ASenso Malasiqui

ASenso Malasiqui The official page of the Local Government Unit of Malasiqui, Pangasinan; managed and maintained by the Office of the Hon. Mayor Alfe M. Soriano

ASenso Malasiqui is the Official page of the Local Government Unit of Malasiqui, Pangasinan; managed and maintained by the Office of the Hon. Mayor Alfe Macaranas Soriano

๐Ÿ“ SIMULTANEOUS DISTRIBUTION OF COOLERS AND SUPPLEMENTARY FEEDING SUPPLIESIsinagawa ngayong araw, Setyembre 5, 2026, sa A...
05/09/2026

๐Ÿ“ SIMULTANEOUS DISTRIBUTION OF COOLERS AND SUPPLEMENTARY FEEDING SUPPLIES

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 5, 2026, sa Arenas Civic Center, ang simultaneous distribution ng Icebox Coolers mula sa Lokal na Pamahalaan ng Malasiqui at Supply and Delivery of Supplementary Feeding Supplies mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 para sa lahat ng Child Development Centers sa bayan.

Pinangunahan ito ng DSWD, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Malasiqui, sa pangunguna ni Serbisyong Soriano Sigurado SSS - Mayor Alfe M. Soriano.

Ang mga Icebox Coolers ay ipinagkaloob ng LGU Malasiqui bilang suporta sa pagpapatupad ng Supplementary Feeding Program (SFP), habang ang mga feeding supplies ay bahagi ng patuloy na programa ng DSWD para sa kapakanan at wastong nutrisyon ng mga batang kabilang sa mga Child Development Centers.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD at LGU Malasiqui, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay ng mas maayos na serbisyo, wastong nutrisyon, at mas magandang kinabukasan para sa mga batang Malasiquenians. ๐Ÿ’™



๐Ÿ™ Panalangin para sa Isang Makabuluhang Serbisyo PublikoNgayong Setyembre 4, 2026 (Biyernes), nagsagawa ng Banal na Misa...
04/09/2026

๐Ÿ™ Panalangin para sa Isang Makabuluhang Serbisyo Publiko

Ngayong Setyembre 4, 2026 (Biyernes), nagsagawa ng Banal na Misa sa Municipal Hall ng Bayan ng Malasiqui bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary, na ginugunita sa buong buwan ng Setyembre.

Sa pagdiriwang na ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod โ€”ang paglilingkod nang may malasakit, kababaang-loob, katapatan, at pagmamahal sa kapwa. Paalala ito na ang tunay na diwa ng serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa mga tungkuling ginagampanan, kundi sa kabutihang naibabahagi natin sa bawat taong ating pinaglilingkuran.

Sa gitna ng mga hamon sa buhay at sa paglilingkod, patuloy tayong pinapaalalahanan ng pag-asa na nagmumula sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalig, panalangin, at pagtitiwala sa Kanya, nagkakaroon tayo ng lakas upang magpatuloy, maglingkod nang buong puso, at maging daluyan ng pag-asa sa iba.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang banal na pagdiriwang na ito upang higit nating maisabuhay ang isang serbisyong makatao, may malasakit, at may pusoโ€”isang serbisyong tunay na nakasentro sa kapakanan ng bawat Malasiqueno.

Sa Diyos ang papuri, at sa bayan ang tapat na paglilingkod. ๐Ÿ™




ASenso Kabaleyan!!May gaganaping Local Recruitment Activity (LRA) ang PESO Malasiqui at Radiant Force Human Resources Se...
04/09/2026

ASenso Kabaleyan!!
May gaganaping Local Recruitment Activity (LRA) ang PESO Malasiqui at Radiant Force Human Resources Services OPC sa PESO Office, 4th Floor Function Hall Municipal Building sa September 04, 2026 (Friday) mula 9:00AM hanggang 3:00PM.

๐Ÿ“Œ Radiant Force Human Resources Services OPC:
Nangangailangan po sila ng mga sumusunod:
๐Ÿ‘‰Warehouseman - 50
๐Ÿ‘‰ Driver - 10
๐Ÿ‘‰ Live Sellers
Sa mga interesadong mag-aplay, magsadya lamang at magdala ng resume at ibang credentials sa petsa at lugar na nabanggit.
๐ŸšฉPlease fill out the Job Applicants Pre-Registration Form:
https://forms.gle/KcjanJBgmZ9n2QhD6

๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORYMAY PASOK NA BUKASAng Local Government Unit of Malasiqui ay nagpapaalam sa publiko na may pasok na buka...
02/09/2026

๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORY

MAY PASOK NA BUKAS

Ang Local Government Unit of Malasiqui ay nagpapaalam sa publiko na may pasok na bukas, September 3, 2026 (Huwebes) sa lahat ng antas ng paaralan, kapwa pampubliko at pribado, sa buong Bayan ng Malasiqui.

Pinapaalalahanan ang mga mag-aaral, magulang, guardians, at teaching personnel na maghanda at pumasok ayon sa regular na iskedyul ng kanilang paaralan.

Patuloy na mag-antabay sa mga opisyal na abiso mula sa lokal na pamahalaan para sa updates.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at patuloy na pakikipagtulungan.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Malasiqui!



๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORYSUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSESSetyembre 2, 2026 (Miyerkules)Alinsunod sa Executive Order No. 48, S....
01/09/2026

๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORY

SUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSES

Setyembre 2, 2026 (Miyerkules)

Alinsunod sa Executive Order No. 48, S. 2026, ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bayan ng Malasiqui, ay sinuspinde bukas, Setyembre 2, 2026 (Miyerkules).

Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang precautionary measure kasunod ng anunsyo ng National Power Corporation (NPC) โ€“ San Roque Dam Office hinggil sa pagbubukas ng dalawang (2) gates ng San Roque Dam, gayundin ng patuloy na pagbaha sa ilang barangay sa Malasiqui.

Pinapayuhan ang lahat ng paaralan na magpatupad ng Modular Distance Learning o iba pang Alternative Learning Modes (ALMs) upang matiyak na hindi maaantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes.

PAALALA SA PUBLIKO

๐Ÿซ FACE-TO-FACE CLASSES: SUSPENDIDO

๐Ÿ“š LEARNING MODES: Modular Distance Learning o iba pang Alternative Learning Modes, ayon sa ipatutupad ng bawat paaralan.

๐Ÿ›๏ธ TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN: MAGPAPATULOY

Ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Bayan ng Malasiqui ay magpapatuloy sa kanilang regular na operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa publiko.

Manatiling ligtas, Malasiquinians! Patuloy nating unahin ang kaligtasan ng bawat isa.



31/08/2026

๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž ๐—”๐—ก๐—— ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—™๐—ง ๐—ง๐—ข ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฌ๐Ÿญ

Pursuant to Memorandum Circular No. 133, government offices shall implement appropriate alternative work arrangements, while alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented for classes at all levels in public and private schools on September 01, 2026, in anticipation of continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat):

๐Ÿ“ Ilocos Norte
๐Ÿ“ Ilocos Sur
๐Ÿ“ La Union
๐Ÿ“ Pangasinan
๐Ÿ“ Abra
๐Ÿ“ Benguet
๐Ÿ“ Kalinga
๐Ÿ“ Mountain Province
๐Ÿ“ Apayao
๐Ÿ“ Batanes
๐Ÿ“ Nueva Vizcaya
๐Ÿ“ Zambales
๐Ÿ“ Tarlac
๐Ÿ“ Pampanga
๐Ÿ“ Bataan

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

๐Ÿ“ข ADVISORY | SUSPENSION OF CLASSESAlinsunod sa Executive Order No. 47, S. 2026, at dahil sa masamang kondisyon ng panaho...
31/08/2026

๐Ÿ“ข ADVISORY | SUSPENSION OF CLASSES

Alinsunod sa Executive Order No. 47, S. 2026, at dahil sa masamang kondisyon ng panahon (inclement weather conditions) at pagbaha na nararanasan sa ilang barangay, ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes bukas, Setyembre 1, 2026 (Martes) sa lahat ng antas, pribado at pampublikong paaralan, sa buong bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

๐ŸŒง๏ธ Ang hakbang na ito ay isinagawa bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral, g**o, at school personnel.

๐Ÿ“š Hinihikayat ang mga paaralan na ipatupad ang naaangkop na alternative learning modalities, kung kinakailangan, upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

๐Ÿ›๏ธ SAMANTALA, ANG TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN AY MAGPAPATULOY. Ang mga kawani ng pamahalaan ay inaasahang papasok at magpapatuloy sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Patuloy na mag-ingat at manatiling updated sa mga susunod na abiso mula sa Pamahalaang Bayan ng Malasiqui.

Maging ligtas, Malasiqui! ๐Ÿ™๐ŸŒง๏ธ




The entire Province of Pangasinan has been placed under a State of Calamity, based on the Provincial Council Resolution ...
31/08/2026

The entire Province of Pangasinan has been placed under a State of Calamity, based on the Provincial Council Resolution No. 985-2026.

The declaration aims to expedite the response of the Provincial Government to the needs of the towns affected by the calamity, including relief, recovery, and other necessary interventions.

The Provincial Government of Pangasinan continues to coordinate with local governments and concerned agencies for immediate response and the well-being of every Pangasinense.

Isinailalim na sa State of Calamity ang buong Lalawigan ng Pangasinan, batay sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 985-2026.

Layunin ng deklarasyon na mapabilis ang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga pangangailangan ng mga bayan na naapektuhan ng kalamidad, kabilang ang relief, recovery, at iba pang kinakailangang interventions.

Patuloy ang koordinasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa mga lokal na pamahalaan at mga concerned agencies para sa agarang pagtugon at kapakanan ng bawat Pangasinense.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ PAGGUNITA SA PHILIPPINE NATIONAL HEROES DAY 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญMatagumpay na ginanap ngayong Agosto 31, 2026 ang pagdiriwang ng P...
31/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ PAGGUNITA SA PHILIPPINE NATIONAL HEROES DAY 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Matagumpay na ginanap ngayong Agosto 31, 2026 ang pagdiriwang ng Philippine National Heroes Day sa Bayan ng Malasiqui, sa kabila ng masungit na panahon.

Sa pangunguna ni Serbisyong Soriano Sigurado SSS - Mayor Alfe M. Soriano , kasama sina Vice Mayor Hon. Daria Dolores M. Mamaril, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department at Section Heads, municipal employees, mga kapulisan mula sa PNP Malasiqui Municipal Police Station, Pangasinan PPO , Malasiqui Pangasinan Bfp RegionOne , at mga Pastor, matagumpay na naisagawa ang naturang programa bilang pagpupugay sa kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

Naging bahagi ng programa ang mga makabuluhang mensahe mula kina PLtCol. Francisco Sawadan Jr., MPS Chief, Vice Mayor Hon. Daria Dolores M. Mamaril, at Mayor Hon. Alfe M. Soriano.

Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagiging mapagpasalamat, at pagiging kontento sa kung anuman ang mayroon tayo sa kasalukuyan. Ang tunay na kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo, kundi maging sa ating araw-araw na paglilingkod, pagtutulungan, at malasakit sa kapwa at sa bayan.

Sa kabila ng hindi magandang lagay ng panahon, nanaig ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan, dahilan upang matagumpay na maisagawa ang paggunita sa araw na ito.

Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Mabuhay ang Bayan ng Malasiqui!



๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORYSUSPENSION OF GOVERNMENT WORK AND CLASSESAlinsunod sa Memorandum Circular No. 132 mula sa Tanggapan ng ...
28/08/2026

๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORY

SUSPENSION OF GOVERNMENT WORK AND CLASSES

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 132 mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas (Office of the President), ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, ay sinuspinde simula alas-1:00 ng hapon ngayong Biyernes, Agosto 28, 2026, kasama nag probinsya ng Pangasinan.

Ang suspensyon ay ipinatutupad dahil sa umiiral na masamang panahon dulot ng Habagat na pinalalakas ng Low Pressure Area (LPA), upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kawani, g**o, mag-aaral, at ng publiko.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, iwasan ang mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng pagguho ng lupa, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso para sa mga susunod na update.

Maging ligtas po tayong lahat!








๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž ๐—”๐—ก๐—— ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—˜๐—— ๐—ข๐—ก ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿด

Pursuant to Memorandum Circular No. 132, work in government offices and classes at all levels in public and private schools shall be suspended in the National Capital Region and the following provinces at 1:00 p.m. on August 28, 2026, in anticipation of the further enhancement of the Southwest Monsoon (Habagat) by the Low-Pressure Area (LPA) that entered the Philippine Area of Responsibility (PAR):

๐Ÿ“ National Capital Region (NCR)
๐Ÿ“ Abra
๐Ÿ“ Benguet
๐Ÿ“ Ilocos Sur
๐Ÿ“ La Union
๐Ÿ“ Pangasinan
๐Ÿ“ Bataan
๐Ÿ“ Bulacan
๐Ÿ“ Nueva Ecija
๐Ÿ“ Pampanga
๐Ÿ“ Tarlac
๐Ÿ“ Zambales
๐Ÿ“ Batangas
๐Ÿ“ Cavite
๐Ÿ“ Rizal
๐Ÿ“ Oriental Mindoro
๐Ÿ“ Occidental Mindoro

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

Address

1 Rizal Street , Poblacion
Malasiqui
2421

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ASenso Malasiqui posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share