28/10/2023
Ngayon na po ang huling araw ng kampanya. Anu’t ano pa man ang mangyari sa darating na halalan, nawa’y hindi natin itigil ang ating kagustuhan na makapag lingkod sa kapwa nating ka-barangay. Sana mula sa simula hanggang sa huli ay mangibabaw ang respeto, pagkakaibigan at pakikipagkapwa tao natin sa bawat isa.
Dahil sa huli, lahat tayo ay panalo na, hindi man sa posisyon, kundi panalo na tayo dahil sa ipinamalas nating sakripisyo at dedikasyon na makapagbigay serbisyo sa ating kapwa.