22/04/2026
Happy 25th Malabon Cityhood Anniversary po!
Taong 2001, naging siyudad ang Malabon. Noong ako po ay nahalal bilang Congressman noong 1998, nagsumikap po tayong iangat ang antas ng bayan ng Malabon at naipasa natin ang Republic Act 9019 o mas kilala bilang Charter of the City of Malabon. Sa bisa nito, kinilala ang Malabon bilang isang highly urbanized city na nagbigay ng mas mataas na pondo na nagamit natin para sa mga pagpapa-unlad ng lungsod.
Ngayong ipinagdiriwang natin ang Charter Day ng Malabon, alalahanin natin ang makulay na kasaysayan ng ating lungsod. Atin pong pahalagahan ang bunga ng isang mahabang pakikipaglaban sa Kongreso at pagsulong ng ating karapatan na maiangat ang antas ng ating bayan.