01/09/2026
Public Advisory of Face-to-Face Classes Suspension
from LGU Malasiqui
Malasiqui
📢 PUBLIC ADVISORY
SUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSES
Setyembre 2, 2026 (Miyerkules)
Alinsunod sa Executive Order No. 48, S. 2026, ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bayan ng Malasiqui, ay sinuspinde bukas, Setyembre 2, 2026 (Miyerkules).
Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang precautionary measure kasunod ng anunsyo ng National Power Corporation (NPC) – San Roque Dam Office hinggil sa pagbubukas ng dalawang (2) gates ng San Roque Dam, gayundin ng patuloy na pagbaha sa ilang barangay sa Malasiqui.
Pinapayuhan ang lahat ng paaralan na magpatupad ng Modular Distance Learning o iba pang Alternative Learning Modes (ALMs) upang matiyak na hindi maaantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes.
PAALALA SA PUBLIKO
🏫 FACE-TO-FACE CLASSES: SUSPENDIDO
📚 LEARNING MODES: Modular Distance Learning o iba pang Alternative Learning Modes, ayon sa ipatutupad ng bawat paaralan.
🏛️ TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN: MAGPAPATULOY
Ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Bayan ng Malasiqui ay magpapatuloy sa kanilang regular na operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa publiko.
Manatiling ligtas, Malasiquinians! Patuloy nating unahin ang kaligtasan ng bawat isa.