Pluma at Papel

Pluma at Papel “Poetry is the spontaneous overflow of powerful feelings: it takes its origin from emotion recolle

29/08/2023

Kung bibigyan man tayo ng pangalawang pagkakataon,
Alam kong gusto mo ring manatili at hindi sumama sa panahon.
Hindi ko man nasabi ang mga salitang gusto kong ihabol sayo,
Marahil ay naparamdam ko naman ito ng buong-buo.

Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?
Hindi na ba hinahabol ang paghinga hindi tulad noon?
Wala ka na sigurong problema sa araw-araw,
At nakakain ng paborito mong pagkain habang sumasayaw.

Saan ka naman ngayon napapadpad?
Kasabay mo na siguro ang mga ibong lumilipad.
Hindi ka na mapapagod sa pag ikot sa mundo,
Dahil wala nang makakapigil kung saan mo gusto tumungo.

Alam kong kahit masaya ka na iniisip mo pa rin kami,
Huwag kang magalala kahit masakit ay pinipilit naming ngumiti.
Magkikita-kita rin naman tayo at sabay maglalakbay,
Hintayin at salubungin mo kami sa kabilang buhay.

Mahal kita,Oo, magkaiba yun sa sinabi mong minahal kita.Masakit mang mangaling sa taong una kong natagpuan,At basta-bast...
08/01/2021

Mahal kita,
Oo, magkaiba yun sa sinabi mong minahal kita.
Masakit mang mangaling sa taong una kong natagpuan,
At basta-basta na lang naging bahagi ng nakaraan.

Kung aking ilalarawan ang mga araw na kasama ka,
Hindi ako magsasawang iparamdam sayo ang salitang mahal kita.
Oo, magkaiba yung sa sinabi mong minahal naman kita,
Habang nakatingin ka sa akin ngunit magkahawak kamay kayong dalawa.

Uuwi na lang ako upang maglalakbay mag-isa,
Habang paulit-ulit na iniisip ang mga huli mong salita.
Mahal kita ngunit ayoko ng patagalin pa,
Sabay singhal ng mabigat na ayoko na.

Mahal kita,
Mamahalin kita.
Mamahalin pa rin kita hanggang sa mawala na lang bigla,
Dahil ito na ang simula, simula upang sabihin kong minahal na lang kita.

Sa aking pag pikit,At sa mga luhang pinapabalik kong pilit.Naiisip ko ang mga tanong na wala pa ring kasagutan,Patuloy p...
07/01/2021

Sa aking pag pikit,
At sa mga luhang pinapabalik kong pilit.
Naiisip ko ang mga tanong na wala pa ring kasagutan,
Patuloy pa ring nabubugnot, naiirita tila bang wala ng katapusan.

Hanggang kailan ako nasa ganitong kalagayan?
Malalagpasan ko pa ba ang sitwasyong nararanasan.
Lumingon ako sa orasang hindi humihinto,
Nagmamadali ba akong matapos ang pag ikot nito?

Alas dose na ngunit hindi pa rin nauubos,
Ang mga iniisip kong unti unti akong inuubos.
Mga baka, kung at sana na gusto ko ng tuldukan,
Sapat pa ba ang natitirang segundo't, oras, minuto at buwan.

Para sa mga taong katulad ko na patuloy na nawawala,
Para sa mga taong nawalan na rin ng pag-asa.
Maniwala lang tayong makikiayon rin sa atin ang panahon,
Magpaubaya na lang at magpadala sa bawat hampas ng alon.

Kung bakit ka nawala sa gitna,Kahit magkahawak kamay tayo mula nung umpisa.Sa dulo kung saan gusto kitang pabalikin,Hang...
19/08/2020

Kung bakit ka nawala sa gitna,
Kahit magkahawak kamay tayo mula nung umpisa.
Sa dulo kung saan gusto kitang pabalikin,
Hanggang naglaho na lang ang imahe mong gumigising sa akin.

Salamat!
19/08/2020

Salamat!

"Maiiwan ka ba?"Lungkot at hinanakit ang kumakahon sa ating dalawa,Mga masasamang alaala na  na tayo makakawala. Mga pan...
19/02/2020

"Maiiwan ka ba?"

Lungkot at hinanakit ang kumakahon sa ating dalawa,
Mga masasamang alaala na na tayo makakawala.
Mga panghihinayang at pangungulila,
Ang unti-unting kumikitil sa ating paghinga.

Hindi ka pa rin ba nagsasawa?
Sa paulit-ulit nating nakasanayan at ginagawa.
Nakakarinding dahilan ang hindi mapigilan,
Mga pintig at pulsong pilit nating gusto pang dugtungan.

Isang pagkakataong pa na puno ng kasinungalingan,
Mga naganap na pero gusto parin nating balikan.
Wala na ang init o tamis ng kamalian,
Sa bawat oras na gusto lang nating ay kalungkutan.

Nalulunod na tayo sa mga pangyayari,
Wala ni isa sa ating ang gusto pang manatili.
Hindi na tulad ng dati dahil wala na,
Matagal ng namatay sa piling ng isa't isa.
Namatay na.

Baka Pwede Pa. Baka pwede pa,Ipihit pabalik kagaya ng una. Ngiti sa bawat isa na hindi nabubura,Init ng mga yakap mong h...
06/11/2019

Baka Pwede Pa.

Baka pwede pa,
Ipihit pabalik kagaya ng una.
Ngiti sa bawat isa na hindi nabubura,
Init ng mga yakap mong hindi ako makawala.

Baka pwede pa,
Uulit-ulitin kong sabihin mahal kita.
Hindi nagbago simula nung umpisa,
Kahit lumipas pa ang ilang dekada.

Baka pwede pa,
Humingi ng tawad kung may mali akong nagawa.
Lahat ng ayaw mo ay susundin ko na,
Bumalik ka lang ulit sa akin noong parang tayo pa.

Baka pwede na,
Kahit isang beses lang na makita ka.
At sa sandaling matitigan ko ang iyong mga mata,
Sasabihin ko pa ring sana pwede pa...
Sana tayo pa..
Sana.

"Kung ikaw pa rin"Tinapos mo na ang lahat kahit ang umpisa,Dahil hinangad mo ang dulo agad ang gumitna.Paano pa magpapat...
14/07/2019

"Kung ikaw pa rin"

Tinapos mo na ang lahat kahit ang umpisa,
Dahil hinangad mo ang dulo agad ang gumitna.
Paano pa magpapatuloy ang buhay ko?
Kung lumisan na ang taong nagpapatakbo nito.

Kahit sa huli lamang pagkakataon,
Gusto kong mahawakan ang buhok mong maalon.
Masaksihan ko man lang ang huling pagtulog mo ng mahimbing,
Dahil bukas ay hindi ka na makakapiling.

Naisin ko mang pigilan ka,
Anong karapatan ko kung hindi na kita mapasaya?
Kung ang ikalulungkot ko ay ang ikaliligaya mo,
Magiging makasarili ako kung hindi maibibigay sayo.

Magpapatuloy ang sikat ng araw sa umaga,
At ang paglubog nito sa gabing wala ka.
Magiging saksi na lang ang mga tala sa kalangitan,
Sa pangungulila sa isang taong kasing layo na ng buwan.

"Inaamin kong..."Pinipilit kong maging masaya,Sa panahong alam kong nasa piling ka na ng iba.Hindi ko maitatanging naiis...
10/07/2019

"Inaamin kong..."

Pinipilit kong maging masaya,
Sa panahong alam kong nasa piling ka na ng iba.
Hindi ko maitatanging naiisip ka pa rin,
Kahit ako ang nagpahiwatig na ikaw ay palayain.

Lumaya ka sa inaasahang kong mga oras,
Kumawala ka sa akin at sarili ay iniligtas.
Na sa pag aakalang maaayos ko pa rin ang lahat,
Pero nahuli ako, naglaho ka na sa aking pagmulat.

Kumusta ka na ba?
Nababaliw na paulit ulit kong minememorya.
Ang mga salitang masakit at mahirap bigkasin,
Pagkatapos ng mga sandaling pinalipas natin.

Sa bawat pagkanan ko ay ikaw ang kumaliwa,
Tumatawa ako kahit na ikaw ang lumuluha.
Sana ay malimot ka na lang ng tuluyan,
Dahil hindi ka na mapapasakin pa, kahit kailan.

"DEKADA"Naligaw ka sa isip ko pabigla bigla,Nagbilang ako pabalik ng ilang dekada. Mga walang kamuwang muwang noon na su...
30/10/2018

"DEKADA"

Naligaw ka sa isip ko pabigla bigla,
Nagbilang ako pabalik ng ilang dekada.
Mga walang kamuwang muwang noon na sulyap,
At mga walang katapusang pagpapangap.

Ilang dekada mula noong ako'y humanga,
Kung saan pagdadalaga'y nagpapakilala.
Pagkukunwaring hindi maitatangi,
Kilig at galak na 'di rin maikukubli.

Ilang dekada mula noong ika'y sinusundan,
Bawat galaw ay kinakabisado ng isipan.
Oras na pinahihinto upang wasto kang maiguhit,
At makapa ang bawat pagtitig at ngiti mong mapait.

Ilang pagkakataon na ang ating pinalagpas,
Tila kailan lang kung aking maikukumpas.
Masaya akong makita ka ngunit isang dekada na rin pala,
Na kahit masakit ay minamahal pa rin kita.

"DAPIT HAPON"Dapit-hapon ang iniiwasan kong oras na matapos,Dahil pinalamon mo ako sa kawalan at iginapos. Ito rin ang o...
29/10/2018

"DAPIT HAPON"

Dapit-hapon ang iniiwasan kong oras na matapos,
Dahil pinalamon mo ako sa kawalan at iginapos.
Ito rin ang oras kung saan ka nagdesisyon,
Na talikuran ako at magpasyang sayo ay sumang-ayon.

Kung pipigilan ba kita,
Ganun pa rin ba ang ang kulay na makikita?
Hindi pa ba sapat ang binuo nating mundo?
Bakit kailangan mo pang maglayag sa kabilang dako.

Sa pag-ibig na ngayo'y pinaglalaban,
Tanging hiling ay sana'y mapakinggan.
Hanggang sa huling hininga'y magiging tapat sayo,
Huwag ka lang tuluyang sa dilim ay maglaho.

Kung ang dapit-hapon ang oras nang iyong paglalakbay,
Ihihinto ko ang masasayang oras natin sa bukang liwayway.
At sa ilang libong rason ay may isa akong napatunayan,
Ito ay dahil hinding hindi kita kayang iwan.

"Kung Saan Tayo May Dulo"Mga paglalakbay nating parehas na tayo  maliligaw,Sa paggalugad kong hindi na ikaw ang matatana...
19/10/2018

"Kung Saan Tayo May Dulo"

Mga paglalakbay nating parehas na tayo maliligaw,
Sa paggalugad kong hindi na ikaw ang matatanaw.
Sa iyong pag-alis na ginamitan mo pa ng aguhon,
Upang malaman kung saan patungo ang iyong direksyon.

Kung bakit nawawala na tayo,
At nawala nang tuluyan ang nararamdamang nagsusumamo.
Upang muling masilayan ang huling talang sumusubaybay,
Na makatawid sa iniwan mong bakas na sa aki'y gagabay.

Gusto kong dugtungan ang lubid na nabitawan mo,
Ngunit pilit mo pinipigtas ang muling pagbubuklod nito.
Na parang tinapos mo na rin ang pag-asa at ating mga pangarap,
At itinapon na lang basta basta sa isang iglap.

Ayaw mo nang magpaabot na parang salipawpaw,
At pananatilihin na lang kitang isang balintataw.
Dapat ba akong magpaanod sa daluyong na bumubugso,
Upang mapadpad kung saan pa tayo may dulo.

Address

Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pluma at Papel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category