Malabon City Nutrition Office

Malabon City Nutrition Office This is the Official page of Malabon City Nutrition office.
(1)

09/08/2026
09/08/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to- face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon bukas, Lunes, Agosto 10, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 225687 o 0917-889-8657.

08/08/2026

Breast milk is tailored for your baby and changes throughout the day, with the seasons, as they grow, and to help them fight off illnesses.

Breastfeeding provides
• Signals that it’s time to sleep
• Extra hydration when it’s hot
• Specific antibodies when mum or baby is sick
• Adapted fat content and nutrients as they grow

08/08/2026
08/08/2026
07/08/2026
07/08/2026

ABISO SA MALAKAS NA PAG-ULAN

Kasalukuyang nasa ORANGE RAINFALL ADVISORY ang Metro Manila, kabilang ang Lungsod ng Malabon, base sa pinakahuling update ng PAGASA ngayong Agosto 7 (Biyernes), 5:00 PM.

📢 Heavy Rainfall Advisory No. 20
🌧 Weather System: Southwest Monsoon (Habagat) at Tropical Cyclone DOLPHIN

🟠 ORANGE ADVISORY LEVEL:
📍 Metro Manila (kabilang ang Malabon), Zambales, Bataan, Cavite, ilang bahagi ng Batangas, Pampanga, Bulacan, Laguna, at Rizal.

⚠️Maging alerto sa patuloy na banta ng pagbaha, lalo na sa mga lugar na mababa at madaling bahain.

📍 Batay sa kasalukuyang monitoring ng Malabon City DRRMO, wala namang naitatalang pagbaha sa mga pangunahing kalsada sa Lungsod ng Malabon sa kasalukuyan. Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ang lahat na manatiling mapagmatyag at mag-ingat dahil maaaring magbago ang lagay ng panahon anumang oras.

Samantala, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may paminsan-minsang malalakas na buhos sa ilang bahagi ng Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, at Quezon sa loob ng susunod na 3 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon at mag-abang sa susunod na Heavy Rainfall Warning na ilalabas ng PAGASA sa ganap na 8:00 PM ngayong araw.

Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:

📞 Malabon Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588

📞 TXT MJS
0917-689-8657 / 225687




06/08/2026

WALANG PASOK: Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Malabon bukas, August 7, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat na pinapalakas ng Bagyong .

Magpapatuloy ang klase sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode o online classes.

Manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsiyo at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

06/08/2026

🤱💙 ANG GATAS NG INA, PINAKAMAINAM NA SIMULA SA BUHAY

Ang gatas ng ina ang unang regalo ng pagmamahal at kalusugan na maibibigay sa isang sanggol. Taglay nito ang kumpletong sustansya at natural na proteksyong kailangan upang lumaking malusog, matatag, at handa sa magandang kinabukasan.

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Month ngayong Agosto at World Breastfeeding Week, na may temang "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works." Layunin nitong palakasin ang suporta sa mga inang nagpapasuso at ipaalala ang kahalagahan ng gatas ng ina bilang pinakamainam na simula sa buhay ng bawat sanggol.

Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy na pinalalawak ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga serbisyong nagtataguyod sa kalusugan ng mga ina at sanggol. Kabilang dito ang regular na check-up para sa mga buntis at bagong panganak, breastfeeding counseling, at ang Human Milk Bank ng Ospital ng Malabon (OSMAL), kung saan maaaring makakuha ng libreng donor human milk ang mga kwalipikadong sanggol. Maaari ring lumapit sa inyong doktor o sa pinakamalapit na health center para sa gabay at suporta sa pagpapasuso.

Kapag suportado ang isang ina, mas nagiging malusog ang bawat sanggol at mas matatag ang kinabukasan ng bawat pamilyang Malabueño. 💙

05/08/2026

📣Mga taga-Brgy. Tugatog at mga kalapit na barangay, pagkakataon na para kumita habang tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan!

Dalhin ang inyong mga PET bottles at ipagpalit ito ng dagdag na kita sa programang "Sa Plastik na Basura, May Kita!"

🗓 Agosto 6, 2026 (Huwebes)
📍 Brgy. Tugatog Covered Court
🕗 8:00 AM – 12:00 NN

💰 Presyo kada kilo:
• Clear PET Bottles – ₱21.00
• Blue PET Bottles – ₱10.00
• Green PET Bottles – ₱10.00
• PET Bottle Ring/Cap – ₱20.00
• PET Bottle Label – ₱7.50

Hindi na kailangang lumayo para makiisa sa programa. Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Maglinis ng kapaligiran, mag-recycle, at magkaroon ng dagdag na kita para sa pamilya.

May kita na, nakatulong pa sa mas malinis na Malabon! 💙





Address

10th Flr. Nutrition Office, F. Sevilla Boulevard , Tañong, Malabon City Hall
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City Nutrition Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share