30/05/2026
๐๐ ISANG MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS! ๐ฉต๐
Matagumpay na naisagawa ang FORS21 Friends of Ricky Sandoval Brgy. Tinajeros Basketball Clinic 2026 Graduation Day kasama ang Kabataang LODI Team TJ Salamat Isang makabuluhang araw na puno ng saya, pagkatuto, at inspirasyon para sa ating mga kabataang kalahok.
Sa loob ng programa, hindi lamang nahasa ang kanilang kakayahan sa basketball kundi naitanim din ang kahalagahan ng disiplina, pagtutulungan, respeto, at sportsmanshipโmga aral na kanilang madadala sa loob at labas ng court.
Bilang pagkilala sa kanilang sipag, dedikasyon, at matagumpay na pagtatapos ng programa, ang bawat batang lumahok ay tumanggap ng Jersey Uniform at Certificate bilang simbolo ng kanilang pagsisikap at tagumpay.
Taos-pusong pasasalamat sa Kabataang Lodi Team TJ Salamat, Tinajeros National High School, sa mga magulang, coaches, volunteers, at sa lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito. Patuloy nating gabayan at suportahan ang ating kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Congratulations sa lahat ng graduates ng FORS21 Brgy. Tinajeros Basketball Clinic 2026! Patuloy na mangarap, magsikap, at maging inspirasyon sa inyong kapwa kabataan. ๐๐