03/09/2026
LIBRENG LUGAW PARA SA ATING MGA KABARANGAY!
Sa kabila ng malakas na ulan at masamang panahon, hindi ito naging hadlang upang patuloy na makapaghatid ng serbisyo, malasakit, at pagmamahal sa ating mga kabarangay.
Sa pangunguna ni SK Chairman Hon. Jonas Cervantes, kasama ang buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Cawayan Bogtong, matagumpay nating naihatid ang libreng lugaw para sa ating komunidad.
Maaaring simpleng lugaw lamang, ngunit bawat mangkok ay puno ng init, malasakit, at pagmamahal. โค๏ธ
Patuloy tayong maglingkod at magmalasakit, lalo na sa mga panahong higit na kailangan ng ating komunidad ang pagkakaisa at pagtutulungan.
Serbisyong may puso, para sa bawat kabarangay!