TINTA

Directions Website Contact the organization

TINTA Maysilo Elementary School News

20/08/2026
📢 MAHALAGANG PAABISO | LEVEL HINTO 🛑Alinsunod sa mga ipinalabas na abiso ng mga kinauukulang ahensiya at bilang pag-iing...
06/08/2026

📢 MAHALAGANG PAABISO | LEVEL HINTO 🛑

Alinsunod sa mga ipinalabas na abiso ng mga kinauukulang ahensiya at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani, ipatutupad ang Level HINTO (Stop) sa Paaralang Elementarya ng Maysilo.

Bilang pagsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, ang Level HINTO ay nangangahulugang pansamantalang paghinto ng mga gawaing pang-akademiko upang higit na mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng buong school community.

🛑 Sa ilalim ng Level HINTO:
• Pansamantalang ititigil ang mga gawaing pang-akademiko.
• Walang face-to-face classes.
• Walang synchronous o asynchronous learning activities.
• Walang bagong academic requirements na ipagagawa sa mga mag-aaral.

Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral at magulang na manatili sa ligtas na lugar, maging mapagmatyag, at sumubaybay lamang sa mga opisyal na anunsiyo ng paaralan at mga kinauukulang ahensiya.

❤️ Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Ang pansamantalang paghinto ng mga gawaing pang-akademiko ay isang hakbang upang matiyak na ligtas ang ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.

Sa sama-sama nating pagtutulungan, malalampasan natin ang anumang hamon na dulot ng masamang panahon.

🛑 HINTO MUNA. LIGTAS MUNA.
📚 Ang pagkatuto ay ipagpapatuloy sa tamang panahon.

Paaralang Elementarya ng Maysilo
Kaligtasan ng bawat isa, pananagutan nating lahat.







📢 ANUNSIYO | HULYO 10, 2026Alinsunod sa mga ipinalabas na abiso ng mga kinauukulang ahensiya at bilang pag-iingat sa dul...
09/07/2026

📢 ANUNSIYO | HULYO 10, 2026
Alinsunod sa mga ipinalabas na abiso ng mga kinauukulang ahensiya at bilang pag-iingat sa dulot ng Bagyong Inday, suspendido ang klase sa Paaralang Elementarya ng Maysilo ngayong Hulyo 10, 2026.

Bilang pagsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, ang ating paaralan ay nasa ilalim ng Level HINAY (Dahan-dahang Pag-usad / Ease-in). Dahil dito, ipatutupad ang Structured Distance Learning upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto sa ligtas at angkop na pamamaraan. Isasagawa ang Distance Learning sa pamamagitan ng modyul, online class, o iba pang angkop na gawaing pampagkatuto, habang ang mga pagtataya ay nakatuon lamang sa mahahalagang batayang kasanayan (essential core competencies).

Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral at magulang na manatiling ligtas, sumubaybay lamang sa mga opisyal na anunsiyo ng paaralan at ng mga kinauukulang ahensiya, at makipag-ugnayan sa mga g**o para sa mga kaukulang tagubilin sa pag-aaral.

Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Sa sama-sama nating pagtutulungan, maipagpapatuloy natin ang dekalidad na edukasyon sa kabila ng mga hamon na dulot ng masamang panahon.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas.

Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, ipinatutupad ang Antas ng Pagpapatuloy ng Pagkatuto (Learning Continuity Level...
07/07/2026

Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, ipinatutupad ang Antas ng Pagpapatuloy ng Pagkatuto (Learning Continuity Levels) upang matiyak na ang edukasyon ay nananatiling naaabot at tumutugon sa kasalukuyang kalagayan at panahon.

Ngayong Hulyo 8, 2026, tayo ay nasa Antas na Hinay (Dahan-dahang Pag-usad / Ease-in).

Isasagawa ang Distance Learning sa pamamagitan ng mga modyul, o online na klase.

Inuuna ng Paaralang Elementarya ng Maysilo ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad.
Paiigtingin din ng paaralan ang Safety Monitoring at magbibigay ng napapanahong mga anunsyo at update.

Hinihikayat namin ang lahat ng mga mag-aaral at mga magulang na lubos na makiisa at sumunod sa mga panuntunang ito. Sa ating pagtutulungan, masisig**o nating magpapatuloy ang pagkatuto habang napangangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.

PAGBATI sa'yo Che Anne E. Laurente.Ang iyong galing sa pagsusulat ay tunay na kahanga-hanga!Patuloy kang magsilbing insp...
24/03/2026

PAGBATI sa'yo Che Anne E. Laurente.

Ang iyong galing sa pagsusulat ay tunay na kahanga-hanga!
Patuloy kang magsilbing inspirasyon sa kapwa mag-aaral.

Congratulations sa iyong Division at Regional achievements!

Address

San Vicente Village, Maysilo
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TINTA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to TINTA:

Shortcuts

Share

Category