Brgy. Taloy Malasiqui, Pangasinan

Brgy. Taloy Malasiqui, Pangasinan Official page of Sangguniang Barangay ng Taloy Malasiqui,Pangasinan
"Like & Follow for Future Update"

17/08/2026

📢 LOST & FOUND | BARANGAY ANNOUNCEMENT

Magandang gabi po sa lahat.

Nakikiusap po ang Barangay sa sinumang nakapulot ng cellphone ni Mr. Iyong Mendeguarin na sana po ay maibalik ito sa may-ari. Mahalaga po sa kanya ang mga contacts at contact numbers na nasa cellphone.

Kung kayo po ang nakapulot o may anumang impormasyon tungkol dito, mangyaring makipag-ugnayan po sa Barangay o direkta sa may-ari.

Maraming salamat po sa inyong katapatan, malasakit at pakikiisa. 🙏

Tulungan po natin siyang maibalik ang kanyang cellphone.

AKSYON AGAD, SERBISYO PARA SA TAO! Kahit gabi at umuulan, sa pangunguna ni Hon. Punong Barangay Benigno F. Pinlac Jr., k...
08/08/2026

AKSYON AGAD, SERBISYO PARA SA TAO!

Kahit gabi at umuulan, sa pangunguna ni Hon. Punong Barangay Benigno F. Pinlac Jr., kasama sina Kagawad Rogel at Kagawad Edwin, agad na kumilos para tugunan ang kawalan ng ilaw.

Salamat sa Black Spider Blood , sa pangunguna ni President Keneth, at sa CENPELCO sa mabilis na pagtugon.

Kapag tinawag ng serbisyo, andoon agad—kahit anong panahon. 🤝

05/08/2026
PAUNAWA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY TALOYMagandang araw po!Ipinaaalam po sa lahat na ang regular na paghakot ng ba...
02/08/2026

PAUNAWA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY TALOY

Magandang araw po!

Ipinaaalam po sa lahat na ang regular na paghakot ng basura sa ating barangay ay isasagawa tuwing ika-15 at ika-30 ng bawat buwan.

Inaanyayahan po ang lahat ng residente na ilabas lamang ang kanilang mga basura sa itinakdang iskedyul at tiyaking ito ay maayos na nakabalot o nakalagay sa tamang lalagyan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta sa pagpapanatiling malinis at maayos ang ating minamahal na Barangay Taloy.

02/08/2026

| August 3, 2026

As of 10:00 AM, walang pasok at suspendido ang face-to-face classes sa mga sumusunod na bayan at siyudad, Lunes, August 3, 2026, dahil sa epekto ng at Habagat na nagdudulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha.

* Agno - All Levels (Public & Private)
* Aguilar - All Levels (Public & Private)
* Alaminos City - All Levels (Public & Private)
* Alcala - All Levels (Public & Private)
* Anda - All Levels (Public & Private)
* Asingan - All Levels (Public & Private)
* Balungao - All Levels (Public & Private)
* Bani - All Levels (Public & Private)
* Basista - Daycare to Senior High School (Public & Private)
* Bautista - All Levels (Public & Private)
* Bayambang - All Levels (Public & Private)
* Binalonan - All Levels (Public & Private)
* Binmaley - All Levels (Public & Private)
* Bolinao - All Levels (Public & Private)
* Bugallon - All Levels (Public & Private)
* Burgos - All Levels (P***c & Private)
* Calasiao - All Levels (Public & Private)
* Dagupan City - All Levels (Public & Private)
* Dasol - All Levels (Public & Private)
* Infanta - All Levels (Public & Private)
* Labrador - All Levels (Public & Private)
* Laoac - All Levels (Public & Private)
* Lingayen - All Levels (Public & Private)
* Mabini - All Levels (Public & Private)
* Malasiqui - All Levels (Public & Private)
* Mapandan - All Levels (Public)
* Manaoag - Preschool to Senior High School (Public & Private)
* Mangaldan - All Levels (Public & Private)
* Mangatarem - All Levels (Public & Private)
* Natividad - All Levels (Public & Private)
* Pozorrubio - All Levels (Public & Private)
* Rosales - All Levels (Public & Private)
* San Fabian - All Levels (Public & Private)
* San Jacinto - All Levels (Public & Private)
* Sual - All Levels (Public & Private)
* San Carlos City - All Levels (Public & Private)
* San Manuel - All Levels (Public & Private)
* San Nicolas - All Levels (Public & Private)
* San Quintin - All Levels (Public & Private)
* Sta Barbara - All Levels (Public & Private)
* Sta Maria - All Levels (Public & Private)
* Sto Tomas - All Levels (Public & Private)
* Sison - All Levels (Public & Private)
* Tayug - All Levels (Public & Private)
* Umingan - All Levels (Public & Private)
* Urbiztondo - All Levels (Public & Private)
* Urdaneta City - All Levels (Public & Private)
* Villasis - All Levels (Public & Private)

Pinag-iingat ang publiko sa epekto ng bagyo. Maging alerto, ligtas at manatiling nakatutok sa mga abiso ng inyong Local Disaster Risk Reduction and Managment Office (LDRRMO).

I-refresh ang post na ito para sa updated class suspension.

FEEDING PROGRAM | DAY CARE CENTER, BARANGAY TALOYSa pangunguna ni Punong Barangay Benigno F. Pinlac Jr., matagumpay na n...
31/07/2026

FEEDING PROGRAM | DAY CARE CENTER, BARANGAY TALOY

Sa pangunguna ni Punong Barangay Benigno F. Pinlac Jr., matagumpay na naisagawa ang Feeding Program para sa mga mag-aaral ng Day Care Center ng Barangay Taloy.

Sa tulong ng ating Day Care Teacher, at sa aktibong pakikiisa ng ating Barangay Nutrition Scholar (BNS) at ni Kagawad Weng, naipamahagi ang masustansyang pagkain sa ating mga kabataan bilang bahagi ng patuloy na programa ng barangay para sa kalusugan at wastong nutrisyon ng bawat bata.

Ang gawaing ito ay hindi sana naging matagumpay kung wala ang buong suporta at pagtutulungan ng Sangguniang Barangay ng Taloy, sa pangunguna ng ating Punong Barangay, kasama ang mga masisipag na Barangay Kagawad, Barangay Secretary, Barangay Treasurer, BHW, BNS, Day Care Teacher, mga barangay staff, at iba pang mga boluntaryong bumubuo sa pamunuan ng Barangay Taloy.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras at serbisyo. Patuloy nating pagtibayin ang ating pagkakaisa at malasakit upang makapaghatid ng mga programang tunay na makikinabang ang ating komunidad, lalo na ang ating mga kabataan.

Barangay Taloy — Nagkakaisa sa paglilingkod, nagmamalasakit sa kinabukasan ng bawat batang Taloy.

Address

Taloy
Malasiqui
2421

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Taloy Malasiqui, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share