01/09/2026
🚨 ABISO MULA SA KAGAWARAN NG KALUSUGAN (DOH)
MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN! 😷
Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa mga forest fire sa Kalimantan, Indonesia.
Ang haze ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at maaari ring magpalala ng mga sakit sa baga tulad ng hika.
🔵 Dobleng pag-iingat para sa mga bata, senior citizen, at mga may dati nang karamdaman sa baga o puso.
📌 Mga paalala:
• Magsuot ng mask kung kinakailangang lumabas ng bahay.
• Iwasang manatili nang matagal sa labas kung mataas ang antas ng haze.
• Alamin ang lagay ng air quality sa inyong lugar.
• Agarang humingi ng medikal na atensyon kung makaranas ng matinding hirap sa paghinga o iba pang malubhang sintomas.
Unahin ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa. Manatiling alerto at handa sa banta ng haze.