan. Bukas po ang ating barangay sa anumang tulong na inyong kailangan.

FLOOD ADVISORY | 08/28/2026| As of 2 PMDulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan ngayong araw, Biyernes, August 28, 2026, ilang b...
28/08/2026

FLOOD ADVISORY | 08/28/2026| As of 2 PM

Dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan ngayong araw, Biyernes, August 28, 2026, ilang bahagi po ng ating kalsada ang kasalukuyang may baha partikular sa Adante at Rivera Street. Samantala, nananatiling mababa pa rin po ang level ng tubig ng ating mga ilog.

Bagama't mababa ang tubig-baha sa nasabing dalawang kalsada, ang ating pong pumping station ay patuloy na gumagana.

Mag-ingat po tayong lahat, mga ka-barangay!

Ulat at Litrato mula kay: SPO Joseph

LISTONG BARANGAY FORUM 2026 ✨Tayo po ay dumalo kasama ang barangay council na sina Kag. Ferdie Legaspi, Kag. Vicky Nicol...
28/08/2026

LISTONG BARANGAY FORUM 2026 ✨

Tayo po ay dumalo kasama ang barangay council na sina Kag. Ferdie Legaspi, Kag. Vicky Nicolas, Kag. Vincent Fernandez, Kag. Myca Cipriano at Kag. Jonathan Ortega sa ginanap na Listong Barangay Forum - Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees na may temang "Handa ang Barangay, Ligtas ang Pamayanan" noong August 25-26, 2026 sa The Selah Garden Hotel, Pasay City.

Ang programang ito ay mula sa Department of Interior and Local Government - Malabon (DILG) kung saan pinalalakas ang kaalaman ng bawat barangay ukol sa paghahanda tuwing may mga kalamidad gaya na lamang ng bagyo at pagbaha.

Sa nasabing programa, inilunsad din ng DILG ang Memorandum Circular No. 2025-035 o kilala bilang Listo si Kap.

Ang Listo si Kap ay isang gabay at checklist para sa paghahanda sa sakuna na binuo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Pilipinas. Bahagi ito ng mas malawak na programang Operation Listo, na nakatutok sa pagbibigay ng malinaw at sunod-sunod na hakbang para sa mga Kapitan ng Barangay at sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad. Dahil ang barangay ang unang sumasaklolo sa oras ng pangangailangan, ginagawang simple ng Listo si Kap ang mga pambansang patakaran sa disaster management. Tinitiyak nito na mayroonh maayos at mabilis na gabay ang mga lokal na opisyal upang makapagligtas ng buhay at ari-arian nang hindi na kailangang maghintay ng utos mula sa itaas.

Address

Tañong
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Alma Buenaventura posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kap. Alma Buenaventura:

Shortcuts

Share