Dampalit Mega Dike Park

Dampalit Mega Dike Park The official FB page of Dampalit Mega D**e Park

One of the many functions of this 8.6-kilomiter long structure is to help mitigate flood in CAMANAVA Region.

Maintaining its cleanliness reduces the risk of wastes clogging inland drainage during high tide. The official FB page of Dampalit Mega D**e Park

28/09/2024
09/04/2024

Eid Mubarak! ☪️

Isang mapagpalang Eid'l Fitr o pagtatapos ng Ramadan sa lahat ng mga kapatid nating Muslim.

Nawa’y maging masagana at mapayapa ang inyong pagdiriwang sa araw na ito at dinggin ni Allah ang inyong mga samo’t dalangin sa nakalipas na pagninilay-nilay.

As-Salaam Alaikum!

09/04/2024

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagdiriwang ng ika-82 taon na Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Sa araw na ito, patuloy nating binibigyang-pugay ang kadakilaan at sakripisyo ng ating mga bayani. Alalahanin natin ang tapang at dedikasyon na kanilang ipinamalas para sa kalayaan ng ating bayan. Nawa'y magsilbing inspirasyon sa atin ang kanilang kabayanihan upang tayo ay magkaisa sa pagtataguyod ng kalayaan at magandang kinabukasan ng ating bansa.

08/04/2024

Traffic Advisory 📢
(Updated as of 3pm today)

Mula po sa impormasyon mula sa Barangay Muzon Malabon City ,
ipinababatid po na ang Kagitingan St. ay pansamantalang isasara sa April 10, 2024 mula 6am hanggang 3pm, para sa pagdating ng EAT BULAGA sa lugar.

Inaabisuhan ang mga magmumula ng Dampalit / Damzon na patungong Concepcion o Baritan na gumamit ng alternatibong daan.

Maraming salamat.

31/03/2024

He is Risen!

Matapos ang Kanyang pagpapako sa krus, kamatayan, at paglilibing, si Kristo ay bumangon mula sa libingan pagkaraan ng tatlong araw. Dinaig Niya ang kamatayan at tinubos tayo mula sa kasalanan.

Sa pagtatapos ng Banal na Linggo, huwag natin kalimutan ang dahilan ng pagdiriwang ng Semana Santa. Sariwain ang lahat ng Kanyang paghihirap, at magmuni-muni kung papaano natin mapabubuti ang ating mga sarili.

Ating bitbitin ang Kaniyang banal na salita at gamiting gabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay patungo sa buhay na walang hanggan.




18/03/2024
16/03/2024
Pagbati sa mga kababaihan mula sa
08/03/2024

Pagbati sa mga kababaihan mula sa

Ngayong Marso 8 ay ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day! Kinikilala at binibigyang pugay natin ang galing, lakas at tagumpay ng lahat ng mga kababaihan sa lungsod at sa buong bansa. Patuloy nating itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at pagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan!

🙋‍♀️Ano ang pinakamagandang katangian ninyo bilang isang babae? Ibahagi ito sa ating comment section.

Happy International Women’s Day, Malabueños!💙


05/03/2024

TATLONG ARAW NA LANG, MEGA JOB FAIR NA!

Iba't ibang trabaho ang naghihintay para sa mga job seekers sa ating darating na Mega Job Fair!

Nasa mahigit 70 partner companies ng Public Employment Service Office (PESO) ang handang magbigay ng trabaho para sa mga Malabueños. Tingnan ang mga nasa larawan o i-click ang link para sa listahan ng job vacancies and positions na maaari ninyong applyan: https://bit.ly/UpdatedListofJobVacancies

Magkita-kita tayo sa Biyernes, 9AM-4PM!

Address

Barangay Dampalit
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dampalit Mega Dike Park posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share