07/05/2025
Para sa Kaibigan Kong si JP – Mula sa Isang Kababata
Alam mo, JP…
Nasubaybayan kita mula’t simula.
Mula sa paninilbihan mo bilang SK.
Naalala ko pa yung gabing iniyakan mo yung pagkatalo mo sa pagka-SK President.🤦♀️😂
Sabi mo, “Paano na yung plano ko sa mga basketball court? Para sa mga kabataan ‘yun.”
Sabi ko naman, “Ayos lang ‘yan. Malay mo, yan ang daan mo para maging mayor.”😃
Tapos ang sagot mo, “Baka hanggang Kapitan lang ako.”
Ngayon, Kapitan ka na.
At nung kinuwento mo kung gaano kabigat ang responsibilidad, tinanong kita:
“Paano mo na mamanage lahat?”
Ang sagot mo, malinaw:
“Delegation. Kailangan mong maniwala sa team mo. Pero sa dulo, ikaw pa rin ang accountable.”
Naalala mo pa ba nung CAT days natin? (High school) Ang kwentuhan, paano disiplinahin ang mga kadete.
Ngayon, buong barangay na ang hinuhubog mo.❤️❤️❤️
Dati, ang kwentuhan natin, saan tayo papasok ng college.
Ngayon, usapan na ay prinsipyo—
Prinsipyo laban sa sistema, laban sa nakasanayang mali.
Eto po Madalas ko marinig sa kaibigan na ito:
“Kahit nga ang mga tradisyong alam nating mali, ang hirap nang itama—lalo na kapag naging bahagi na ito ng sistema. Pero kung walang tatayo at magsasabing ‘tama na,’ kailan pa?”
Kaya tuloy Ata, Pati sa negosyo, ako pa ang nadedehado kasi hindi natin linyahan manlamang. Oho, lakas po ng tao na ito maka-impluwensya—kahit konsensya ko, may prinsipyo na rin!😂🤣
Sabi mo nga, “Parang wala kang karapatang manilbihan ngayon kung wala kang pang-ayuda na pera.”
Pero kahit gano’n, tumatayo ka pa rin.
Ginagawa mo pa rin—hindi dahil sa pera, kundi dahil mahal mo ang ginagawa mo.
Kaya kahit puyat ka, kahit 4am naglalaba kana para sa pamilya,
Tatayo ka ulit para maglingkod sa iba.❤️🇵🇭
At neto lang tumawag ka samin ikwento ko dito ang convo natin:
JP: Tol, (kausap Mr ko) Ang lalaki ng funds nila… di natin ata kaya?
May alam ka ba’ng pwedeng pag-negotiahan ng kidney?
Ibenta na kaya natin ‘yung isa ko para may maipamigay tayo sa tao?🤣
Pero paano na ‘ko maninilbihan kung iisa na lang ang kidney ko?
Baka sa halip na barangay hall, dialysis center na ang tambayan ko! Hahaha!😂
JP, kaibigan…
Totoo pala, yung matalo ay simula lang.
At ngayon, habang papalapit ang election mo bilang Konsehal,
Laban ulit!🙏🙏🙏
At oo—kung sakaling tumakbo kang Mayor balang araw, (boboto na din nyan si Uno) 🙂
Makikipag-agawan pa rin tayo sa pwesto mo—kahit pareho na tayong naka-reading glasses at may rayuma!
Basta para sa bayan, laban kahit 50s na!🙏
Wala tayong extra pera, bes… kaya wala akong maibibigay na donasyon.
Eto na napala natin sa prinsipyo—trabahong malinis, pero laging kapos! Hehe.😃
Pero heto, ang kaya kong itulong: ang kwento mo.
Testimonya ng isang kababata—hindi pang-ayuda!😂🤣
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
Sana, aking mga kababayan…
Patunayan natin na mali ang sinabi ng kababata ko noon—
Na “Parang wala na raw karapatang manilbihan kung wala kang pera o kulang ang resources.”
Hindi pera ang puhunan ng tunay na serbisyo.
Paninindigan. Pananampalataya. At suporta ng taong bayan!
Goodluck! Kap JP!