31/08/2026
π’ ADVISORY | SUSPENSION OF CLASSES
Alinsunod sa Executive Order No. 47, S. 2026, at dahil sa masamang kondisyon ng panahon (inclement weather conditions) at pagbaha na nararanasan sa ilang barangay, ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes bukas, Setyembre 1, 2026 (Martes) sa lahat ng antas, pribado at pampublikong paaralan, sa buong bayan ng Malasiqui, Pangasinan.
π§οΈ Ang hakbang na ito ay isinagawa bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral, g**o, at school personnel.
π Hinihikayat ang mga paaralan na ipatupad ang naaangkop na alternative learning modalities, kung kinakailangan, upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
ποΈ SAMANTALA, ANG TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN AY MAGPAPATULOY. Ang mga kawani ng pamahalaan ay inaasahang papasok at magpapatuloy sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Patuloy na mag-ingat at manatiling updated sa mga susunod na abiso mula sa Pamahalaang Bayan ng Malasiqui.
Maging ligtas, Malasiqui! ππ§οΈ